Chapter 26

1.3K 23 1
                                    

"Kagabi Xy, nasaan ka? Hinahanap kita." Turan nito habang parehas kaming naglilinis ng kwarto.

"Nasa dulong kwarto ako magdamag." Lumunok naman ako sa sariling laway ko.

"Kaya pala, kilala mo ba 'yung bagong co-worker natin na kadikit mo kanina na kinausap ka?" Turan nito kaya binato ko ito ng unan.

"Type mo?"

"Sakto, ang cute niya kasi." Nahihiyang turan ni Elton habang nakahawak sa unan na binato ko.

"Si Tala 'yon." Bigla naman akong napaisip ng kalokohan, lumapit ako Kay Elton at hinawakan ang mukha niya habang nangingilid ang luha. "Akala ko ba ilalaban mo'ko, mamahalin mo parin ako." Wika ko.

Kita naman sa mga mata nito ang gulat sa ginawa ko.

"Paano kita ilalaban kung nakatali ka sa isang mas nakakataas sa akin? Gusto kitang ilaban pero doon palang sa meron kayong anak talo na'ko, hindi ako masama para kaitan ng tunay na ama ang anak mo. Siguro pwede pa na tumayo muna ako" Niyakap ko naman ito.

"Thank you. Pero sure my mas better pa sa akin." Tumango ito.

"Thank you sa kaonting binigay mong pagmamahal." Nagulat naman ako ng iikot ako nito kaya tumatawa ako, parehas kami.

"Siguro kung nauna ako kay Knight noon na nakilala ka sana masaya tayo, sana ngayon masaya tayo sa pamilya natin."

"Tanga ka kasi!" Sigaw ko na alam kong um-echo hanggang labas.

"Ano? Hindi ako tanga, malay ko ba na mamahalin kita! Kung alam ko lang nung collage ako ikaw 'yon niligawan na kita!" Sigaw din nito pabalik.

Nag marcha naman ako sa pinto. "Tanga ka! Iisa lang naman dati sa college ang isang Xyrille na maganda! Pero hindi ko din alam na doon karin sa university namin!" Sigaw ko bigla naman itong hinablot ang kamay ko kaya pumiglas ako at tumakbo sa labas kung saan my mga sand kaya hirap na hirap ako maski si Elton.

"Ayoko na, joke lang!" Sigaw ko kaya pansin ko my tumatawa naka  co-worker ko.

Naiwan naman ang suot kong tsinelas kaya ng  babalikan ko na yakap ako ni Elton patalikod at inikot na naman kaya todo sigaw ako.

"Huli ka!" Tawa nitong turan.

"Ayoko na hindi na mauulit!" Piglas ko pero hindi talaga niya ako binababa.

"Sino ulit 'yung tanga?"

"Ako na,"

"Sino ang my Mali sa atin!" Pansin ko naman na nakangisi ito.

"Oo na ikaw na ang Mali ako ang Tama." Ibinaba naman ako nito at kiniliti kaya todo aligigi ako.

"HAHAHAHA.... ayoko na susumbong kita kila Tito!" Tawa kong turan.

"Sumbong mo." Turan ni Elton.

"Go Xyrille!"

"Ang dalawang love birds!"

"Sabi na kayo talaga eh.."

Mga turan ng mga ka co-workers namin.

"Ayoko na ang sakit na ng balakang ko!" Pero hindi ito tumigil mas lalo pa n'yang kiniliti ang tagiliran ko.

"Sige lagot ka si Knight nakatingin, papatayin ka n'yan, Sige ka! Magsusumbong ako. Tandaan mo nasa Isla ka niya!" Pananakot ko dito kaya tumigil ito.

"Kapit asawa ka naman, talo ako lupain niya ba naman." Naglakad naman ito sa isang kubo na malaki kung saan nakatambay at nanonood sa Amin ang mga ka trabaho namin.

Nang makapunta kami sa kubo umupo ito kaya tumabi ako.

"Knight sakay tayo sa yate mo, 'yun ohh..." Saad ng isang pipit na boses, si Carol.

Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now