Epilogue

6.9K 259 20
                                    

*After 9 months*

KNIGHT P.O.V.

Andito kami ngayon sa playground dito sa mansion kasama ang anak nila Vivian at Devi at ang anak ng mga kaibigan ko naglalaro lahat habang kaming lahat na magulang magkakatabi tinitignan ang mga anak namin.

"Nakaka-miss maging bata. Sana bata nalang ako para walang stress." Turan ng asawa ko habang nakahawak sa tyan nito. Napasimangot naman ako.

Parang naging stress pa 'ko, hindi ko na nga ini-stress, stress parin ako.

"Oo nga ehh... para walang problema." Turan ni Vivian naman.

"Sasakit kasi ng ulo ng iba d'yan." Pagpaparinig pa ni Pia habang nakahawak rin sa tyan nito na 2 months na.

"Agree." Turan ng asawa ni Jeffrey at Clad.

"Luh? Grabi naman kayo." Turan ni Jeffrey habang si Elton nilalaro ang anak ni Jeffrey.

"Buti nalang tahimik misis ko." Turan ni Elton.

"Tahimik ka d'yan tanga sakit karin sa ulo." Tumawa naman kaming lahat habang si Xyrille ngumiti lang at halatang my nararamdaman.

"Nangyari?" Tanong ko kaya tumayo ito at humawak sa balakang.

"Ang sakit na ng tyan ko."

"Sus, eme mo sis next week pa lalabas ang baby girl niyo." Turan ni Vivian na sinangayunan naman namin.

"Oo nga, ito naramdaman ko nung manganganak ako kay Argus." Turan nito habang hindi ma-ipaliwanag ang nararamdaman nito.

"Baka nangangalay ka lang." Hinahagod ko naman ang balakang niya pero ilang sandali lang ng biglang my lumabas na tubig sa ibaba niya na ikina sigaw naming lahat. Ang daming tubig.

Kasabay naman non ang mga sigawan at paglapit ng bodyguard sa mga bata para bantayan.

"Pumutok na 'yung panubigan!"

"Gagu manganganak na nga!"

"Tang Ina ayaw niyo kasi maniwala eh!" Sigaw pa ni Pia.

"Ayaw niyo kasi paniwalaan buntis na nagsabi."

"'Yung van i-ready niyo na!" Binuhat ko naman ng pa bridal style si Xyrille at tumakbo palabas ng gate dahil sakto nasa gate 'yung van kakauwi lang kasi nila mom.

"Knight kumikirot na! Ahhh!" Sigaw nito kaya mas lalong binilisan ni Jeffrey ang pag drive.

"Yawa ginawa niyo pa akong driver. Ang daming bodyguard na nagbabantay sa mga anak natin pero maski isa ayaw n'yong pag-drive-in?!"

"Mas okay ng maraming nagbabantay kaysa naman mapahamak ang mga bata at ang anak mo!" Turan ng asawa ni Jeffrey na ikina pigil ng tawa ni Xyrille.

"Huwag niyo akong patawanin sumasakit lalo tyan ko!" Turan nito habang nakahawak sa tyan.

***
Nasa ER naman na si Xyrille rinig namin na sumisigaw ito.

"Ahhh! Ayoko na..." Turan ni Xyrille.

"Suko na 'ko."

"Ahhhhh!" Mahabang sigaw nito na ikina asim ng mukha naming lahat lalo na si Pia.

"Parang natatakot na ako manganak. Sigaw palang ni Ate Xy, kinakabahan ako. Piling ko dama ko narin kahit hindi pa ako manganganak."  Kabadong turan ni Pia ang pinsan ko habang naka-upo kami.

Napatingin naman kaming lahat at napatawa.

"Pag normal goods kaonti. Kapag cesarian siguro babye sa sexy at ganda ng kutis ng tyan mo. At sure iiyak ka sa mahabang injection sa likod." Pananakot pa lalo ni Vivian.

Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now