Chapter 1
Lyra's
"Go Bryce!" buong lakas kong sigaw. Ngunit halos matabunan pa rin ito ng madla.
Everyone in this court was cheering for our school's basketball team. Isang do-or-die finals game na kasi ito kaya gitgitan ang laban.
"Grabe Lyra! Mukhang nabasag ang eardrums ko sa tili mo. Halos matanggal na ang vocal chords mo dyan sa lalamunan mo sa sigaw mo. Ikaw na talaga!" puna ni Mayel--ang matalik kong kaibigan.
"Saan ka naman nakakita ng basketball game na napakatahimik? Ano 'to, library?" sarkastiko kong depensa na nakataas pa ang kilay.
She rolled her eyes. "Ay nako. Oo na nga. Tatahimik na lang ako," pagsuko niya saka siya ngumuso at pinagkrus ang braso.
Hinampas ko naman siya ng mahina at itinuon na lang ulit sa laro ang aking atensyon.
Lamang na ang team nina Bryce. At panigurado, panalo na naman ang team ng boyfriend ko. Oo. Boyfriend ko lang naman ang star player ng basketball team namin kaya heto ako, halos daigin ko ang 'Go sexy, sexy love' ni Athena para kay Kenji.
"Go honey Bryce! Shoot that ball for me, baby! I love you, pumpkin!" Mula sa isang malanding boses ang narinig ko sa kabilang banda ng bleachers.
Kumunot ang noo ko at nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nanlaki ang mata ko sa itsura ng pangahas na umaangkin sa boyfriend ko. Tinalo pa yung banner at yung outfit ko. Simpleng t-shirt at jeans lang yung suot ko tapos siya nakapang-muse ng basketball na damit?
"Mayel, nakikita mo ba ang nakikita ko?" Nilingon ni Mayel ang direksyon ng tinitingnan ko. "Pigilan mo ako. Pigilan mo ako kundi baka gawin kong isaw ang baklang yan! Dinaig pa ako sa sobrang prepared niya!"
Akmang susugurin ko na siya pero pinigilan ako ni Mayel. Hayaan ko na lang daw. Sinunod ko siya at kumalma ako. Hindi mababa ang lebel ko para patulan siya. Ayoko ring gumawa ng gulo dito.
"Bakla yan, frienny. Babae ka. Anong panama nyan sayo? Di yan papatulan ni Bryce. Ikaw pa ba? Si Lyra Valderrama ka. Maganda, matalino, mabait, mayaman at sexy. Mapapakanta si Daniel Padilla sayo ng 'Na sa'yo na ang lahat' nyan. So, wag kang threatened sa isang iyan," panigurado ni Mayel na nagpangiti sa akin.
Tama siya. Bakla si Theo, babae ako. Meron akong bagay na wala siya. Napangisi ako sa isiping iyon sa utak ko.
Kung tatanungin niyo kung sino ang baklang nagpapakulo ng dugo ko, siya si Theo Alexis Verano pero Thea daw talaga. Siya na ang nagsabi, Theo daw sa umaga, Thea sa gabi at madaling-araw.
Siya ang masasabi kong mortal enemy ko sa lahat ng bagay, mapa-academics man o sa extra-curricular, laging siya yung kalaban ko. But unluckily, hindi ko siya matalo. Laging siya ang panalo at ako lagi yung second best. Pero talo ko naman siya pagdating sa love. Imagine, boyfriend ko lang naman yung pinapantasya niya.
Sinulyapan ko si Theo at biglang nag-init ang ulo ko sa ginawa niya. Binalingan niya ako tapos bigla akong inirapan! Bakla talaga!
Natapos ang laro nina Bryce at tama talaga ako. Panalo nga sila! Balak ko na sanang puntahan si Bryce sa ibaba nang maunahan ako ni baklita. Biglang sumulpot sa kung saan ang impaktitang bakla na si Theo at agad niyakap si Bryce. Syempre nagulat si Bryce sa pagkakayakap ng impaktitang bakla. And being the girlfriend here, kailangan kong pangalagaan ang balat ng boyfriend ko.
"Hoy bakla! Makalingkis ka naman sa boyfriend ko! Girlfriend ka? Girlfriend ka ba?" nakapameywang kong singhal kay bakla.
"Possesive mo! Akala mo ang ganda-ganda. Mas maganda pa nga ako sayo! Tsaka feel na feel kaya ni Bryce ang mainit kong yakap sa kanya! Later sa pad ko ha." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Theo.
Inihiwalay ko si Theo kay Bryce. "Excuse me? Feel na feel? Hindi mo ba nakikita ang reaksyon niya? Halos mangiwi na ang itsura sa yakap mo," sabi ko at tiningnan siya from head to toe. "Atsaka maganda? Aba'y oo. Maganda talaga ako. Magandang-maganda. Ikaw? Maganda ka nga, babae ka ba? Kaya tigilan mo nga ang paglingkis dyan sa boyfriend ko! Mahiya ka nga sa germs na dala mo!"
Susugurin na sana ako ni Theo pero agad siyang napigilan ng teammates ni Bryce. Ako naman ay hawak-hawak na ni Bryce.
"Umalis ka na nga bago ka pa maghasik ng lagim dito! Tandaan mo, akin si Bryce, hindi sayo. Bakla ka, babae ako," huli kong sinabi kay Theo saka niya ako tinalikuran. At siya pa ang may ganang mag-walk out?
"Guerrero. Locker room," utos ng coach nina Bryce na kalalabas lang ng locker room.
Binalingan ako ni Bryce. "Wait for me. I'll be back in a minute," sabi ni Bryce at umalis.
"Lyra! The best ka talaga! Best actress! Mala-kontrabida ang datingan mo dun," asar naman ng kakalapit lang na si Mayel.
"Saan ka ba pumunta at hindi ka man lamang rumesbak sa away namin ni bakla?"
"Nasa bleachers lang ako the whole time and just witnessed the record-breaking movie of you and Theo." Tinapik niya ako sa balikat. "Tama yang ginawa mo nang magtanda ang baklang yun."
Lumapit naman agad si Bryce sa amin na fresh na fresh na. "Hey," bati ni Bryce sa amin ni Mayel.
"Huy." Napangisi si Mayel. "Lyra, mauna na ako sa inyo. Alam ko namang magcecelebrate pa kayo nitong boyfriend mo." Sabay tawa ni Mayel at paalam.
Tinanaw namin si Mayel na papalabas na ng court. Agad namang hinawakan ni Bryce ang kamay ko.
"Let's go? Tara mag-celebrate," yaya ni Bryce.
"Pero di ba may celebration din kayo ng team niyo? Why don't you join them?"
Ngumiti si Bryce. "They can celebrate even without me. But for me, I can't celebrate without you."
____________
Vote, Share and comment! This is the edited part already!
BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
Ficción GeneralNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...