"Stop pacing out, Tiffany!" Napapikit ako habang nagmamadaling kuhanin ang mga folder na kailangan ng boss ko. Ang boss ko na kanina pa sumisigaw dahil bad mood ata?"And you, Elisse?! How many times do I have to tell you that I don't fucking like that design?!" Napangiwi ako nang nakita ang pamumula ni Ma'am Elisse sa sigaw ng boss namin.
Ma'am Elisse is one of my boss' designers, and oh girl, I don't think they can handle the stress anymore.
Panay ang sita ni Ma'am Aila sa mga hindi niya nagugustuhang design. Padabog pa niyang sinarado ang pinto ng office niya na muntikan pang tumama sa mukha ko ang pinto. Ngumiwi ako muli at nilingon ang mga kasama kong naiwan sa labas na nangangapa sa susunod na gagawin.
"Did someone gave her a wrong coffee?" Tanong ko sa secretary niya pero marahan lang itong umiling sa'kin.
"Wala, Tiffany. Wala lang talaga siya sa mood," mahinang sagot niya sa'kin.
Ma'am Aila is strict as fuck, but she's not that type that will shout anyone for one simple fault. Something triggered it. She's kind kaso istrikto nga lang. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa hirap sa trabaho niya o sa pressure but she's not like this. For two whole months of being her trainee, ito ang unang beses kong nakita siyang ganito.
"I heard it's about her Fiancee, Tiffany," ngumiwi ako sa sinagot ni Joe. Isa pa 'to, e. Tsismosa rin.
"Family problem, ang alam ko?" Umirap na lang ako at marahang kumatok sa pinto ng boss ko.
"What is it?!" Napatalon ako sigaw niya mula sa loob pero huminga lang ako ng malalim at marahang pinihit ang seradura.
"Tiffany... let her cool off for a while," saway nila sa'kin pero hindi ko pwedeng pagbigyan. May presentation si Ma'am Aila at iyon ang pupuntahan namin ngayon.
I'm not her assistant but I'm her trainee na sinasama niya sa lahat, ultimo sa pagde-design ng mga damit ay isinasama niya ako. And today is the day she has to present all of her designs sa isang kompanya.
"Ma'am Aila?" Tanong ko at dahan-dahang pumasok sa loob ng opisina niya. Nakatalikod siya mula sa pwesto ko, ang siko niya ay nakapatong sa gilid ng lamesa at nakahilig doon ang ulo niya.
"What do you need, Tiffany?" Malamig niyang tanong sa'kin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa lamesa niya at marahang inilapag ang mga folder doon.
"Ma'am, ngayon po ang presentation niyo," marahan kong sabi sakaniya.
"Don't you think I know that?!" Sigaw niya at hinarap na 'ko. Nanatili ang tingin ko sa mga folder dahil pakiramdam ko nagaalab ang mga tingin niya ngayon.
"Pinapaalala ko lang po," marahan kong sagot sakaniya pero hinampas niya ang kamay niya sa lamesa niya.
"I fucking know that, Tiffany!" Sigaw niya muli sa harapan ko. "Oh fuck this! Itapon mo ang mga folder na iyan dahil hindi tuloy ang presentation!"
Kumunot ang noo ko at saka naglakas ng loob na tignan siya sa mga mata. Nakita ko ang mga pagod doon na tinatago niya sa galit niya. Nang nakita niyang hindi ako kumikilos ay tinapon niya ang mga folder sa sahig.
"Ma'am Aila..." marahan kong tawag sakaniya pero umiling lang siya muli at tumalikod na muli sa'kin.
"Go back to your station, Tiffany," mahina niyang sabi.
Yumuko ako para makuha ang mga folder sa sahig. These are her pieces, at kung bakit hindi matutuloy ang presentation ngayon ay hindi ko alam. Ilang linggong pinaghirapan ito ng buong team pero hindi lang matutuloy.
Tumayo na 'ko nang nakuha ang mga folder pero halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang narinig ko ang mahina niyang nga hikbi. I badly want to come to her but I'm respecting her space. Yunuko lang ako muli at tahimik na umalis sa opisina niya.
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomansaOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...