Chapter 19

877 20 0
                                    

Habang tinatawagan ko si Elton habang nakatingin parin sa mag-ama bigla akong napapikit at bumalikwas nangtayo sa gulat dahil biglang hinampas ni Argus ang tatay niya sa hita gamit ang maliit nitong bag at dinuro ito kahit na nakatingala.

"You're stupid old man napaka tangkad mo hindi mo'ko nakita? Bulag ka ba?!" Sigaw nito.

"Pwede kang sumigaw pero hindi mo'ko pwedeng saktan!" Sigaw din pabalik ni Knight.

Jusko nag-aaway ang dalawang magkaugali. Isang demonyo at isang second version niya na malapit narin maging demonyo.

"Natapon na 'yung candy ko." Mangiyak-ngiyak na turan ng anak ko. Pansin ko 'yung banana split 'yung nahulog na candy dahil kulay dilaw iyon.

"Iyakin mo bibigyan nalang kita ng bago." Nangasim naman ang mukha ko nang biglang matalim na tinignan ni Argus si Knight.

Iba talaga ugali ng anak ko kapag sa ibang tao pero pag sa akin para itong anghel.

"Papa ko bumili n'yan na hindi kopa nakikita na sabi lang ni mama ay bigay niya sa akin!"

"Stop argument at me kiddo, you look like kinder na wala pang-alam." Pag e-english ni Knight na inismiran ni Argus.

"I can understand you mister I'm not idiot like you. English-english kapa akala mo pogi!" Pinulot naman ni Argus 'yung candy na nahulog at tinapon sa malapit na basurahan.

Nang makabalik si Argus sa harap ni Knight nagkatitigan sila. "What the heck, bata ka ba talaga? Halatang hindi ka mahal ng tatay mo!"

"Halata rin na hindi ka mahal ng asawa't anak mo!" Pagbabara din nito kaya pansin ko sa kamao ni Knight na nagpipigil ito.

Nag-aaway kayo eh... mag-ama kayo!

Isa't isa niyo sinasabihan niyo.

"Pasalamat ka bata ka!" Pagpipigil ni Knight na hindi saktan ang bata.

"Pasalamat ka matanda ka!"

"Don't say that again, thirty three palang ako!" Maktol ni Knight.

33 na siya samantalang ako 30. 3 years gap kami. 20 palang jowa kona si Knight hanggang sa nung mag 22 ako kinasal kami at nung araw na naghiwalay kami at buntis na'ko kay Argus 25 years old na'ko no'n samantalang si Knight 28.

Pero kahit na 33 na si Knight mukha lang s'yang 20 plus dahil sa mukha nito na napaka perfect na mukhang bata at ang katawan nito na napaka kisig.

"I don't care ang isipin mo paano mo mababalik 'yung candy ko!" Umiiyak naman na si Argus kaya gusto ko man ito lapitan hindi ko magawa.

"I'm sorry busy kasi ako sa kausap ko. What do you want para tumigil kana kakaiyak?" Mahinahon na turan ni Knight na ikina gulat ko. Kung kanina ay galit ito dahil sa sinabi ng batang nasa harapan ng binata bigla nalang nanlambot ang puso niya dahil umiyak na ang batang anak niya na limang taon nang tinatago.

"Mama!" Pansin ko naman na natataranta bigla si Knight kaya pinantayan niya ang bata.

"Shhh... sorry, oo na po ako na ang may kasalanan." Binuhat naman niya si Argus kaya napangiti ako.

"Mama!" Niyakap naman ni Argus sa leeg si Knight na ngayon parang hindi akalain na gagawin iyon sa kanya.

"Kiddo stop crying bibilhan nalang kita ng maraming food sa baba. Gusto mo?" Hine-hele naman nito si Argus habang ngumingiti ito sa mga taong dumadaan.

Hindi niya pwedeng makasama ng matagal si Argus baka mapansin niya ang mukha ni Argus. Naka suot kasi si Argus ng sumbrero kaya hindi kita ang kabuohan ng mukha niya.

Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now