Chapter 14

938 21 0
                                    

Habang nasa byahe kami nakakita ako ng napaka ilaw na kainan kaya napangiti ako.

Malapit na kami sa Ayala avenue sure ako dahil nakikita kona ang mga building pati narin ang building nila Knight na napaka ganda talaga. Ako ba naman nag-isip eh...

"Itigil mo sa gilid 'yung kotse." Nasasabik kong turan.

"Why?"

"Basta igilid mo gusto kong kumain doon." Sabay turo ko sa mga mailaw na mga kainan. Court kasi siya na puro lang kainan.

"Gabi na, baka hindi ka matunawan. Bukas ka nalang kumain." Suway nito at binalik ang tingin sa daan.

"Ibaba mona ako andito narin naman tayo sa Ayala, sasakay nalang ako ng taxi pauwi kung ayaw mo!" Sigaw ko. Masyadong hadlang talaga ang lalaking'to kaya mabuti nalang talaga nakalaya ako noon sa kanya.

"Sabing ihinto mo eh..." Bigla naman itong lumiko at pumasok sa parking lot ng food court.

***

"O... My... God... ang ganda!" Tili ko habang hinahatak si Knight.

"Slowly." Suway nito sa akin kaya tinignan ko ito na my ngiti sa labi, napansin ko naman sa mukha niya ang gulat.

Alam kong maganda ako.

"Dalian mo pa virgin ka maglakad ehh..." Medyo inis kong turan kaya nilakihan nito ang paghakbang.

Pagkapasok namin sa food court ang daming tao na nagpa-agaw atensyon pagkapasok namin.

"Si Knight!"

"Gosh."

"Si crush!"

"Totoo ba ang nakikita ko, si Knight?"

Mga sigawan ng mga kababaihan ang mga lalaki naman nakangiti lang.

My nagsitakbuhan naman ang mga babae palapit sa amin kaya natawa akong lumayo kay Knight na tinignan lang ako palayo. Bahala ka hanapin mo nalang ako.

Lakad takbo naman ang ginawa ko sa bilihan ng candy.

"Hindi kona nabibigyan ng candy ang anak ko, nakalimutan ko siya bigyan nung marami s'yang star sa kamay." Agad naman akong binati ng isang lalaki na kaedaran ko lang.

"Welcome to store ma'am ganda, pili lang po kayo, mura lang po 'yan lahat." Ngumiti lang naman ako at nagtingin ng candy.

Ang dami kong bibilhin sa kanya.

Kumuha naman kaagad ako ng basket.

Kumuha lang ako ng chocolate bar, honey at naglibot pa, medyo madami naman na akong nakuha para kay Argus.

***

Habang kumukuha ako ng pastillas para sa akin ay napatingin ako sa labas ng store ng may npansin akong matangkad na lalaki, medyo nagulat pa'ko ng mag katitigan kami ni Knight, halatang nililibot pa nito ang court at hinahanap ako.

Tinuloy ko naman ang pagkuha pa ng iba ng mapansin ko itong pumasok at naglakad sa pwesto ko.

"Why are you here? Akala ko ba kakain tayo?" Tanong nito habang tinitingnan ang binibili ko.

"Wala kana do'n." Mataray kong Turan at kumuha ng isang balot ng worm.

"Ang dami mong binibiling candy magtitinda ka ba?" Tanong nito.

"Sa an—pamangkin ko hindi ko kasi nabili nung nakaraan." Pansin ko naman na tumango ito at naglibot ng paningin.

Habang naghahanap ako naglakad si Knight sa dulo at my kinuha doon pero hinayaan ko lang siya.

Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now