Chapter 14
Lyra's
"I... Lyra.... Girlfriend ko..." Tumaas ang isa kong kilay sa narinig ko kay Bryce.
"Stop it, Bryce. I'm not your girl anymore so don't call me one. And can you go direct to your point? Our time's wasting here," sabi ko sabay tingin sa relo.
Hinawakan na naman ni Theo ang kamay ko at pinisil. Isa pang pisil ng isang 'to at idadamay ko siya sa katarayan ko.
"I-I'm sorry, Lyra. Namiss ko lang sigurong tawagin kang ganun." Nangingiti niyang sabi habang nagkakamot ng ulo.
Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. "Naisip mo sana ang bagay na iyan bago mo ginawang girlfriend si Trixie." Napawi ang ngiti sa labi niya. "Anyway, nangyari na, napagsabay mo na kami, niloko mo na ako at nasaktan mo na ako, wala na tayong magagawa."
"No. Meron pa. The least thing you can do is listen to my explanation," sabi niya ng seryoso.
"That's why we're here. Makikinig nga ako pero ikaw 'tong ayaw pang mag-explain. Sasabihin mo ba talaga o aalis na kami dito?" mataray kong tanong na sinundan ng pag-ubo ni Theo.
Tiningnan namin si Theo. "Bryce, pwede bang kausapin ko muna ang babaeng ito? Saglit lang kami." Tumango naman si Bryce kaya agad akong hinatak ni Theo papuntang labas.
"Aray naman, Theo! Ano bang problema mo?" inis kong sambit saka hinila ang kamay ko mula sa kanya.
"You are my problem. What is wrong with you?" pabalik niyang tanong sa akin. "You're being a bitch. Akala ko ba gusto mo siyang makausap? Bakit tayo aalis kung gusto mong malaman ang eksplanasyon niya?"
Nainis akong bigla sa sinabi niya. "Bitch? Ako? Wag mo akong itutulad sa Trixie na yon! At oo, gusto ko nga siyang makausap. Pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ko na siya sisisihin at kagagalitan. Sinaktan niya ako, Theo, baka nakakalimutan mo. Kaya kung ganoon man ang trato ko sa kanya ngayon, iyon ay dahil nasaktan ako." Pigil ang luha ko sa pagpatak. Hindi sa ganitong paraan muli akong iiyak.
He sighed. "I understand you, Lyra. Oo, dapat ka ngang magalit sa kanya pero hayaan mo naman siyang magpaliwanag ng ayos. Kada salita niya, may pambara kang naka-abang. Paano kayo magkakaintindihan kung babarahin mo siya tapos siya naman babanat ulit sayo?"
Naiintindihan ko na ang sinasabi ni Theo. Tama siya. Hindi kami magkakaintindihan kung papairalin ko ang galit ko.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Alright. I'll be calm." At saka kami bumalik sa table namin kanina.
"Sorry to keep you waiting," ani Theo at nag-aalalang napatingin naman sa akin si Bryce. "Don't worry, Bryce. She's now harmless," sabi niya at tumawa.
Sinamaan ko naman siya ng tingin at saka siya tumigil sa pagtawa. Bumaling naman ako kay Bryce. "Bryce, please, explain me your reason. Yung totoong rason mo kung bakit mo nagawa yun."
Huminga siya ng malalim. "Ang totoo kasi niyan, magkababata kami, close na kami dati pa kaso umal--"
"I've known that part already. Umalis siya tapos ngayong nagbalik siya ay sinusulit niyong dalawa yung mga panahong hindi kayo nagkasama. Tama, hindi ba?" Tumango-tango naman si Bryce. "So, nasaan yung part na girlfriend mo siya ngayon? Tsaka yung fiancee part?"
"The truth is.... We're not just friends, we're a couple back then. And... Before she left, we never had our closure. Wala ring contact kasi mga bata pa kami noon, wala kaming alam sa mga long distance na ganyan. Kaya inisip ko na lang dati, wala na talaga, at bata pa naman kami. Marami pa kaming pagdaanan at makikilala. That's when I met you." Sabay tingin niya sa akin ng malalim.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
General FictionNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...