"That is a very beautiful painting, Tiffany," nilingon ko si Jessica na may hawak-hawak na mug at pinagmamasdan ang screen ng laptop ko.Umikot ang mga mata ko at kinuha ang mug sa kamay niya para makahigop ako ng kape. Kanina pa ako natatakam sa amoy ng kape niya, pero tinatamad ako magtimpla.
"Nasaan na iyan?" Tanong niya at nilingon ako. Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata pero ngumiti lang ako sakaniya.
Minsan talaga kapag tumingin ang babaeng ito ay parang hinuhusgahan ka na kaagad. Malalim ang tingin niya at palaging seryoso ang facial expression na mukhang mannequin kung hindi pa siya magsasalita. Mabuti na lamang at nasanay na ako sa ganoong ugali niya. That's her default na minsan nakakatuwa siyang bwisitin dahil sobrang saya kapag nakakakita ng expression sa mukha niya.
"I don't know..." sagot ko sakaniya.
"Is that yours?" Tanong niya muli at nagawa pang lumapit sa laptop para haplusin ang picture na para bang mahahawakan niya nga ito. "Ibang-iba ito sa style ng pagpe-paint mo ngayon. But this is yours."
"Not mine anymore," sagot ko at ibinalik sakaniya ang mug niya. "I left it sa Pilipinas at wala na akong ideya kung nasaan iyan."
Tumango lang siya at hinaplos muli ang background ng picture bago ako nilingon muli.
"Blues?" Tanong niya dahil kulay asul ang background ng babaeng nasa hill. Ang pininta ko noong nasa college pa ako, noong panahong... hindi ko maintindihan kung bakit natapos ang isang relasyong nagpapasaya sa'kin ng sobra.
"Lies," sagot ko sakaniya.
Tumayo siya ng tuwid at hindi na muli nagsalita. Tinignan niya lang ang picture na para bang magmamaterialize ito sa harapan niya.
Nakakatawang isipin na asul ang pinili kong kulay noon para sa larawan, noong una ay pinili ko iyon para maemphasize ang isang malungkot na gabi para sa babae, ngunit ngayon... kung iisipin... she's surrounded with blues and she doesn't even know it. Blues... she's surrounded with lies.
"And I wonder kung bakit paborito ko ang kulay asul, that explains it all. Sometimes blue stands for lie, and I've lived in lies all my life," malamig na sabi niya bago siya umalis sa harapan ng laptop ko at nag-ayos na para makapunta na siya sa lalakarin niya ngayon.
Naiwan akong pinagmamasdan ang picture sa laptop at habang tinitignan iyon ay bumalik ako sa araw kung saan ko nalaman ang lahat. Sa araw kung saan nabasag ang buong pagkatao ko na hindi ko alam kung mababawi ko pa ba. Umalis ako pagtapos ng ilang buwan. Sinubukan kong intindihin ang lahat, pero hindi ko kinaya na sa huli ay nagpasya akong umalis... hindi ko kaya. Masiyadong mahirap para tanggapin na lang basta.
Pumikit ako dahil bumabalik nanaman sa isipan ko ang nangyari. Kinuyom ko ang mga kamao ko pero hindi ko na napigilan pa ang mga alaala...
Umuwi ako muli sa bahay at nagkulong sa kwarto pagtapos naming mag-usap ni Kurt. Niyakap ko ang mga binti habang umiiyak mag-isa. Walang pakielam kung naririnig ba nila Mama o ano, gusto ko na lang iiyak. Kahit na alam kong hindi makakatulong ang pag-iyak ay gagawin ko.
Hinayaan kong madilim ang kwarto habang inilalabas ko ang sakit na nararamdaman ko. Wala rin namang magbabago kung bubuksan ko ang ilaw ng kwarto. Lahat ay kasinungalingan. Ultimo pagkatao ko ay kasinungalingan. I'm a Villalauz. Illegitimate daughter. Home wrecker.
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomansaOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...