Chapter 24

3.5K 67 8
                                    

Chapter 24

Lyra's

"Go Green Team, Green Team! We are the best among the rest!" Here we are, cheering for our section in our sports fest.

"Lyra, sub daw. Injured si Klare. Di na siya makalaro ng volleyball," sabi sa akin ni Elijah nang makalapit siya.

"Bakit ako? Hindi ako magaling mag-volleyball! Baka matalo ang section natin nyan. Tsaka nandyan naman si Ross, MJ at Andrea, bakit hindi sila ang isali niyo?" tanggi ko kasi di ako magaling mag-volleyball.

"Bes, hindi pwede si Ross at MJ, may laban pa sila ng badminton doubles. Si Andrea? No way. You are our last chance." Namataan ko naman si Theo sa may gilid na kausap ang organizer ng event. "Kung si Theo ang tatanungin mo, he's not a participant. Coordinator siya." Si Mayel na ang nagpaliwanag sa akin.

I have no choice at all. Nakakahinayang kapag natalo ang team namin nang hindi lumalaban kaso hindi talaga ako magaling sa larong iyon. Alam naman nila yun. I really suck at sports but I guess, they don't either have any choice and pick me as their player.

"Guys! Walang sisihan ha! You knew all along that I'm not good at this!" sabi ko sa kanila na sinuklian naman nila ng ngiti at thumbs-up na sinasabing okay lang.

Nagpatuloy na ang laro at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi sa akin napapatapat ang bola. Nakakatuwa din at nakapagserve ako ng isa. Hanggang service lang kasi talaga ang kaya ko.

"LYRA!" I heard everybody shouted out my name and then it all went black.

___________________

Theo's

Habang kausap ko ang mga taong nag-organisa ng event na ito ay nakikipanuod din ako ng volleyball game. Kasali kasi ang friends forever kong sina Mayel at Lyra. Sayang lang kasi di ako makakasali. Naka-ready pa naman ang outfit ko. Short shorts pa naman yun.

"LYRA!" Nanlaki ang mata ko nang makita kong tamaan ng bola si Lyra. Agad ko siyang pinuntahan at binuhat papuntang clinic.

"Gosh! It's all my fault! Dapat di ko na siya pinilit! Baka magka-amnesia siya! Oh no! Hindi pwede! Baka mamatay siya!" Binatukan ko ng todo ang umiiyak na si Mayel matapos kong maibaba si Lyra sa kama.

"Grabe ka! Nega mo 'te! Walang mamamatay! Just fucking shut up, will you? Makakarequest ba ako ng kaunting katahimikan mula sayo?" Napanatag naman ako nang tumigil si Mayel sa pag-iyak at nanahimik. Thank You Lord!

Tiningnan ng residing doctor si Lyra at binigyan naman ako ng ice pack para kay Lyra. Maayos naman daw ang lagay niya at hintayin na lang daw namin magising.

"Theo, pwede bang maiwan muna kita para magbantay kay Lyra? Gustuhin ko naman siyang bantayan kaso naghihintay ang ating mga kaklase para maglaro ulit kami para sa section natin," paalam ni Mayel.

"Why me? Coordinator ako. I have lots to do. I'm a busy person especially right now," angal ko.

Umingos naman si Mayel. "Kaibigan ka rin, hindi ba? Do you think Lyra would be happy if you're going to leave her here? Sa akin kasi, matutuwa pa siya kasi para sa section naman natin ito. But you, you're just roaming every corner of the event, might as well, have time to watch over Lyra for a while."

Sa sinabi ni Mayel, may magagawa pa ba ako? I heavily sighed. "Alright. Just go and make sure to bring home the bacon." Umalis na si Mayel at naiwan ako kasama si Lyra.

I looked at Lyra who's sleeping peacefully. Inilagay ko ang ice pack sa kanyang ulo at pinagmasdan ang kagandahan niya. She has these soft features when she's sleeping. Putapete! Ang gago ni Bryce dahil pinakawalan niya pa itong babaeng nasa harap ko ngayon.

