Chapter 19

1.2K 49 2
                                    


Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang kausapin ng ayos si Kurt sa buong araw na 'yun. Pinagpatuloy niya ang pagtingin sa photo album noong natapos siyang maligo habang ako ay nakaupo sa tabi niya. Ayoko sanang umupo sa tabi niya, pero kung umalis ako noong tumabi siya sa'kin ay para ko na ring inamin na may magbabago sa pagsasamahan naming dalawa at ayokong mangyari 'yun.

"Is this your dad?" Tanong niya sa'kin. Dinungaw ko ang picture na tinutukoy niya at marahan na tumango.

"Yup! That's him. Gwapo niya no?" Proud kong sabi kay Kurt. Ngumiti siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Paminsan-minsan ay nagtatanong siya kung saan kinuha ang picture at panay naman ang sagot ko sakaniya.

That's the answer sa kung paano ko siya nagawang kausapin ng ayos sa buong araw. Kinakausap niya ako na parang walang nangyari at kinakausap ko siya pabalik sa ganoong paraan din. Parang walang nangyari kanina bago siya maligo. I am not stupid, alam kong kung hindi ko pinutol ang titigan namin kanina ay baka may nangyari na. He's gonna kiss me right there.

Bumugtong hininga ako dahil sa nangyayari sa'ming dalawa ni Kurt. Hindi ko alam kung malisyosa lang ba akong sadya kaya kung anu-ano ang naiisip ko, o kung totoo na bang may kakaiba. Hindi ko alam.

"You okay?" Tinignan ko siya dahil sa tanong niya sa'kin. Seryoso siya sa tanong niya at dama ko ang pagaalala sa tanong niya, ang mga mata niya ay pinagmamasdan ang buong mukha ko habang naghihintay ng sagot.

Paano ko iiwasan ang pagiisip ng kung anu-ano e ganito siya tumingin sa'kin? Hay, Kurt. What are you doing to me?

"Yup," sagot ko sakaniya at tumingin sa lamesa na nasa harapan namin para ligpitin ang mga photo album na natignan na naming dalawa.

"Ayaw mo talagang sumama sa party?" Tanong niya nang napansin niyang nililigpit ko na ang photo albums.

"Ayaw. Dadating nga kasi si Crystal," sagot ko sakaniya.

"And? Crystal's invited to the party. Maybe you should come," nilingon ko siya dahil nagsisimula nanaman siya sa pangungulit niya. Nakasandal siya sa upuan habang wini-wiggle nya ang mga kilay niya dahil nakatingin ako sakaniya.

"Ayoko nga. Iiwas nga si Crystal sa party, e," sagot ko at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

"Why?" Ngumiwi ako dahil sa tanong niya. "Galit ba sa'min si Crystal at kailangan niyang umiwas?"

Umupo ako sa sahig at pinagmasdan ang mukha niyang bakas ang pagtataka. Abnormal ba ang isa na 'to?

"Hindi naman sainyo iiwas! At saka wag kang tsismoso, hindi sasama si Crystal! End of story!" Sabi ko sakaniya.

"Eh bakit nga—" naputol ang sasabihin niya dahil nag-ring ang cellphone ko. Ngumiti ako sakaniya at saka inabot ang cellphone ko na nasa gilid niya. Sinagot ko ang tawag dahil pangalan ni Crystal ang nasa caller id.

"Naliligaw kami, saan ba banda ang bahay niyo?" Tumayo ako kaagad dahil sa sinabi ni Crystal. She's here already?

"Nandito ka na agad? Ang bilis naman?" Tanong ko sakaniya pero narinig ko ang pagkairita sa boses niya.

"Anong mabilis? Tatlong oras kami sa biyahe!" Nilingon ko si Kurt nang narinig ko ang sinabi ni Crystal. Tatlong oras? Tatlong oras kaming tumingin sa photo albums ni Kurt?

Tinignan ko ang orasan sa ibabaw ng tv at nasagot nga ang tanong ko kung tatlong oras na ang lumipas. Bakit hindi ko namalayan ang oras? At saka bakit parang ang bilis ng oras? Malapit na mag-alas kwatro!

"Kapag may nakita kayong court ay ihinto mo na doon ang sasakyan, susunduin na lang kita doon," sabi ko kay Crystal. Tumaas ang kilay ko dahil nakita kong tumayo na rin si Kurt nang nagsimula akong maglakad papunta sa pinto.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon