Chapter 52

989 34 6
                                    


"Finally, Tiffany! Magpeperform ka rin!" Nakangiting sabi sa'kin ni Julie habang inilalapag niya ang mga accessories na gagamitin ko. Kinuha ko ang bracelet na nung nakaraan pa pumukaw sa paningin ko.

"It's just an emergency performance," sagot ko sakaniya at pinilit na ngumiti.

"Ano ba nangyari kay Crystal at hindi siya makakapag-perform?" As if on cue, biglang pumasok si Crystal na may facemask at naka-sumbrero. She's not wearing any make up kaya nakita ko sa mukha niya ang itsura ng may sakit.

"I'm so sorry, Tiffany," sabi ni Crystal kahit na nakasuot pa rin ang facemask.

"Sana nagpahinga ka na lang, Crystal," madiin kong sinabi sakaniya at inirapan pa siya. Humigit siya ng isang upuan palapit sa'kin at inupuan iyon.

Tinamaan ng trangkaso si Crystal nung isang araw, at hindi ko alam kung bakit ako ang pinili nilang mag-perform. May mga nagsabi na siguro dahil daw palagi akong present sa rehearsals nila na kabisado ko ang performance ng kaibigan ko, hindi nila alam na wala naman akong ginawa kundi an mag-drawing at punahin ang mga susuotin nilang outfit sa isip ko. May mga nagsabi naman na gusto raw nila ng may drama sa stage.

Mabilis na kumalat sa school ang "break-up" namin ni Kurt na kanina ko lang naman nakumpirma. Kaya ang organizer ay tuwang-tuwa nang sinuggest ni Crystal na ako na lang ang pumalit sakaniya. I can't sing and dance like her that's why hindi ko maintindihan.

"I wanna watch your performance," umubo si Crystal pagsabi noon. Ngumiwi ako dahil tumayo pa siya at lumayo na ng tuluyan sa'kin.

"Kung hindi ka nagpabasa sa ulan noong nakaraan edi sana hindi ka nilalagnat ngayon! Go away, Crystal! I'm still pissed at you!" Sigaw ko sakaniya kahit na naaawa ako sa kalagayan niya ngayon. She's wearing a black hoodie at jogging pants na kung titignan ay para siyang hinugot lang sa kama para manood ng concert ngayon.

Rumor has it na pati si Dylan ay may sinat, pero mas malala ang sakit ni Crystal and they're my friends kaya alam ko ang nangyari kahit 'di nila sabihin sa'kin! Galing si Crystal sa rehearsal at malamang noong nabasa sila ng ulan edi siya ang tatamaan ng trangkaso, samantalang si Dylan ay ubo't sipon lang. Whatever! I'm still mad!

"Babawi ako sa'yo, Tiffany. I'm really sorry--"

"Just go home and rest, Sunohara," tinanggal niya ang facemask at doon ko napansin ang naluluha niyang mga mata. Ang mga tao sa dressing room ay unti-unting naglabasan nang napansin ang itsura ni Crystal.

Naiwan kaming dalawa sa loob kaya ang kaibigan ko ay kinagat ng matindi ang labi habang may luhang namumuo sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng diretso sa mga mata.

"I'm sorry, Tiffany. Alam kong hirap na hirap ka ngayon dahil nasa kabilang kwarto lang si Kurt," nanginginig niyang sabi sa'kin. "I'm sorry. I really do. Kung alam ko lang na magkakasakit ako, sana hindi na 'ko nagpaulan."

"Crystal..." tawag ko sakaniya pero umiling lang siya sa'kin.

"Sorry. Kung mas pinili kong ikaw ang pumalit sa'kin. Alam kong mamasamain mo, pero umasa kasi ako. Umasa akong magkakausap kayo ni Kurt," dugtong niyang sa sinabi niya. "Umasa ako, pero hindi ko inaakalang gagawin niyo 'to sa'yo kaya I'm sorry."

Ang inis na nararamdaman ko kanina ay nawala nang narinig ko ang mga sinasabi ni Crystal.

"You're hurt and broken na umasa ako... umasa ako na kapag nagkasama kayo ni Kurt sa stage sa kahit isang araw lang ay makita niyang nasasaktan ka at mag-usap kayo," pumikit siya at ikinuyom ang kamao nang naubo siya sa pwesto niya.

"That's enough," marahan kong sabi sakaniya. "Magpahinga ka na lang muna dito, Crystal."

"I'm sorry..." lumapit ako sakaniya at niyakap siya ng mahigpit dahil sa sinabi niya.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon