"Ang aga mo naman umuwi?" Saad ni Vivian ng makalabas ito galing sa kusina.
"Sensya na pumasok kaagad ako maaga kasi ako pinauwi." Palusot ko pa.
"Sakto kakaluto lang ng ginawa kong cookies para mamaya pagka-uwi ng mga bata my meryenda sila, pero bago 'yin I chismis mona 'yung nakaraan mo pa gustong I kwento." Hinatak naman ako nito gamit ang isang kamay papuntang sala nito.
"Ano pala ang iku-kwento mo, parang kinakabahan ako na ewan." Para naman itong uod na inasinan dahil napakagulo nito sa kinauupuan niya.
"Kumalma ka nga muna."
Huminga naman ako ng malamim. "Si Knight kasi—"
"Namatay na? Na'ko beh kawawa naman ang inaanak ko hindi na nakikita ang ama namatay na kaag—" binatukan ko naman siya.
"Patapusin mo muna kasi ako!" Usal ko kaya napakamot ulo ito.
"Ayy... sorry, sige tuloy muna ulit." Ngumiti naman ito ng pilyo.
"Boss ko si Knight, pinauwi niya ko kasi nag-away kami itong nasa ulo ko tignan mo." Pinakita ko naman ang nuo ko kung saan ako nagkasugat. "Siya may gawa." Nanlaki naman ang mata nito na hindi malaman.
"Ang kapal talaga ng hayop na lalaking 'yon! Wala ng naitulong sa inyong mag-ina sinaktan kapa!" Usal niya habang kumakain ng binake n'yang cookies.
"Nabawian ko naman siya kaya nga nakauwi ako ng maaga." Nag-apir naman kami.
"Dapat lang, pero my balak ka paba na ipaalam kay Knight ang tungkol sa anak niyo?"
"Hindi na muna siguro, kanina nga sinabi ko na nakunan ako nung nagbuntis ako kay Argus. Nalaman narin niya kanina ang nangyari noon, madaming naganap kahapon lalo na ngayon." Mahabang paliwanag ko.
"Gosh... pinatay mo ang anak mo sa kwento?"
"Oo sis, ayoko pang malaman niya lalo na sinasaktan niya 'ko? Karapat dapat ba 'yon?!" Banas kong turuan sabay kuha ng unan at sinapak-sapak iyon.
"Pero alam mo, nating dalawa na gustong makasama ng anak mo ang bweset n'yang tatay."
"Alam ko kaya nga nagtitiis ako para mapalapit kahit papaano kay Knight, paonti-onti kong paglalapit ang dalawa." Paliwanag ko.
"Pero kung gaganyanin ka lagi ni Knight magkakakilala paba sila? Patay kana dahil sa bugbog." Sinimangutan ko naman ito.
"Dati kabang gagu?" Umiling naman ito. "Ewan ko sa'yo hindi ko alam kung kanino ka kampi kay Knight ba o sa akin? Anggulo mo!" Maktol ko sabay hampas ng unan kaya pinang-nangga nito ang braso niya.
"Hindi ko alam, basta half-half kayo ni Knight." Suminghal naman ito ng malalim.
"Pero now makakabalik ka pa naman siguro d'yan sa trabaho, siguro mag resign kana kaming bahala ni Devi, kaya naman namin sobra-sobra pa nga ang pera kahit na tinutulungan namin kayo." Malambing na turan nito kaya yumuko ako.
"Nakakahiya na kasi, ilang years niyo kaming dalawa ng anak ko tinutulungan." Mahina kong boses na turuan.
"Ano ka ba, okay lang 'yon. Ikaw pa malakas ka sa akin. " Niyakap naman ako nito kaya agad ko rin itong niyakap pabalik. "Umalis kana do'n bukas tyaka kana bumalik kapag okay kana ulit."
"Pero my isa pa'kong problema."
"Ano tite? Okay lang 'yan tiis-tiis sa susunod kakadyutin ka rin ni Knight, araw-araw pa." Malaswa nitong turuan kaya tiningnan ko ito ng matalim pero agad ding ngumuso.
"Gaga hindi 'yon, kasal na pa daw kasi kami." Nawala naman ang tawa nito napalitan kaagad ng gulat.
"Seryoso ba? Tuloy mo!" Hindi ko naman alam kung kinikilig ba 'to or ano.
"Hindi niya inasikaso 'yung annulment kaya kasal kami, nasa kanya pa nga 'yung sing-sing nasa wallet niya." Kwento ko pa.
"'Di ba andyan parin 'yung sing-sing mo?" Tumango naman ako sabay pakita ng kwintas ko at bumungad ang naka-sabit kong sing-sing.
"Grabi naniniwala na'ko sa tadhana." Nakahawak naman ito sa itaas ng dibdib niya.
"Pa'no naging tadhana?"
"Jusko ilang years nagkita ulit kayo,"
"Malamang nasa Pilipinas din siya kaya magkikita at magkikita kami."
"Hindi ganon, hindi mo kasi gets. Kulang kana talaga sa kadyot ni Knight."
Hinampas ko naman ito. "Bunganga mo ang laswa. Tama kana HAHAHA"
"I'm just saying the truth, duh..." Tumayo naman ako sabay hatak sa kaniya.
"Halika na sunduin na natin ang mga bata." Hinayaan naman niya akong hatakin ko siya sa kotse ko.
***
"Nga pala bukas umuwi ka kaagad, my papagawa ako sa'yo." Tumango naman ako habang busy parin sa pag da-drive.
"Tyaka alam mo ba 'yung company namin dalawa mag-asawa medyo delikado kahapon lang my balak kasi kumalaban pero hindi pa sure 'yon, binantaan lang daw siya, tinatanong ko nga kung sino kaso hindi niya sinasabi. Pero ang lakas ng kutob ko kilala natin 'yon ehh..." Napaisip naman ako sa sinabi nito.
Siguro nga kilala namin, dahil alam kong hindi pala-away si Devi. Wala naman s'yang tinatapakan na tao kaya sure kilala namin 'to.
Habang nag-iisip kinalabit ako ni Vivian kaya patingin ako sa salamin kaya nakita ko ito nagkatitigan pa kami.
"Pero piling ko si Knight 'yon, sa tingin mo?"
"Imposibleng si Knight, bakit niya gagawin 'yon? Anong dahilan?"
"Ayon rin ang iniisip ko, bakit?"
Bakit niya gagawin 'yon? Wala namang ginagawa si Devi.
Nanahimik naman na kami at nagkanya-kanya muna.
***
"Mama!" Sigaw ng mga anak namin habang tumatakbo, pansin naman namin na nagpapaunahan sila pero hinayaan nalang namin ganon talaga sila.
"I'm the first, yehey!" Sigaw ng anak ko habang tumatalon pa.
"No I am the first!" Saad ni brent.
Natawa naman kami parehas ni Vivian. "Walang nanalo pantay lang kayo." Panguna ni Vivian kaya pansin namin na napayuko silang dalawa.
"Hali na nga kayo umuwi na tayo para matikman n'yong dalawang chikiting ang binake kong cookies na maraming toppings ng chocolate diba gusto niyo 'yon?" Agad naman silang tumango.
"Opo, yehey!" Tumatalon-talon naman silang dalawa papunta sa kotse habang kami ni Vivian nakatingin lang sa kanila habang nakangiti.
***
Nang maka-uwi kami agad kinain ng mga anak namin ang binake ni Vivian at nagustuhan naman nila ito sobra kaya lahat ng gawa nito naubos nila.
Andito naman kami ngayon sa isang kwarto nila Devi dito na nila kami pinatulog dahil gabi na delikado daw kung babyahe pa kaya pumayag narin ako para sa kaligtasan namin ng anak ko.
Nakahiga naman na ako habang ang anak ko nasa ibabaw ko ang anak ko kakatapos lang din nito mag half bath kagaya ko.
"Mama." Walanggana nitong tawag sa akin habang sinusuklayan ang likod ng buhok niya.
"Bakit po?"
"Papa, I want papa. Please kahit na makita ko lang po siya ng isang beses mama please..." Niyakap naman ako nito ng mahigpit at sumiksik sa akin.
"I want papa, naiinggit po ako tuwing my nakikita akong kumpletong pamilya, pero ako wala akong papa lalo na tuwing uwian." Iyak nito.
"Malapit na anak malapit na." Pigil na utal ko habang tumutulo na ang luha ko, parehas na kaming umiiyak.
"Mama..." Hagulgol nitong tawag sa akin.
"Shhhh...." Hinagod ko naman ang likod nito. "Tiis muna kaonting panahon nalang makikita mona siya." Bulong ko habang pansin ko ang talukap ng mata nito pabagal ng pabagal.
Nang tuluyan ng nakatulog ang anak ko doon na ako pumikit.
Ano bang pinakain ng hayop na lalaking 'to bakit hinahanap siya Ng anak niya?
YOU ARE READING
Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)
RomancePaano kung sa isang simpleng maling akala ay nasaktan mo ng lubusan ang babaeng mahal mo na ang hinangad lang ay ang makasama ka habang buhay? Pero lahat 'yon ay naglaho nalang naparang bula kaya ilang years nang pagtagpuin ulit kayo ng landas. Nagk...