Tumayo naman ako at naglakad na nanginginig ang mga binti. Parang nawala ang lakas ko sa nakikita ko.
Ang dating lalaki na matapang bakit ngayon nagbago nalang bigla?
Nang nasa harapan na ako nito d-dahan-dahan kong hinawakan ang pisnge niya at pinunasan ang sariwang luha nito na halatang kaka-iyak lang.
"B-bakit mo nagawa ang bagay na 'yan?" Bulong ko sa sarili ko.
Hahawakan ko naman sana ang pulsuhan niy ng biglang nagsalita ito at umiyak na naman ulit.
"Mahal... Come back here, please... I miss you." Turan nito kaya napalayo ako dahil alam kong maririnig niya ako.
Dumapa naman ito bigla kaya kita ko ang makisig parin n'yang katawan dahil wala itong pang-itaas, pero medyo pumayat ang bandang braso niya at nakita ko ng maayos ang buhok niya. Para na s'yang babae.
Pero hanga parin ako dahil kahit halatang hindi siya naliligo at laging umiinom napaka bango parin ng kwarto pati narin s'ya.
Nagbalak naman muna ako maglinis ng mga kalat dahil hindi ko gusto na madumi ang kwarto kahit pa mabango pa 'yan.
Kinuha ko 'yung walis at pandakot sa sulok at mop na nasa sulok rin. Kumuha muna ako sa kabinet ng ginagamit nila dito na kasing laki ng zonrox na malaki na kahit ilang buwan mo hindi linisin basta nalagyan mo okay na.
Sinimulan ko muna na mag walis at kunin ang mga bote ng whiskey, vodka, beer, at ang huli na pinaka marami ang mga pulutan na kagaya ng chi-chirya at may platito pa kaya inilagay ko muna sa isang study table ang mga platito at mga wine glass at ang iba ay tinapon kona deretso.
Umunat naman ako dahil nangalay ako sa kaka-yuko. Bweset ang lalaking 'to pinahirapan pa ako magpulot. Nang makaunat ng maayos kinuha ko sa gilid ang mop at nag mop sa buong sulok ng kwarto, kahit pagod sa byahe ginawa ko parin dahil dito ako matutulog at baka dumating ang anak namin ayokong makita niya na ganito kagulo.
***
Ilang oras ang ginulgol ko sa buong kwarto hindi ko sure kung kwarto dahil napaka laki kung ihahalintulad parang sakop ng tatlong unit noon namin gano'n kalaki kaya napa-upo nalang muna ako sa malaking sofa na andito habang naghahabol ng hininga. Grabi para akong nakipag bugbugan sa sobrang pagod.Tinignan ko naman ang oras 8:05 pm na. Nagugutom na ako.
"Knight." Tawag ko dito at tumayo.
"Leave!"
"Knight!" Tawag ko ulit sa ibang boses.
"Mom, pabalikin niyo na ang asawa ko! Hindi ko kayang mabuhay kapag wala siya..." Hagulgol nito kaya hinilot ko ang sintido ko.
Nanahimik naman ako saglit bago ako naglakad palapit sa p'westo niya ulit.
Huminga naman ako ng malalim.
Nang akmang hahawakan ko siya bigla itong bumalikwas ng upo.
Nang akmang tatayo na ito bigla itong nag angat ng ulo at kasabay non ang pagkabilog ng mata nito.
"Mahal?" Namamaos nitong turan na tinignan ko lang.
Bigla naman nitong hinablot ang bewang ko at niyakap ako.
"Kung panaginip man 'to please huwag niyo na akong gisingin. Gusto ko nalang mag stay dito. Okay lang na mawala ako basta makasama kita."
"Hibang kana, Knight!" Iyak kong turan dahil hindi ko akalain na handa s'yang mawala makasama lang ako kung panaginip man.
"Knight ayusin mo ang sarili mo! Nagmumukha ka ng pulubi." Turan ko nag-angat naman ito ng ulo.
"Panaginip ba 'to?"
YOU ARE READING
Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)
RomancePaano kung sa isang simpleng maling akala ay nasaktan mo ng lubusan ang babaeng mahal mo na ang hinangad lang ay ang makasama ka habang buhay? Pero lahat 'yon ay naglaho nalang naparang bula kaya ilang years nang pagtagpuin ulit kayo ng landas. Nagk...