Chapter 6

1.1K 25 0
                                    

Mabilis lang naman akong nag-ayos ng sarili, tumigil narin ang pagdurugo ng ulo ko kaya ito ako ngayon nasa tapat ng meeting area.

"Kaya ko'to." Huminga naman ako ng malalim at pumasok na ng tuluyan.

Agad ko naman nakita ang apat na pigura ng tao na nakaupo kaya yumuko ako kaonti.

"Good morning, pasensya na na-late ako my ginawa pa kasi ako." Walang buhay kong turan at agad umupo sa bakanteng upuan na medyo malayo sa pwesto nila.

"X-xyrille?" Hindi makapaniwalang saad ni Tita Victorina kaya ngumiti ako.

"Hello Tita, nice to see you again?" Medyo ngumisi naman ako kaya nanlaki ang mata nito pati narin si Carol

"Bakit andito ka?"

"It obvious, secretary po ako ng anak niyo na ex-husband ko na nagpauto sa'yo noon pa kaya hanggang ngayon ay tanga." Tumayo naman silang apat kaya tumayo rin ako habang tumatawa.

"Are you happy now? Masaya ka na ba na duguan ako dahil sa ginawa ng anak mo at sabihan ng kahit ano na hindi ko ginawa?!" Nanggagalaiti kong sigaw.

"Both of you stop fighting, napaka walang kwentang usapan naman ang pinag-uusapan niyo." Singit ni Knight.

"Dapat lang na ginawa namin 'yon dahil demonyo ka!" Dinuro naman ako ni Tita.

"Oo kaya nga dahil sa'yo nakunan ako, nalaglag ang kaiisang apo niyo ang anak ko!" Pagsisinungaling ko, pansin ko naman na biglang nanghina ito.

"No, it's not my fault! Kasalanan mo kung bakit nawala ang apo ko, ang apo ko!"

"Ohh... bakit galit na galit ka? Nag kwento ka kay Knight dati na maraming gumalaw sa akin edi hindi niyo apo 'yon, kaya bakit nagagalit ka? Kasi alam mo na lahat 'yon kasinungalingan, ngayon wala na ang apo niyo masaya kana?!" Tumawa naman ako.

My humawak naman sa pulsuhan ko kaya napatingin ako at kay Knight iyon. "My anak tayo?" Hindi makapaniwalang saad ni Knight pati narin si Tito.

Tinabig ko naman ang kamay niya. "Oo lalaki kaso nakunan ako dahil sa nanay mo! Na stress ako at nalaglag ang anak ko. Kasalanan n'yong lahat 'yon." Bigla naman napa-upo si Tita at si Knight.

"Matagal ng wala ang anak ko, ngayon nag-iisa ako na dapat kasama ko siya, siya na nga lang ang meron ako pero nawala pa dahil kasalanan niyo lahat." Pansin ko naman kay Tita na umiiyak ito habang umiiling.

"Ang apo ko!" Sigaw nito at naglakad  palapit sa akin, ng akmang sasabunutan ako nito pumagitna si Tito.

"Enough! Wala na nakunan na si Xy at dahil 'yon sa kagagawan mo, kung my sisisihin ikaw 'yon. Kung hindi ka gumawa ng gano'n walang magaganap na ganto!" Saad ni Tito habang labas na ang ugat sa leeg.

"Hindi ko alam na buntis siya non. Pero kasalanan niya dahil nagpaka-stress siya!"

"Balak ko na nga sabihin kaso ginawa niyo 'yon, ngayon tumigil na kayo. Patay na ang anak ko na sana ngayon ay limang taon na." Umiyak lang kayo, magsisi kayo sa ginawa niyo sa akin HAHAHA. Mga tanga ang apo niyo buhay na buhay kindergarten na nga.

"Anong nangyayari?! Ano ang hindi ko alam?" Lumapit naman ito sa mom niya.

"Lahat ng nangyari noon lahat 'yon pinalano nila, walang nangyari sa amin nung lalaking katabi ko. My cctv non mga tanga!" Tumawa naman ako.

"Puro ka tanga, oo na tanga kung tanga!" Nanggagalaiti nitong turan ni Knight sabay baling ulit kay Tita.

"Bakit mo ginawa 'yon?!" Hinawakan naman ng mahigpit ni Knight si Tita kaya pumapagitna si Tito.

"Bitawan mo ang mama mo!"

"No kulang pa'to sa ginawa niya sa amin, pinatay niya ang anak ko! Kasalanan niya kung bakit namatay ang anak ko, pinatay niya!" Paulit-ulit nitong turan habang walang magawa si Tito.

Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now