Itinigil ko ang pamamapak ng chips sa harapan ko para tignan si Andrew at Crystal na malamig ang pakikitungo sa isa't-isa. I don't know what's got into them, pagkarating ko rito sa tambayan ay may silent war nang nagaganap.Huminga ako ng malalim at inirapan silang dalawa bago ako sumandal sa upuan at pinagmasdan ang cellphone kong may text galing kay Kurt. Kinuha ko iyon at mas pinagisipan ang reply sakaniya kaysa isipin kung ano ang problema ng dalawang nasa harapan ko.
Kurt:
You can be my stylist, again, diba?Tumaas ang kilay ko at inisip ko kung pupwede nga ba? Hindi kaya may makaaway nanaman ako dahil sa pangingielam ko? Mukhang ayoko na.
Tiffany:
Can't. Well, it depends kung saan ako nakatoka.Agad siyang nagreply sa'kin kaya hindi ko na napigilan ang ngiti kong kanina ko pa pinipigilan dahil nakakahiya naman sa dalawang kasama ko na mukhang mga ewan.
Kurt:
Sa'kin ka nakatoka. I already talked to the head stylist. You're mine. :PI almost laughed sa emoticon na nasa dulo ng text niya. Hay, Tiffany, ilang beses ko bang sasabihin na ang boyfriend mo ay isang dakilang flirt? At bakit ba kinikilig ka palagi? Shit! Gusto ko mangagat!
Tiffany:
Sa'yo naman talaga ako.Ibinaba ko na ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa kahit na nagring ito dahil sa tawag ni Kurt. Kinagat ko ang labi ko at umiling ng marahan dahil alam kong tumatawag iyon dahil nagulat sa text ko.
"Answer your phone, Tiffany," madiing utos ni Andrew sa'kin. Tinignan ko sya at nginitian.
"So, what are we really doing here? Dito lang ako na naghihintay na magrambulan kayo sa harapan ko?" Tanong ko sakaniya.
"Sagutin mo ang cellphone mo, Tiffany. Naiirita ako sa ingay!" Umikot na ang mata ko sa kawalan at kinuha ang bag kong nasa ibabaw rin ng lamesa at isinabit iyon sa balikat ko.
"Aalis na ako. Ako nanaman ata ang pagbubuntungan niyo ng away--"
"Sinabi ko lang na sagutin mo ang tawag, 'di ko sinabing umalis ka," maarteng sabi ni Crystal na nginiwian ko lang.
I flipped my hair and rolled my eyes. Halos bugahan niya ako ng apoy nang nakita niyang inirapan ko siya pero hindi ko na siya nginitian.
"Don't wanna stay here kung ganyan kayong dalawa. Nai-stress ang beauty ko," tinapik ko silang dalawa sa balikat at nagsimula nang maglakad paalis. Tinawag nila akong dalawa pero hindi na ako lumingon.
Actually, may lakad din ako ngayon. Kukuhanin ko iyong pina-frame kong sketch na ireregalo ko kay Kurt. And tho hindi ko naabutan ang away ni Crystal at Andrew kanina, pakiramdam ko ay may alam na ako kung ano ang ugat noon. Ang kaartehan ni Andrew.
Sinagot ko na ang tawag ni Kurt dahil mukhang hindi niya ako titigilan hangga't 'di nalo-lowbat ang cellphone ko.
"Hi, babe," malambing niyang bungad nang sinagot ko ang tawag niya. Gusto kong magtaray para hindi halatang namamatay ako sa kilig pero hindi ko kaya! That babe is killing me!
"Tigilan mo nga ako. Anong kailangan mo?" Tanong ko sakaniya habang tinatahak ang daanan palabas ng school, habang ang tao sa kabilang linya ay tumawa! Nahimigan niya ata ang kilig na tinatago ko!
"I wanna see you. Where are you?" Tanong niya muli.
"May pupuntahan lang," sagot ko sakaniya.
"Saan? Samahan na kita," alok niya na siyempre ay tatanggihan ko! Syempre hindi niya pwedeng makita ang regalo ko. Abnormal 'to!
"Nope. I got it. Nasa labas na rin naman ako ng school. Text ka na lang after ng rehearsal mo," sabi ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomansaOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...