*AFTER 1 MONTH*
Sa ilang weeks ko dito hindi na kami nagpapansinan ni Knight simula ng makauwi kami dito kahit nga sa meeting hindi ako nito tinitignan o kinakusap at ang mga papeles lagi ko lang kinukuha sa lamesa lagi pero ni isa hindi na siya tumitingin o kinakausap ako.
At ang mas nakakapangamba dahil simula rin ng makauwi kami lagi na akong umiiyak sa simpleng dahilan, sumusuka tuwing umaga. At my mga gustong pagkain na laging binibili ni Elton sa akin.
Mas lalong nasusuka rin ako kapag lumalapit ako kay Knight.
Kung sakali man na buntis ako hindi ko sa sabihin sa kanya. Dahil alam kong disidido na ito na iwan ako.
Malungkot ako dahil hindi ko matutupad ang pangako ko sa anak ko. Pero masaya rin Ako dahil magiging malaya na kaming dalawa, makakasama na niya ng tuluyan si Carol.
Pero sabi niya noon mag-isa nalang s'yang mamamatay pero ito sila nagkakamabutihan, laging nasa company si Carol, kasama rin ni Knight ito tuwing gabi.
***
Umiiyak naman ako ngayon dito sa office ng maalala ko na naman lahat. "Buntis ako. At kailangan kong kumilos ng hindi niya napapansin." Saad ko habang naghahakot. Last day kona ngayon at bago maghakot natapos kona ang huling pipirmahan at mga file.
Habang naghahakot ng kaonting gamit my kumatok.
*TOK*
*TOK*
"Pasok." Wika ko.
Nang tignan ko ang pinto niluwa non si Elton na my bahid ng ngiti.
"Wala ngayon si Sir. siguro bukas mona ipapirma lahat sa kanya sa ngayon maghakot kana, hahatid narin kita dahil half day lang din naman ako." Ngumiti naman ako.
"Sige, wait lang malapit na'to." Binilisan ko naman ang paghahakot.
"Hantayin kita sa parking lot." Tumango lang ako kaya sinara na nito ang pinto.
"Magpapa-chek-up narin siguro ako para masigurado ko, baka mamaya my sakit lang pala ako." Saad ko habang sinasarado ang box na my laman ng mga gamit ko.
Nang masarado ko Ang box tumayo ako ng tuwid pansin ko parang tumaba kaonti ang tyan ko, para akong busog.
"Hindi pa naman ako kumakain pero mukha busog ako?" Sinawalang bahala ko naman saglit iyon dahil huling Araw Kona itong makikita, susulitin kona. Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong office.
Mamimiss ko 'to.
Kahit ilang buwan lang ako ang dami kong ala-ala dito, mula unang trabaho ko hanggang ngayon. Andito rin ang mga sakit na ginawa niya.
"Ano ba 'yan naiiyak tuloy ako." Pinunasan ko naman kaagad ang mga patak ng luha ko na umagos sa magkabilaang pisngi ko.
Medyo napa talon naman ako sa gulat ng biglang tumunog ang cell phone ko pero agad ko rin iyon kinuha sa bulsa at sinagot habang nakasimangot.
Bweset!
"Sino 'to?"
"It's me your husband," maikli nitong turan na halatang namamaos.
"'Yung papapirma ko sa'yo baka nakakalimutan m—" hindi ko naman natapos ang sa sabihin ko ng magsalita ito.
"I-i know, my pupunta sa bahay nila Devi na Assistant ko, i-ibigay mo ang ipapapirma mo..."
Narinig kopa na humahagulgol ito kaya ramdam ko ang puso ko parang pinipiga iyon sobra lalo na dama kong napipilitan ito. Pero ito na wala na kaming magagawa.
YOU ARE READING
Beg At Me Again My Ex Husband (Under Editing)
RomancePaano kung sa isang simpleng maling akala ay nasaktan mo ng lubusan ang babaeng mahal mo na ang hinangad lang ay ang makasama ka habang buhay? Pero lahat 'yon ay naglaho nalang naparang bula kaya ilang years nang pagtagpuin ulit kayo ng landas. Nagk...