Nang magmulat ng mata si Lyra ay agad akong lumapit sa kanya. Tiningnan niya ako na parang nanlalabo ang mata. "Win?" Nangunot ang noo ko. Win?

"Anong Win? Winner? Wingardium leviosa? Baka Win Gatchalian? Ay. Baka naman tinatanong mo kung sinong nanalo sa sports fest." Napaupo si Lyra at humawak sa kanyang ulo. "Masakit ano? Ito ang ice pack. Ilagay mo dyan." Ibinigay ko sa kanya ang hawak ko.

"Anong nangyari, Theo? Ang huli kong natatandaan ay naglalaro kami ng volleyball," sabi niya.

"Naglalaro? Bakit, nakatama ka pa? Para ka ngang posteng nakatayo doon," biro ko sa kanya kaya hinampas niya ako ng mahina. "Grabe siya oh. I'm just stating the obvious." Then she glared at me. "Okay fine. Natamaan ka ng bola tapos nilapitan kita at binuhat. I brought you here and here we are right now."

"Wow! You're my knight in shining armor!" sabi niya na akmang yayakap sa akin ngunit pinigilan ko. "Arte mo! Bibigyan lang kita ng reward. You're my savior! Gay savior!" Lalapit sana siya ulit ngunit pinigilan ko na naman ulit.

"I don't care on your reward! Hindi tayo talo 'te! Sarilinin mo na lang ang pabuya mo sana sakin. Iyong-iyo na," sabi ko kaya nagpout siya. Oh damn that sweet lips!

Nagulat ako sa aking sarili. What am I thinking? You're gay yet you're saying that this girl's lips was sweet? What the fuck? You need to fucking erase that thought.

__________________________

Lyra's

After pouting, I saw Theo's expression changed. Parang naguluhan siya sa sarili niya o kung saan mang bagay. Do I have that effect on him? Does that mean he still has his chance to change?

Then I thought of a better idea again. It's time for another operation. I smiled widely. I hoped this will work.

Nakita ko namang napailing siya. "Are you okay? Anong nangyari sayo? Sinapian ka na ata dyan. Ayos ka lang ba?" I asked then I touched his shoulder.

Agad naman niyang iwinaksi ang kamay ko sa balikat niya. "Ha? Wala. Wala naman. Ang mabuti pa ay mauna na ako. May aasikasuhin pa ako," paalam niya na akmang tatayo na siya ngunit agad kong hinawakan ang kamay niya.

"Why are you leaving so soon? Iiwan mo ko ditong mag-isa? Mukhang tayo lang ang nandito at nanunuod ata sila ng laro tapos iiwanan mo ko dito? Paano kung may mumu?" sabi ko.

"What? Mumu? You mean ghost? Seriously, Lyra? You're seventeen years old. Tapos naniniwala ka pa rin sa ganoon?" Tinawanan niya ako. "You're unbelivable! Oh shoot, I can't stop laughing!"

"Tumigil ka na nga!" I said but that didn't made him stop. "Sige! Tawa pa more!" Nang makakita ako ng pagkakataon ay lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

Napasinghap siya. "W-what are you doing?" kabadong tanong niya. Ramdam kong pigil na ang bawat paghinga niya.

I grinned. "This is my way of shutting you up. And its effective, you know." Then I smiled. "Now, do you still want to leave me? There's better things to do with me than the things outside." 

Agad siyang lumayo sa akin at dire-diretso sa pintuan para siguro umalis. "Shit! Fucking shit! Fuck that woman! Ugh! Puta! Puta lang talaga!"

I will not forget for my entire life what he said while leaving the clinic that made me laughed so hard. Nagbibiro lang naman ako pero talagang naapektuhan siya. That was really epic.  

___________________________________

Edited version of the story. Thank you for the support. At last, I've made an update to this chapter.

- Sairel

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon