"Did you hear me? Ang sabi ko na-miss mo ba ako mahal ko?" Humahakbang naman na ito palapit sa akin kaya kinakabahan na ako.
"H-huwag kang lalapit."
"Ilang years ng iniwan mo'ko, finally nakita narin kita ulit, natatandaan mo paba ang sinabi ko noon sa'yo?"
"Oo lahat 'yon nasa isip ko parin lalo na ang paghihirap ko, kaya ngayon aalis na'ko mali lang ako ng pinuntahan." Palusot ko.
"Mali ka ng pinuntahan? Pero umabot ka sa rooftop ng building ko? Nice joke. HAHAHA..." Tumawa naman ito ng malakas na halatang sarcastic.
"Wala akong oras para sa'yo." Walang gana kong turan at tumalikod.
Hahawakan ko naman na ang doorknob ng sumigaw ito. "Come back here babaeng para sa lahat!" Sigaw niya kaya agad akong humarap at sinampal siya na ikina ngisi nito.
"Ulol ka! Hindi ako gano'ng babae." Sigaw ko.
"Stop!" Sabay tulak sa akin at dinuro ako. "You have a no right to hurt me again, hindi na kita asawa para saktan ako!" Nanggagalaiti nitong sigaw.
"Pero kahit ilang years na hindi ko makakalimutan ang sinabi ko sa'yo, na kapag nakita kita ulit magbabayad ka sa lahat ng sakit na binigay mo sa 'kin at ito na ang araw na 'yon, kaya hindi na kita pakakawalan." Madiin nitong turan habang umiigting ang panga nito.
Hinawakan naman nito ang braso ko kaya tinulak ko din siya. "Don't touch me, you have a no right too to hurt me! Hindi. Na. Kita. Asa. Wa!" Madiin kong salita sa huli kaya nanlaki ang mata nito.
"Aalis napo ako Sir. Celebastero." Nagpagpag naman muna ako ng damit.
"Go ahead find a job, tingin mo my tatanggap pa sa'yo lalo na nakita ulit kita? Tingin ko wala na. HAHAHA..." Lumakad naman ito pabalik sa swivel chair niya at inikot-ikot iyon.
Padabog naman akong naglakad palapit sa kaniya at tumuwad at hinatak ang necktie niya kaya nasakal ito.
"Fuck! Get off your hand on my necktie!" Agad naman my pumasok na bodyguard at my kasama pang babae na medyo katandaan na kaya medyo kinabahan ako.
"Anong ginagawa mo kay boss?!" Sigaw ng babae.
Tumuwad naman ako lalo para maabot ko ng tuluyan ang dulong necktie niya.
"Ahh... a-ano inaayos ko po ang necktie niya mali kasi kaya nasasakal siya, pinapaaayos niya lang sa akin." Dahilan ko habang nakangiti, ng tignan ko si Knight pinaningkitan ko siya ng mata sabay tinodo ko sa dulo ang necktie kaya nasakal pa lalo si Knight kaya napaubo na ito habang namumula ang leeg.
Deserve!
"Aalis napo ako ma'am. Mali lang ako ng office na napuntahan." Tumayo naman ako ng tuwid at inayos ang bag ko.
"Don't let her go, my atraso pa sa akin ang babaeng 'yan!" Tatakbo naman na sana ako ng nahawakan ng bodyguard ang pulsuhan ko.
"Pakawalan niyo ko! Wala akong ginagawa sa boss n'yong panget!" Piglas kong saad.
Naglakad naman ito palapit kay Knight kaya sigaw ako ng sigaw. "Bitawan niyo ko, mga hayop kayo! Ahhh!"
"Ito na boss." Hinawakan naman kaagad ako ni Knight.
"Good, now get out of my office!" Utos nito kaya naglakad na ang tatlong lalaki na naka-itim na polo at ang babaeng medyo katandaan.
"Bitawan mo'ko, wala akong ginagawang masama sa'yo,"
"Wala nga, pero noon meron."
"Ano bang kailangan mo sa akin huh? Para matapos na." Naiiyak kong turan.
YOU ARE READING
Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)
RomancePaano kung sa isang simpleng maling akala ay nasaktan mo ng lubusan ang babaeng mahal mo na ang hinangad lang ay ang makasama ka habang buhay? Pero lahat 'yon ay naglaho nalang naparang bula kaya ilang years nang pagtagpuin ulit kayo ng landas. Nagk...