Pinilit kong i-retouch ang make-up ko pero hindi ko magawa dahil may mga natuyong mascara sa ilalim ng mga mata ko, pati ang eyeliner ay nagkalat rin sa paligid ng mata ko. Ang pisngi ko ay kasing pula ng kamatis dahil sa pag-iyak, na ultimo ang ilong ko ay namumula.Wala sana akong balak sagutin ang cellphone kong nagiingay sa loob ng bus, pero ayoko namang umalis sa Maynila na walang pasabi sa mga kaibigan kong walang kinalaman sa sakit na nararamdaman ko.
"Tiffany! Where are you?" Nagaalalang tanong ni Crystal sa'kin.
"Si Tiffany ba 'yan, Crys? Give it to me. Kakausapin ko," pumikit ako nang narinig ko ang awtoridad sa boses ni Andrew. Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko dahil sa pagaalalang pinaramdam nila sa'kin.
"I'm fine," bungad ko sakanila habang umiiyak. "Kahit na nanginginig ang boses ko ay maayos lang ako."
"Nasaan ka?" Isang simpleng tanong ni Andrew ang nagpalakas ng iyak ko. Ang katabi kong matanda sa bus ay nilingon ako na may halong awa sa mukha.
"Babalik ako sa Lunes, Andrew," sagot ko sa tanong niya. Alam kong naintindihan na niya kung saan ako pupunta, at nasagot ko rin ang pangalawang tanong niya kung sakali.
"Tiffany..." hindi ko na napigilan ang hikbi ko. I'm fine. I'm really fine... puro sakit lang talaga ang nararamdaman ko ngayon pero ayos lang ako.
"Please, Tiffany. Bumaba ka sa next bus stop, susunduin kita," malambing na sabi sa'kin ni Andrew.
"Ands... I wanna go home," iyak ko sakaniya.
"Please... listen to me. Wag kang umuwi sainyo na ganyan ang itsura mo."
"Ayoko," sagot ko sakaniya.
"Kakauwi lang halos nila Tita Minerva. Gusto mo bang makita nila kung gaano ka nasasaktan ngayon?" Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa tinanong niya sa'kin.
"Alam kong gusto mong makasama sila Tita ngayon, pero Tiffany, kung uuwi ka ngayon na ganyan ang kalagayan mo..." hindi niya madugtungan ang sinasabi niya. Naghintay ako sa sasabihin niya pa pero bumugtong hininga lang siya at kinausap ako muli.
"We'll drink tonight. Magpakalasing ka kung gusto mo. Just be with us for now," wala akong naisagot kay Andrew kundi ang iyak na napagpasiyahan niyang ibigay kay Crystal ang cellphone niya.
"How is she?" Tanong ng isa ko pang kaibigan.
"Kausapin mo na muna. Kukuhanin ko lang ang sasakyan at susunduin natin siya sa bus stop."
I don't know why I'm crying this hard. Hindi ko alam kung bakit sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Na kung ano naman kung naghiwalay kami? Hindi naman ako mamamatay doon. Hindi ko rin alam kung bakit ako tatakbo paalis...
"Sa susunod na bus stop na lang ho ako," nilingon ako ng kundoktor sa sinabi ko. Sinabi niya sa driver ng bus ang gusto kong mangyari kaya inayos ko muli ang mga gamit ko para handa na 'ko mamaya sa pagbaba.
"Gusto mo ba ng tissue, anak?" Tumingin ako sa katabi ko dahil sa inalok niya. Marahan akong umiling at ngumiti sakaniya.
"Hindi na po. Salamat na lang po," sagot ko sakaniya pero umiling lang din siya at pilit niyang inilagay sa kamay ko ang tissue.
"Pamilyar na pamilyar ang sakit na nakikita ko sa mga mata mo, hija," marahan niyang sabi sa'kin na nagawa pang hawakan ang mga kamay ko. "Hindi ako nanghihimasok, pero ang unang pagkabigo sa pag-ibig ang pinakamasakit sa lahat."
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay naming magkahawak ngayon.
"At ang sakit sa mga mata mo ay isinisigaw iyon."
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomantizmOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...