Chapter 5

4.3K 79 2
                                    

Chapter 5

Lyra's

Pagkarating ko ng room sa university na pinapasukan ko ay agad akong dumiretso sa aking upuan at iniyuko ang ulo ko sa armchair. Hindi kasi maipinta ang mukha ko.

Agad naman akong nilapitan ni Mayel at tinapik sa balikat. "Ang ganda ng umaga pero yung mukha mo parang pinagsakluban ng langit at lupa. Ano bang nangyari sayo?"

"Tinanghali ako ng gising. Buti nga nakaabot pa ako sa oras ng klase natin. Hindi na nga ako kumain ng almusal. Tingnan mo nga itong buhok ko, ni hindi pa ako nakakasuklay ng maayos."

"Ayos lang yan. Maganda ka pa rin naman kahit haggard ka na!" Sabay tawa ni Mayel. Nang-asar pa talaga ang isang 'to.

"Pero teka, nasaan si Ma'am? Tsaka bakit late na nga ako, kokonti pa lang kayo rito?" tanong ko.

Kumunot ang noo ni Mayel. "Hindi mo ba natanggap ang group message ni Theo?"

"Ha? Anong group message?" Tiningnan ko ang gawi ni Theo na nakikipagkwentuhan sa mga kapwa niya beki.

"Nagpakalat ng message si Theo na wala si Ma'am Jonah Pacala ngayon. May meeting daw siya. So it means wala tayong first period ngayon," paliwanag ni Mayel na siyang ikinainis ko. "Tapos kaya lang ako pumasok ng maaga ay para mag-aral para sa next period."

Sinamaan ko ng tingin si Theo. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, nako, tinitigan ko pa sana si Theo ng matagal. Baklang yun! Di man lamang ako pinadaanan ng text! Bakit kasi siya pa ang naging presidente ng klase!

"Kainis! Hindi na nga ako magkaintindihan kanina sa pagmamadali tapos wala pa lang klase ngayon! 'Di sana tulog pa ako ngayon o kaya nakakain na ako ng almusal."

"Hayaan mo na. Bumawi ka na lang next time. There's always a room for revenge." Tumingin kami sa ni Mayel isa't-isa at sabay napangisi. Alam talaga namin ang takbo ng utak ng isa't-isa.

Tumunog na ang bell sa labas na hudyat ng pagtatapos ng pang-umagang klase. Lumabas kami ni Mayel para kumain ng lunch.

"Tara sa favorite spot natin. Doon na lang tayo kumain. Ayoko ng masyadong maingay. Gusto ko ng solemn," yaya ni Mayel.

"Wow. Solemn. Big word. Spell mo nga," biro ko naman sa kanya.

"Tahimik na lang. Solemn pa. Sino bang nagsabi ng solemn. Iharap mo nga nang makutusan." Napatawa ako ng sobra sa sinabi ni Mayel.

Nagpunta kami sa may tabi ng Student's Center. Tahimik naman dito kapag kokonti ang nasa Registrar at Cashier's Office.

"Hello guys!" Napatingin kami ni Mayel sa nagsalita.

Si Trixie. "Oh, ikaw pala. Trixie right?"

"Yes, and you're Lyra and Mayel right? The one that I encountered in the mall?" tanong niya samin.

"Tama, kami nga yon. Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"I'll be studying here. Nakita ko kasi kayo dito noong paglabas ko galing sa cashier. Kabatch ko ata kayo. Can you help me to catch up things here? Anong section niyo ba? 4-B ang akin." Kaklase pala siya ng mga kaibigan ni Theo at ni Bryce.

"4-A kami ni Mayel. Sure. We'll help you. Just count on us," sabi ko sa kanya.

"Nako. Thank you ha. Buti naman at may kakilala na ako dito." Napangiti na lang kami ni Mayel. Mukha naman siyang mabait.

"Look who's here. Aba at may bago ata kayong kasama. Sino siya?" Biglang dating ni Theo at ng mga alipores niya.

"Bakla! Ikaw talaga! Kung saan-san ka na lang sumusulpot! Ano bang kailangan mo?" sabi ni Mayel.

"Wala lang. Nakita lang namin kayo tapos ayun, gusto ko lang manggulo. Sino ba siya?" baling niya kay Trixie.

"I'm Trixie. Trixie Sandoval. 4-B ang section ko. I'm a newbie here. Pwede bang wag kang manggulo dito? Hindi bagay dito ang gay at pangit na tulad mo!"

Nagulat kaming lahat sa inasta ni Trixie. May pagka-bitch pala ang isang ito. Well, good for her. Nagawa niyang barahin si Theo.

"Mygod! Bago ka palang dito tapos ganyan ka na makaasta! Piliin mo ang kakalabanin mo. Hindi mo ako kilala. Balasubas ang bunganga mo babae. Kala mo ang ganda mo na. Tsk." Tiningnan ni Theo si Trixie from head to toe. "Maganda ka nga, pangit naman ang ugali mo. Let's go gays!" At umalis na ang grupo ni Theo. Grabe. Sa sobra bitchy ni Trixie, pinataob niya si Theo.

"Ay, can I get your numbers? Para naman ma-text ko kayo," sabi ni Trixie na nagbalik sa maamong mukha. Nag exchange numbers na kami. "Nga pala! May hinahanap ako dito sa school niyo. He's probably somewhere. Actually ka-batch lang natin siya. Do you guys know Br--"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang dahil sa bell. Better get going also kasi start na ng afternoon class namin.

"Sige, Trixie. May klase na kami ngayon. Di ka na namin maihahatid sa designated rooms mo but there are signages naman on where to find the places. Bye. Uuna na kami."

Matapos ang buong araw naming klase ay nag-ayos na kami ng gamit para umuwi. Habang naglalakad kami sa corridor palabas ng building ay napansin kong iba ang timpla ng mukha ni Mayel.

"Mayel, may problema ba?" tanong ko sa kanya.

Agad siyang napatingin sa akin. "H-ha? A-ah. W-wala," nauutal niyang sagot.

May pagdududa ko siyang tiningnan sa mata. "Mayel, I know you're lying. Alam kong hindi lang wala yang ekspresyong nakikita ko sayo."

"I-its nothing. W-wala lang talaga," sabi ni Mayel at muling napatingin sa gawing likuran ko.

Akmang lilingunin ko na ang tinitingnan ni Mayel, ay agad niya akong pinaharap sa kanya. Ano ba ang nakita niya? Multo? Boylet? Pangit?

"Ano ba, Mayel? What is it? What did you see?"

_____________________________________

Edited version of the chapter guys! Vote, comment and share!

Dedicated to my dearest sister!

- Sairel

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon