Chapter 13

997 27 0
                                    

Andito naman na kami malapit sa puntod ng anak ng pinsan ko nag pa-park, bago pa man kami pumunta dito bumili si Knight ng Bulaklak na blue na my rose pa na favorite ni Argus parehas iyon lalo na ang Blue petals.

Nang maka parada ng maayos lumabas na kami sa sasakyan at na una ako naglakad nakasunod lang ito sa akin.

Sa higit 2 minutes na paglalakad patungo sa puntod pansin ko si Knight napaka lungkot na parang hindi niya akalain na my anak s'yang namatay.

***

Tumigil naman ako sa isang libingan kaya tinignan ko si Knight na ngayon nakatingin narin sa akin.

"Bakit iba ang birthday niya d'yan? Pati pangalan?" Tanong niya ng tignan nito ang nakalagay sa lapida.

Eto na nga ang sinasabi ko.

"Mali 'yung lagay ng birthday at 'yung name 'yan talaga ang name niya ginawa ko lang Argus." Ang name kasi ng baby ng pinsan ko 'Baby Rafael Madregal'.

"Ipapaayos ko sa susunod na araw ang puntod ng anak ko." Saad nito at umupo mismo sa damo.

"Hindi na, okay na sa amin kahit mali, ang tagal na n'yan kaya hayaan mona guguluhin mo pa ang anak mo." Pagpigil ko sa kanya.

"Okay." Hinawakan naman nito ang lapida at hinimas-himas iyon.

Nilibot ko naman ang paningin ko ng makakita ako na my mga tindahan.

"Bibili lang ako ng kwek-kwek, gusto mo?" Saad ko.

Umiling naman ito. "No thanks. Hindi ako kumakain ng ganyan."

"Arte mo kala mo naman pogi." Naglakad naman ako papunta sa bilihan at kumuha ng malaking baso.

"Ito po bayad kuya." Inabot ko naman ang 30 pesos at nagbuhos ng matamis at suka.

Naglakad naman na ako pabalik.

Pero natigilan ako ng marinig ko itong humahagulgol kaya natigilan ako sa pagnguya.

"S-sorry baby ko hindi ko kayo naalagaan ni mama, buhay kapa sana kung hindi ko pinili si mom sana nakinig ako sa mama mo. Sorry... napaka walang kwenta kong asawa't ama..." Hagulgol nito kaya naiyak ako.

Grabi seryoso ba ang nakikita ko. Umiiyak siya?

"Dapat lagi akong nasa tabi ni mama mo kaso pinagtulakan ko pa siya."

"My first baby na sana ako kaso nawala pa dahil sa katangahan ko, kasalanan ko kung bakit nawala ka." Humihikbi naman na ito. Parang pagka-alis ko nagsimula na s'yang umiyak kaya ngayon humahagulgol na ito.

Umiiyak siya sa ibang bata, hindi ko talaga alam kung maawa ako o matatawa. Natatawa ako dahil nga iniiyakan niya ang hindi niya anak. Naawa ako dahil sa nangyayari wala s'yang ka alam-alam na buhay ang anak niya, tinataguan lang pala siya.

Bigla naman akong nabalik sa wisyo ng makita ko ang kamay ni Knight kumuyom iyon.

"I promise aayusin ko ang nangyari para sa'yo baby ko, pero sa ngayon hindi ko pa alam kung anong gagawin ko hindi ko pa sigurado, pero pangako aayusin ko kahit ganon, dadahan-dahanin ko hanggang sa maging okay ang lahat." Aniya nito tumayo naman ito kaya umurong ako at nagkunwaring kakabalik ko lang.

"Uuwi na'ko, gabi n—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng yakapin ako nito ng mahigpit.

"Wala akong kwentang ama... nang dahil sa akin namatay ang anak natin, it's all my fault..." Bigla naman akong natuod dahil sa bilis ng pangyayari.

"Sabihin mo buhay siya diba buhay siya. Buhay ang anak natin." Umiling-iling naman ako.

"W-wala na siya, matagal na s'yang patay." Mahinahon kong Turan.

Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now