Chapter 28

1K 50 6
                                    


Bumalik ako sa loob nang natapos ang ilang minuto para ipagpatuloy ang trabahong naiwan ko. Narinig ko ang mga sigawan ng audience, pero mas pinansin ko ang mga sasalang sa entablado na kailangan ng assistance ko.

"O, Tiffany? Hindi ka ba nanood?" Iniangat ko ang mukha ko para makita ang nagtanong.

"Hindi, Julie. Salamat sa pagco-cover ng trabaho ko, ha?" Nakangiti kong sabi sakaniya.

"Ano ka ba? Wala lang 'yun. You're welcome. Manonood na ako, ha?" Tumango ako sa pagpapaalam niya para maipakitang ayos lang sa'kin.

Naglakad siya papunta sa gilid ng stage at sinundan ko naman siya ng tingin. Nakita kong si Crystal na ang nagpeperform doon pero hindi ko mahila ang katawan ko para lumapit at panoorin siya. Para kasing nagre-replay sa utak ko ang nangyari kanina kaya natatakot akong lumapit.

Wala akong karapatan masaktan pero hindi ibig sabihin noon ay wala na akong kalayaang masaktan. Ako naman ang mali, pwede namang nasasaktan ako dahil sa katangahan ko. Pupwede namang nasasaktan ako para sa'kin at hindi para sa'ming dalawa, dahil wala naman kaming dalawa. Walang kahit na ano.

Oo, Tiffany. Wala kayong dalawa kaya pumirmi ka sa lugar mo at manahimik na lang..

"CONGRATULATIONS!! Naka-survive nanaman tayo sa malaking event!!"

Tumawa kaming lahat dahil sa isinigaw ng kasamahan namin. Halos mapatili pa ako dahil sa pumutok na champagne sa harapan ko.

"Nawa'y madapa na una ang mukha ang taong magsusumbong nito!"

Mas lalo akong natawa sa idinasal nila dahil alam naman namin na bawal ang alak sa loob ng school, pero dahil pasaway ang mga ito ay hindi ko na alam mung paano nila napuslit 'yan.

"Pasalamatan naman natin si Pandora sa sponsor ng alak!"

Halos batukan ng isang estudyanteng babae ang nagsabi noon. Napailing na lang ako dahil nag-ingay lalo ang mga kasamahan ko nang nakitang naglakad palapit sa'min si Pandora. Isa siya sa mga sikat na estudyante dito, pero hindi tulad nila Crystal ay sumikat siya dahil sa mga kabaliwan niya sa loob ng school. Ang matataray niyang mga mata ay halos manuot sa kaluluwa ko nang pinadaan niya ako ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Aalis na ako! Nasa dressing room ang ibang alak, Rey! At humanda sa'kin ang maglalabas ng pangalan ko!" Umalis din siya agad sa loob ng Auditorium nang natapos niyang sabihin iyon.

Halos mapapikit na ako sa lakas ng sigawan ng mga kasamahan ko. Kulang na lang ay mapantayan na nila ang lakas ng sigaw ng mga nanonood kanina, pero walang sumaway sa sigawan dahil masaya ang lahat. Masaya kaming nakatapos ng event na kami mismo ang nagpatakbo at nag-asikaso kaya naiintindihan ko ang kasiyahan ng mga tao dito.

"Tiffany! Hinahanap ka ni Crystal!" Tawag sa'kin ng isa ko pang kasamahan pero umiling lang ako sakaniya.

"Pakisabi naman na tatawagan ko na lang siya. May ginagawa pa kasi ako," sabi ko sakaniya. Agad naman siyang tumango at naglakad na pabalik sa dressing room ni Crystal.

Tutulong na lang muna ako sa pagliligpit ng gamit dahil hindi ako tumulong kanina sa pagse-set up at paga-ayos ng mga gamit. Naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko sa bulsa pero hindi ko pinansin iyon dahil alam kong isa sa mga kaibigan ko lang ang tumatawag.

"Si Tiffany dapat kasama sa stage, e! Sinasayang mo galing mo sa kanta," nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya pero sinubukan ko pa ring ngumiti sa harapan niya.

"Tigilan mo nga ako!" Saway ko sakaniya habang nakangiti.

"Shonga! Kailangan na kailangan ang galing niya sa pagiging stylist!" Kontra naman noong isa na nagaayos na ng props sa isang box.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon