Chapter 37

11.6K 313 82
                                    

*After 3 weeks*

Sa ilang weeks ko dito sa Probinsya medyo gumaan ang pakiramdam ko, parang piling ko ngayon lang ako naging malaya sa ilang years kong nabubuhay. Wala akong problema maski isa.

"Mama let's eat na daw po. Aalis papo tayo ngayon!" Sigaw ng anak ko sa kusina samantalang ako nasa sala hinihimas ang medyo umbok kong tyan.

Wala kaming kasama dito nasa kabilang bahay kadugtong lang din siya ng bahay, doon muna naninirahan ang nagbabantay ng bahay na ito habang andito kami sila rin ang nahluluto at naglilinis.

Tumayo naman na ako.
"Ito na po. Masyadong nagmamadali ang baby Argus ko sa perya." Naglakad naman na ako papuntang dinning area.

My kakabukas lang kasing perya dito dahil 'Ber' na. Ito ang laging tinitignan ng anak ko sa rooftop ng bahay dahil kita sa rooftop ang perya kaya tuwing hapon tinitigan niya iyon hanggang sa nakita n'yang okay na my mga decorations na at my perya at vikings na kitang-kita talaga na ikinatuwa nito dahil first time lang n'yang makakita ng ganoon.

Nandito naman na ako sa dinning area kaya bumungad kaagad sa akin sila Ate ang katiwala nila Dad dito kasama ang anak nitong fifteen years old. Bali apat kami. My asawa noon si Ate Jennifer kaso namatay nung nakaraang taon kaya ngayon dalawa nalang sila.

Nag kwentuhan naman kami habang kumakain kaya masaya kami kahit papaano dahil topic namin ay tungkol sa amin ni Knight.

"Lagi ko nalang s'yang iniintindi nakakapagod na siya." Turan ko.

"Ate, hindi sa nangingielam pero need po ng isang tao ang second chance o kahit ilang chance. Kagaya po ni Kuya Knight, hindi naman po niya kasalanan at my kulang rin naman po ikaw doon. " Natameme naman ako dahil My point siya dahil my pagkukulang din ako bilang asawa niya.

"Anggulo hindi ko alam, parang gusto ko nalang dito habang buhay malayo sa kanila."

"Pero iba parin po ang my nakakasama. Tyaka need mo po ng dilig, hehe..." Sabay kamot nito sa ulo habang nahihiya.

Bigla naman itong napainda ng biglang kurutin ito sa tagiliran.

"Napaka bata mo pa alam mo na ang mga ganyan bagay, huh?!" Sigaw ng ina nito na tinawanan ko lang.

"Inay sinasabi ko lang po, grade nine na ako at hindi na bata alam ko na po ang mga ganyan' bagay." Mahinahon nitong turan habang naka kunot ang nuo.

"Ewan ko sa 'yong bata ka."

"Pero tama naman ako inay, hindi ba?"

"Oo my punto karin doon. Mas maganda na my kasama ka at my pangangailangan din ang asawa mo lalo na iniwan mo siya ng ilang years. Gusto mo bang tuluyan na s'yang sumuko at maghanap ng ibang babae?" Bigla naman nanikip ang dib-dib ko.

Hindi ko kakayanin 'yon. Kahit na niloko niya ako o ano man hindi ko kakayanin!

"Hija, ang mag-asawa laging my pinagdaraanan na dapat harapin, ang kailangan mo lang gawin ay tiwala at unawaan sa isa't isa. Sa ginagawa mo mas lalo mo lang ginugulo ang isip mo. Alam mo baka isang araw ma-realize mo na kailangan mo siya hahanapin mo siya. Paano kung nawala siya?" Bigla naman nanlaki ang mata ko dahil naalala ko ang banta ni Knight sa sarili n'ya.

"Kapag nawala ang isang tao tingin mo mayayakap at makikita mona siya? Hindi na 'di ba kaya hanggang andyan ang isang mahal mo patawarin mo hanggang kaya mo."

"Anggulo super gulo. P-pero natatakot ako na baka kitilin niya ang buhay niya dahil sa akin. Balak niya pong magpakamatay." Pag-amin ko.

"Kagaya n'yan paano kung mawala siya doon mo lang siya papatawarin? Gano'n ba kung kelan hindi kana niya naririnig?" Bigla naman ako napaiyak.

Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now