Chapter 11

4.1K 79 7
  • Dedicated kay MeLlamo Raymond
                                    

Chapter 11

Lyra's

Lumipas ang ilang araw na umiiwas ako kay Theo. Simula kasi ng sabihin sa akin ni Tito Alex ang pabor, hindi ko na alam kung paano ko pakikisamahan si Theo. Ang awkward lang sa pakiramdam.

Ilang araw na ring hindi nagpaparamdam si Bryce. Yung tipong nasa iisa kaming lugar pero ni hindi man lamang kami magkita at magkausap. Pero for sure, kasama na naman niya si Trixie. Mahirap man tanggapin, but I have to trust Bryce on this one.

"Lyra, tinatawag ka ni Sir Sicario. I-solve mo daw yung equation," bulong sa akin ni Mayel.

Tumayo agad ako at nagpunta sa unahan. Pagkatapos kong sagutan ay umupo na muli ako at pumangalumbaba.

"Eto na naman ba tayo, Lyra? Tulala ka na naman? Ilang araw na ang lumipas pero naguguluhan ka pa rin. Si Theo pa rin ba?"

Umiling ako. "Wala lang ito, Mayel. Don't worry too much. Napaisip lang ako. But it's not about Theo. It's about Bryce."

"Now this is about your boyfriend. Grabe na, Lyra. Ang dami mong problema. Buti at hindi ka pa nasisiraan ng bait." Kinurot ko siya ng mahina.

"Ang hard mo naman. Masiraan agad ng bait? Hindi naman malala yung problema ko kay Theo. Tsaka yung kay Trixie at Bryce naman, I told you, I trust him. Namimiss ko lang talaga si Bryce."

Matapos ang klase ay naglinis naman kami ng room. Agad namang ininguso sa akin ni Mayel na papalapit si Theo sa akin.

"Lyra, do we have a problem? I've noticed you've been avoiding me." I froze the moment I heard his voice. Medyo kakaiba ngayon. Manly yung dating.

Hinarap ko si Theo. "Ha? Theo? Wala naman. Tsaka bakit naman kita iiwasan?"

"I don't know." Nagkibit-balikat si Theo. "You know what, I missed you, sis! Hindi na kita nakaka-bonding!" Nalaglag ang panga ko, not literally nalaglag talaga. Kanina lang buo ang boses niya, ngayon naman pinatinis pa niya.

"Ikaw talaga bakla! Ang seryoso mo kanina. Akala namin napo-possessed ka na ng straight na lalaki dyan!" asar naman ni Mayel.

"Ofcourse not! Nagtaka lang talaga ako. Tara mamasyal, mga sis! My treat!" Tumaas ang isa kong kilay. Porket rich kid!

Nang nasa labas na kami ay hinarang kami ni Trixie na ngiting-ngiti kaming binati. Wala akong maibigay na reaksyon sa kanya samantalang si Mayel ay tipid ang ngiti at si Theo ay masama ang tingin kay Trixie.

"Hey! Gusto ko sana kayong imbitahin for meryenda. Treat ko since bago lang ako dito at bago ko kayong kaibigan. Gusto ko lang kayong makakwentuhan at makasama. Pwede ba kayo?" tanong ni Trixie.

Nagkatinginan kami ni Mayel. Bago pa ako makasagot ay nagsalita si Theo. "Am I invited on your meryenda?"

"Syempre hindi! Bakit naman kita isasali? You're not even my friend and I don't ever want to be your friend," mataray niyang sagot kay Theo.

"Well then, I'll go ahead, Lyra and Mayel. Hindi pala ako invited sa meryenda bonding niyo ng bruhang ito," bulong sa amin ni Theo pero agad ko siyang pinigilan.

"No. You'll stay," sabi ko.

"But—-"

Ngumiti ako kay Trixie. "Trixie, kaibigan ko na si Theo. At kung hindi kasama si Theo sa imbitasyon mo, might as well, not include us."

"What?!" Nagulat kami pare-pareho sa pagsigaw ni Trixie. "Okay! Fine! Sumama na siya for all I care." Pero agad ding umamo ang mukha. "Basta pumunta kayo ha. I'll just text you the place and time. So, see you later. Bye."

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon