Chapter 6

1.5K 58 1
                                    

"Ang oa mo naman maka-react." Natatawa parin nyang sabi sakin.

Kinunot ko yung noo ko dahil sa sinabi nya. Si KJ Villavilauz ay isang kilalang singer. Kahit na may maskara na nakatakip sa bandang itaas ng mukha nya ay malalaman mong gwapo talaga sya. Ang kinis ba naman ng mukha nito. Madalas na syang kunin ng mga advertising agency to be their model pero hindi sya pumapayag dahil ayaw nyang pumayag na alisin 'yung maskara nya. Hindi ko naman akalain na.. makikita ko sya ng walang maskara.

Pinagmasdan ko ang buong mukha nya.

"KJ..." bulong ko habang umuupo sa upuan. Imposibleng... "Ikaw ba talaga 'yun?" Tanong ko.

Napailing na lang sya at nagpatuloy sa pagkain. "Bakit ka nandito?" Tanong kong di nya pinapansin.

"Bakit iba itsura mo sa personal?" Tanong ko ulit. Ay, ang tanga ng tanong ko. Tahimik na lang ako kumain. For some reason, nawalan talaga ko ng gana kumain.

"Kailan ka mage-enroll?" Tanong nya sakin.

"Baka sa Monday." Sagot ko. Inubos ko 'yung pagkain na nasa plato ko. Ayoko na. Nakaramdam ako ng hiya sa mga pinaggagagawa ko sakanya.

Narinig kong bumugtong hininga sya kaya inangat ko yung tingin ko sakanya.

"Wag mong isiping ako si KJ. Ako si Kurt, 'yung kinakainisan mo." Sabi nya sakin habang nakangiti. Ngumuso ako dahil sa ngiti nya.

"Mahirap isipin. Adik." Sagot ko sakanya. Nakita kong tapos na sya sa pagkain nya kaya tumayo na ko at nilinis yung mga pinagkainan namin.

Buti na lang at gabi na dahil makakapag-kulong na ko sa kwarto ko. Huhuhu.

Mabilis kong nilinis 'yung mga plato at baso, nilagay ko rin sa ref 'yung natirang ulam.

Tumakbo ako papunta sa kwarto, after kong gawin ang mga gagawin ko. Mabilis akong naglinis ng katawan dahil maaga akong matutulog ngayon.

Pagkabihis ko ay naisipan kong tawagan si Matthew.

"Matty!!!!" Sigaw ko sa kausap ko sa phone.

(Goodness, Tiffa, lower down your voice.) Sabi nya sakin.

"Mattyyyyyy." Pagmamaktol ko sakanya, pero mukhang di nya mapapansin ang pagmamaktol ko dahil narinig kong may katawanan sya. Bwisit 'to.

(Wait, tumawag si Tiffany.) Narinig kong sinabi nya sa kasama nya at nawala rin 'yung ingay sa paligid. Tumingin ako sa orasan, 7pm palang.

(Hey..) tawag nya sakin.

"Where are you?" Tanong ko, pero tumawa lang ang lalaking 'to!

(Night out?) Sagot nya.

"Bakla ka ng taon!" Sigaw ko pero tumawa lang ulit sya. "Akala ko ba aalis ka? Bakit nandito ka pa sa Pilipinas? Hindi ba dapat ay nasa kalagitnaan ka na ng Pacific Ocean?"

(Change of plans. Tsaka pwede ba? Wag kang exag, sampalin kita side by side.) Natawa ko sa maarte nyang sagot sakin.

Si Matthew Alcantara o kilala bilang Matty ay isang bakla. Isa sya sa mga naging kaibigan ko last sem, matagal ko na silang nagiging blockmate, pero last sem ko lang sya naging kaibigan. Sya 'yung bakla na kahit malandi ay di nagagawang mag-cross dress. Kaya madalas ay nagmumukha parin syang lalaki. Wala raw syang pakielam. Basta raw babae sya sa dugo at puso ay ayos na sakanya. I like that.

"Matty.." tawag ko ulit sakanya.

(Ano ba 'yun?) Naiirita nyang sagot. Narinig ko 'yung tunog ng pinto ng sasakyan nya. Tss, yaman talaga ng baklang 'to. (Kumusta si Tita?)

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon