Sa ilang oras kong pagtutuon sa laptop ko sa wakas natapos na'ko.
"Tapos narin sa wakas. Pwede naman na siguro ako manonood ng k-drama." Inalis ko naman lahat ng ginamit kong apps sa laptop ko at agad na pinindot ang Youtube. Nag search naman ako ng bagong labas na K-drama, higit chapter 10 na'ko non.
Nakangiti naman akong nanonood habang kinakain ang fries.
***
"Gosh nag cheat si girl, sayang pogi mo bogum, kung ako sa'yo ako nalang, handa akong gabi-gabihin mo basta ikaw." Kinikilig kong saad habang naiiyak dahil umiiyak na si Bogum.
"Niloko rin ako, handa karin bang gabi-gabihin ka?" Biglang saad ng isang lalaki na nasa likod ng swivel chair ko kaya inikot ko ang swivel chair ko na ikina gulat ko.
"A-anong ginagawa mo dito? Paano ka napunta d'yan?" Mga tanong ko.
"Just answer my question first, before i answer that."
"Ano ba kasi 'yon?!" Banas kong tanong.
"Sabi ko niloko rin ako papayag karin ba na gabi-gabihin?" Tinaasan ko naman ito ng kilay.
"Bakit si Bogum ka ba? Hindi di ba."
"Busy ka kasi sobra hindi mo'ko napansin. Alam mo kung my magnanakaw kanina kapa nanakawan."
"Labas na."'
"Over time kana, aalis na tayo." Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko ang oras. 7:30 na e hanggang 7:00 lang ako.
"Shit!" Agad ko naman inayos ang bag ko at ang laptop ko nilagay ko narin sa bag.
"Puro ka nood, anak natin nakakalimutan mona." Malamig na turan nito.
"Dami mong alam, halikana gabing-gabi na. hinahantay na'ko ng pamangkin ko rin." Binuhat ko naman na ang bag ko at naglakad.
Nang makalabas sa office pansin ko hallway nalang ang my ilaw habang ang mga office nakapatay na ang ilaw.
***
"Pasok na." Agad ko naman binuksan ang backseat pero hindi iyon bumubukas.
Sa inis ko dahil kanina kopa pinipilit buksan ang backseat naglakad ako at kinatok ang bintana ng kotse.
"Buksan mo 'yung pinto!" Utos ko.
"It's already open." Tipid nitong turan.
Binuksan ko naman ulit ang backseat pero sarado talaga.
Kinalampag ko naman ang pinto. "Bahala ka nga!" Inis kong turan naglakad naman ako papalayo sa parking lot.
Kung ayaw niya akong isama edi don't hinahanap narin ako sigurado ng anak ko.
Tyaka gabing-gabi na napaka dilim na doon sa memorial.
Tatawid naman na sana ako sa kabilang highway ng biglang my humawak sa kamay ko.
"Saan ka?"
"Uuwi na, bahala ka sa buhay mo, kanina ko pa binubuksan 'yung likod ayaw bumukas!" Sigaw ko kaya my napatingin na sa amin na mga tao lalo na sa court.
"Huminahon ka pinagtitinginan na tayo." Medyo bulong nito sa akin.
"Asa, bitawan mo'ko kung hindi sisigaw ako dito." Mapanghamon kong Turan.
"Hali kana sabi." Pagpupumilit nito.
"My kidnaper! Tulong, tulong!" Pag iiskandalo ko.
"No, fuck!" Pansin ko naman na natataranta ito.
Kasabay naman non ang pagtutok ng mga phone sa amin.
"Mawawala ka bigla ng supporters kapag nalaman nilang nangingidnap ka!" Sigaw ko.
YOU ARE READING
Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)
RomancePaano kung sa isang simpleng maling akala ay nasaktan mo ng lubusan ang babaeng mahal mo na ang hinangad lang ay ang makasama ka habang buhay? Pero lahat 'yon ay naglaho nalang naparang bula kaya ilang years nang pagtagpuin ulit kayo ng landas. Nagk...