Hinawakan ko ng mahigpit ang sketch pad ko habang pinagmamasdan ang painting ko. Kinagat ko pa ang labi ko dahil hindi ko ito makita ng ayos sa panlalabo ng mga mata ko dahil sa luha ko. Itinabi ko ang painting sa sa gilid ko para mapunasan ang luha kong nagbabadya nanamang tumulo, ngunit hindi ko magawa ng ayos dahil ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko.
"What happened?" Bulong ko sa sarili ko. Nagawa ko pang pagmasdan ang singsing na hindi niya naibigay sa'kin noong birthday ko. Just one simple ring na may isang maliit na bato sa gitna. Sa sobrang simple nito ay halos maiyak ako dahil... it suits my hand. Na para bang ginawa ang singsing na ito para sa kamay ko. May kaunting kurbang disenyo na lahat papunta sa bato para mapansin ang ganda nito.
Nakita ko 'to no'ng pumasok muli ako sa kwarto ko pagkaalis nila ni Harold. May maliit pang note na kasama greeting me happy birthday and wishing me to be happy.
I just... didn't know what the hell happened. I have no idea what went wrong because the last time I checked, we were happy and contented. I don't understand... I really don't understand.
"Tiffany..." umiling ako at yumuko agad dahil nakikita nanaman niya akong umiiyak.
"Just go," utos ko na mukhang hindi niya narinig sa sobrang hina ng boses ko.
Bumugtong hininga siya at inabot ang painting sa gilid ko. Tumayo ako para agawin sakaniya iyon ngunit hindi pa ako nakakatayo ng ayos para makuha ang painting sa kamay niya ay mabilis niyang ipinulupit ang mga kamay niya sa katawan ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya pero sinubukan ko siyang itulak palayo sa'kin. Inubos ko ang natitira kong lakas para maitulak siya palayo ngunit 'di ako nagtagumpay. Para akong yelo na natunaw sa init ng yakap niya sa'kin, na naging dahilan kung bakit napaiyak ako sa dibdib niya. Humigpit lang ang yakap niya sa'kin at wala na siyang sinabi pa kahit na isang letra lang.
"Hindi ko maintindihan," namamaos kong sabi habang umiiyak. "Anong nangyari?" Tanong ko muli pero wala pa rin siyang sinasabi.
"Elias, anong nangyari?" Hinawakan ko ang dalawang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko para makalas iyon. Nagawa ko pang tignan si Elias na nakatingin lang sa mga luha kong tumutulo.
"Bakit wala akong maintindihan?" Tanong ko muli. Inangat ni Elias ang isa niyang kamay para punasan ang luha ko sa pisngi.
"You should stop crying. May performance ka pa mamaya, Tiffany," marahan niyang sabi sa'kin. "And pour all those emotions to your performance."
Umiling ako sakaniya dahil hindi ko kayang mag-perform mamaya sa harapan ng maraming tao. Hindi ko kayang ibuhos lahat ng nararamdaman ko dahil kapag ginawa ko iyon ay baka umiyak ako sa stage and... I can't handle that. I can't let them see my pain na ilang linggo ko nang itinatago.
Inilagay niya ang pareho niyang kamay sa magkabilang pisngi ko at iniangat ang mukha ko para makita siya. I want to shout and cry more dahil kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot na para sa'kin. I don't need his pity! I don't want him to look at me like this!
"Stop looking at me like that!" Sigaw ko sakaniya pero hindi siya natinag. Nagpatuloy lang siya sa paninitig sa mga mata ko na naging dahilan kung bakit mas lalo akong naiyak. "Stop..."
"Until when, Tiffania?" Tanong niya sa'kin. Hmiming ako sa tanong niya. Hindi ko kayang sagutin ang mga tanong niya dahil ang dami kong tanong sa sarili ko na hindi ko masagot.
"Hanggang kailan ka iiyak nang dahil sakaniya?" Nalaglag ang mga kamay ko sa gilid ko sa panghihina ko. Mabilis niyang inilagay ang mga kamay niya sa mga balikat ko para mayakap ako ng mahigpit.
"Hanggang sa mawala 'yung sakit..." sagot ko sakaniya. "Hanggang sa masagot ang mga tanong ko..."
Hindi na siya muli sumagot pero mas hinigpitan niya lang ang yakap niya sa'kin. Hindi niya ako binitawan dahil alam niyang nanghihina ako. At ayoko mang hayaan siya sa ginagawa niya at hindi ko maitanggi na kailangan ko 'to... I need someone to hold me like this because I'm breaking inside. I need his hands to wrap around my body dahil ramdam na ramdam ko ang sakit na gumapang na sa buong sistema ko.
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomanceOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...