Chapter 11

1.2K 29 1
                                    

Andito naman na kami sa tapat ng company.

"What do you want, streets food or fast food?

"Syempre streets food, na-miss ko narin kasi kumain, lagi nalang kaming fast food ng anak ko." Kwento ko pa kaya medyo na gulat ito.

"Meron kang anak?" Tumango naman ako.

"Oo isa."

"Edi my asawa kana? Sayang naman." Sumuntok naman ito sa hangin na parang nang hihinayang.

"Pero hiwalay na kami five years na." Bigla naman itong ngumiti.

"Edi my chance ako?" Tanong nito. Hindi ko pa siya tuluyan nakikilala, papayagan ko kay siya? Pero hindi naman masama kung susubukan ko ulit.

"Oo naman."

"Talaga?" Tumango naman ako kaya niyakap niya ako. "Pangako ituturing kong tunay na anak ang anak mo, handa akong akuin lahat ng responsibilidad ng ex mo." Tumango-tango naman ako.

"Tama na nga masyado na tayong oa, my naka tingin na sa atin." Tinignan naman nito ang paligid kaya nakita niya ang ibang tao naka ngiting naka tingin sa amin.

Medyo nagulat naman ako ng hawakan nito ang kamay ko at pinagsalin iyon kaya naka ngiti kaming dalawa habang tumawid sa kabila kalye kung saan ang mga bilihan ng streets food at iba pa.

Bumili naman kami sa fish ball-an habang tumutusok ako ng kikiam nagsalita sa tabi ko si Elton.

"Alam mo napaka ganda mo talaga, kahit anong anggulo. Napaka tanga naman ng ex mo iniwan ang katulad mo." Ngumiti lang naman ako at naglagay na ng sauce.

"Pero pasalamat sa kaniya dahil kung hindi kaniya iniwan hindi tayo magkaka-kilala." Dagdag pa nito.

Kung alam mo lang ang nangyayari.

"Ngapala bakit nasa tabi ka ng office ni Sir. Knight?" Pag-iiba nito sa usapan.

"Secretary niya 'ko." Tipid kong sagot.

"Ikaw pala ang chini-chismis na bagong secretary, tama ang sinabi nila napaka ganda mo."

Kaya pala minsan nakakagat ko ang dila ko dahil  pinag-uusapan na pala ako.

"Hindi naman, kasi kung maganda ako bakit ako iniwan?" Medyo yumuko ito at inilapit naman nito ang mukha nito sa akin.

"Bulag siguro HAHAHA" biro nito kaya natawa rin ako. Baka nga.

***

Andito naman na kami papasok ng company kakatapos lang namin kumain ng corn dog.

"Nabusog ka ba? Kung hindi bili kita mamaya, gusto mo?" Tanong nito kaya umiling ako.

"Busog na busog na'ko ano ka ba." Nahihiya kong turan.

"Sure k—ahhh!" Inda ko ng bigla my natapakan akong medyo malaking bato kaya natapilok ako.

Agad naman ako nitong inalalayan sa gilid dahil my dumadaan.

"Anong nangyari?" Tanong nito habang pansin sa mukha nito ang pag-aalala.

"Natapilok ako hindi ko napansin 'yung bato." Inda kong turan.

Higit 2 minutes nitong hinilot ang paa ko habang namimilipit hanggang sa medyo kaonting kirot nalang kasabay din non ang pag alarm ng phone ni Elton.

Binigay naman niya sa akin ang folder ko na hawak ko kanina at agad niya akong binuhat pa bridal style.

"Time na kanina pa, malalagot tayo." Nagmamadali nitong turuan habang papasok ng company, pansin naman namin ang mga tingin ng tao sa amin na hindi ko mawari kung kinikilig o ano man.

Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now