Nakangiti naman akong bumalik sa upuan ko at binuksan ang plastic at kinuha ang paper bag ng Jollibee.
Nang buksan ko ito napangiti ako ng lubusan dahil lahat ng favorite ko sa Jollibee in-order niya. Kagaya ng fries, burger with cheese, pineapple juice at spicy chicken.
Agad ko naman nilabas lahat 'yon at kinain.
"Kahit binigyan at nag-sorry siya hindi ako marupok. Wala na'kong pake sa kanya kapag ex-husband, ex-husband na wala ng balikan. Nakikisama lang naman ako para sa anak ko, gusto n'yang makita ang tatay niya kaya nag i-stay ako dito, anong akala niya sa akin tanga para mag-stay ako dito at maghirap ng walang dahilan?" Bulong ko habang kumakain tinutusok-tusok ko naman ang manok na parang binibuhos lahat ng galit.
"Parang nakakatakot naman maging manok." Nanginginig na turan ng isang lalaki na nagpatigil sa ginagawa ko at pag-iisip.
"I-ikaw pala." Binaba ko naman ang tinidor ko.
"Grabi gutay-gutay na 'yung manok, katakot." Parehas naman kaming natawa. Dapat lang matakot ka, ganto rin gagawin ko sa amo mo balang araw.
"Loko," mahina ko naman itong hinampas sa braso. "Ano palang ginagawa mo dito? My kailangan ka ba?" Dagdag ko pa.
"Pinapabigay kasi ni Sir. Knight 'to." Sabay labag sa lamesa ko ng naka plastic na polo. Halatang mamahalin pa dahil my tatak ang plastic.
"Salamat." Kinuha ko naman iyon.
"Alis na'ko secretary Xy, baka mamaya ako ang isunod na gutay-gutayin mo eh..." Pagbibiro nito habang palabas ng office ng akmang tatayo ako para lokohin sana tumakbo ito kaya tumawa ako.
"Cheee... kalalaking tao natakot sa akin?" Pagsusungit ko.
Kumain naman ulit ako habang nakatutok sa computer lahat tinuon ko ang oras ko dahil ilan oras nalang kukunin na'to ni Knight para sa meeting.
Sa ilang oras na pagbabad sa computer at papeles ay nasa panghuli na'kong papeles at tuwang-tuwa ako ng makita kong pirma nalang kaya habang pinipirmahan ito nakangiti naman ako.
"Sa wakas natapos din." Tumayo naman ako at nag-unat dahil nakaramdam ako nang ngalay lalo na sa bandang balikat. Grabi ilang oras bago natapos.
Sakto naman my kumatok kaya umupo ulit ako.
"Pasok." Walang gana kong saad.
Nang tignan ko kung sino iyon si Knight ito, blangko ang mukha habang naka pamulsa.
"It is done?" Medyo banas nitong turan.
"Opo, sir kakatapos lan—"
"I don't need your opinion. I'm just asking if it is done. Sasabihin mo lang oo o hindi!" Putol nito kaya medyo nahiya ako kaya napayuko ako.
Padabog naman nitong kinalampag ang lamesa kaya nagulat ako. "Ilagay mona sa meeting area 'yan, ando'n narin ang uniform mo!" Sigaw niya.
Hindi naman ako kumilos kaya halata sa mukha niya ang inis.
Nagulat naman ako ng sakalin ako nito kaya habol hininga ako habang hawak ang pulsuhan niya pilit na inaalis sa leeg ko. "Don't look at me, hindi ka tanga para hindi maintindihan ang sinasabi ko!" Nanggagalaiti nitong turan.
"B-bitawan niyo ko!" Piglas ko, inilapit naman niya ako lalo sa kanya.
"Kung akala mo mabait ako sa'yo kanina, p'wes nagkakamali ka, nagsisi lang ako sa ginawa ko sa dibdib mo kaya nag-sorry ako! Hindi naman ako masamang tao para manakit ng babae." Malalim na boses nito habang nakangisi. "Kahit na grabi ang ginawa mo sa akin may awa parin ako." Dagdag pa nito.
YOU ARE READING
Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)
RomancePaano kung sa isang simpleng maling akala ay nasaktan mo ng lubusan ang babaeng mahal mo na ang hinangad lang ay ang makasama ka habang buhay? Pero lahat 'yon ay naglaho nalang naparang bula kaya ilang years nang pagtagpuin ulit kayo ng landas. Nagk...