Chapter 35

9.6K 281 45
                                    

Nang makakuha ng lakas humarap ako sa kanya at tinulak siya.

"Pwede ba tigilan mona ako? Porket my anak at buntis ako magbabalikan tayo? Hindi na naiintindihan mo?! Sabado, linggo sa 'yo si Argus dahil monday hanggang friday my pasok siya."

"Napaka unfair kay Argus lang, paano ang anak ko na nasa tyan mo?" Hinawakan naman nito ang kamay ko pero agad kong winaksi.

"Hindi ko pinagkakait ang mga anak mo, kung gusto mo gumawa ka ng schedule mo para sa kanila." Kinuha ko naman ang baso na tinimpla ko kanina at nilagpasan na siya.

Nang makaupo Ako sa higaan ko napansin ko si Knight palabas ng kusina kaya inikutan ko ito ng mata.

Natigilan naman ako sa pag-inom ng nasa harap ko siya.

"Monday to Tuesday bonding nating tatlo, Wednesday, Thursday bonding ko sa baby na nasa tyan mo at kay Argus narin. Friday naman bonding natin dalawa. Akin ka magdamagan. Then sabado, linggo akin si Argus." Napatanga naman ako sa sinabi nito.

Tang inang schedule 'yan!

"Ulol, hindi ako papayag sa schedule mo!"

"Ako ang padre de pamilya kaya ako masusunod. Basta friday magdamag kang akin. Asawa mo 'ko my pangangailangan rin ako." Umupo naman ito sa upuan na nasa gilid.

"Tigilan mo 'ko doon ka Kay Carol." Ipinatong ko naman ang baso na my lamang gatas sa lamesa.

"Hindi kona siya Fiance, wala nang namamagitan na kahit ano ang pamilya niya sa pamilya namin."

Mabuti naman.

"Pake ko? Inumin mo 'tong gatas para my lakas kang hanapin ang pake ko."

"Fuck this life!" Singhal niya.

"Do you love me right?"

"Noon 'yon ngayon napilitan nalang ako." Walang buhay kong turan.

Umiwas naman ito ng tingin kaya ng tignan ko siya ang mga labi nanginginig na halatang nagpipigil na hindi humagulgol.

"M-minahal mona ba siya kaya hindi na ako? Napilitan kalang ba d-dahil sa mga anak ko?" Mga katanungan niya habang nau-utal

"Kapag ba sinabi kong oo, anong gagawin mo?" Nakangisi kong Turan.

"Mapipilitan akong angkinin ka ulit hanggang sa mahalin mo ulit ako kagaya noon." Simpleng sagot nito pero parang nakakatakot sa pandinig ko.

"Bakit hindi nalang ako? Kasal tayo at nasa akin na lahat, my anak narin tayo. Ano bang meron kay Elton na wala Ako?!" Medyo tumaas ang boses nito.

"Pagmamahal—matagal ko ng binigay ang pagmamahal ko sa 'yo kaya nga ubos na ubos na'ko eh..." Pagdugtong nito habang nakaduro sa puso niya habang ang boses nito parang namamaos.

"Ubos na ubos na wala nang natitira sa akin, lahat ng pagmanahal ibinagay kona, maski katiting wala na akong tinira sa sarili ko!"

"Pwede ba tigil-tigilan mo 'ko? Makaluma na ang pagi-inarte mo."

"Para sa 'yo pero kung alam mo lang." Nagulat naman ako ng patungan ako nito at hinawakan ng magaan ang panga ko.

Nangilid ang luha ko ng biglang sunod-sunod na pumatak ang luha niya sa mukha ko.

"Ikaw lang ang babaeng iniyakan ko alam mo 'yan, pero alam mo ang mas masakit doon dahil umiiyak ako sa asawa kong hindi na ako mahal na nakikiusap na balikan at mahalin ako ulit."

"Layuan mo 'ko!" Saad ko habang sinusulyapan ko ang anak namin. Bama magising.

"Ako nalang ulit please. Ako nalang..." Pakiusap nito.

Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now