Pinakita ko naman ang kamao ko. "Ito gusto mo?"
Umiling naman ito at naglakad na ulit. Habang bumababa si Knight naka sik-sik lang ako sa leeg niya.
"Alam mo kung hindi tayo naghiwalay apat na anak natin. Pang-lima 'yang nasa tyan mo sana."
"Tang ina mo, makasabi ka ng ganyan akala mo ikaw nagbubuntis? Akala mo siguro madali, masasabi ko sa 'yo hindi dahil nasa hukay ang kalahati kong paa kapag manganganak ako!" Ngumiti naman ito na halatang peke.
"Hindi naman nangyari eh, sinasabi ko lang kung hindi tayo naghiwalay sana bali lima na." Paliwanag nito ng maayos na inikutan ko lang ng mata.
Akalain mo 'yon ilang years akong naging tanga kila mom. Sana pala naniwala ako sa 'yo." Basag nito sa katahimikan.
"Sinabihan kita pero ayaw mo maniwala, hindi kona kasalanan 'yon. 'Yung nakita mo 'kong my kasamang lalaki pumasok sa VIP room sa bar, birthday ng kaibigan namin non hindi ko naman kasi alam kung saan kaya lumabas siya, kaya malinis ako. Ikaw lang ang hindi." Mahabang turan ko.
"Sorry sa lahat. Sorry sa mga mali kong akala. Sorry kasi iniwan kita." Sunod-sunod na sorry nito na ikina ngiti ko nalang.
"Hindi gano'n kadali ang mapatawad ka lalo na sa ginawa mo. Okay na sana tayo nung pauwi eh, kaso ginawa mo 'yon. Tama na Knight pagod na 'kong intindihin ka. Anak mo nalang ang atupagin mo. Hayaan mo nalang ako Kay E-elton." May nililigawan na si Elton si Tala pero kailangan ko s'yang gamitin para lang hayaan niya ako.
"No, hindi ko gagawin 'yon. Handa akong maging utusan at kawawain mo bumalik ka lang ulit sa akin. Gagawa ako ng paraan mabuo lang tayo."
"Kahit anong gawin mo hindi na nga. Kahit na lumuha ka ng dugo."
"Kung hindi talaga at sasama ka sa kanya. Magpapakamatay ako." Nanlaki naman ang mata ko.
"Tarantado ka ba? Dahil lang sa akin papakamatay ka?!" Hinampas ko naman ito sa dib-dib.
"Oo papakamatay ako, mas pipiliin ko nalang mamatay kaysa makita kitang kapiling ng iba. Ayokong makita kang masaya sa kanya nagseselos ako, at 'yon ang ikakamatay ko." Maotoridad nitong boses na nagpataas ng balahibo ko.
Niyakap ko naman ulit ito ng mahigpit.
"Hibang kana, pero bahala ka, desisyon mo 'yan." Turan ko pero sa loob-looban ko naiiyak ako at nag-aalala. Hindi naman niya siguro gagawin 'yon.
"Gusto ko akin ka nalang ulit kung kailangan kong pumunta sa iba't ibang simbahan para magdasal na mapasaakin ka gagawin ko."
Napansin ko naman na naglalakad na ito sa pinto hudyat na nasa first floor kaya ng makalabas agaw pansin kami na hinayaan lang ni Knight maski ako.
Nandito naman na kami malapit sa parking lot.
"Ibaba mona ako, kaya kona." Agad naman ako nitong binaba kaya naglakad na ako papuntang van namin.
"Halika na mom." Apat lang kaming nasa van dahil sila Knight, Tita, at Tito my trabaho pa daw.
Bigla naman bumukas ang van kaya ng tignan ko iyon si Knight ito.
"Bakit?!" Tinaasan ko naman ito ng kilay.
"You forgot this." Sabay abot ng milktea na binili niya kagabi.
Kinuha ko naman iyon. "Thanks." Tipid kong turan.
"Pack your things later kukunin kona kayo kila Tito. Magsasariling bahay tayo. Doon na tayo sa mansion ko mismo." Mahabang turan nito.
"Ayoko sumama sa inyo. Bahala ka." Pagmamatigas ko.
"Whatever. Even you like it or not kukunin ko kayo." Konyo nitong turan at agad sinarado ang van.
YOU ARE READING
Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)
RomancePaano kung sa isang simpleng maling akala ay nasaktan mo ng lubusan ang babaeng mahal mo na ang hinangad lang ay ang makasama ka habang buhay? Pero lahat 'yon ay naglaho nalang naparang bula kaya ilang years nang pagtagpuin ulit kayo ng landas. Nagk...