Chapter 27
Lyra's
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kaya napagpasyahan kong sundan si Theo. Tumayo ako na ikinagulat ni Mayel pati na rin ni Luis. "I'm sorry. Usap na lang tayo mamaya, Mayel. Luis, sorry sa inasal ni Theo. Thanks for the company. Susundan ko lang si Theo," sabi ko saka umalis.
Hinanap ko siya sa kalsada ngunit ni anino niya ay hindi ko makita. May problema ba siya at ganoon na lang ang reaksyon niya? Saan naman kaya siya pupunta? Tapos bigla kong naalala, may tracker nga pala ang phone niya.
Kinuha ko ang phone ko at ginamit ang GPS para malaman kung nasaan si Theo. Nang makita ko ang location niya ay agad ko siyang pinuntahan. Two blocks away from here so it's not that difficult.
"Anong ginagawa mo dito, Lyra?" tanong niya na agad nagpatigil sa akin para lapitan siya.
Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa kung paano niya nalaman na nandito ako gayung nakatalikod siya sa akin. Nakaupo siya sa isa sa mga swing sa park. Nagtataka rin ako kung bakit dito niya naisipang pumunta.
"A-ano kasi... B-bigla ka na lang umalis. Nag-alala ako sayo kaya hinanap kita," paliwanag ko saka lumapit ako at naupo sa katabing swing.
"This is the place where I first met her." Napalingon ako sa kanya.
"Ha?"
Ngumiti siya pero agad ding napawi iyon. "Minsan, napapaisip ako kung nasaan na kaya siya at kung kamusta na siya. Kung napatawad na ba niya ako." Muli siyang ngumiti ngunit may halong lungkot iyon.
Naintindihan ko na kung anong pinanggagalingan ng sinabi ni Theo. It's all about her. His past love and his first heartbreak. Ang rason kung bakit nasa ikatlong kasarian si Theo ngayon. Siguro ay nagpupunta siya dito para alalahanin ang naging sandali nila noong mga bata pa sila. May kung anong sumakit sa dibdib ko sa di ko malamang dahilan.
"M-mahal mo pa ba siya? H-hindi mo pa ba siya nakakalimutan?" Hindi ko rin alam kung bakit ang mga tanong na ito ang lumabas sa aking bibig.
Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Kahit dumaan pa ang matagal na panahon, hindi na siya mawawala sa isip at sa puso ko," aniya at hinawakan ang kamay ko.
Isang kirot na naman ang naramdaman ko sa sinabi niya. Gayunpaman ay nagawa ko pa rin siyang suklian ng ngiti at mariing hawakan rin ang kamay niya.
Inaya ako ni Theo na bumili ng pagkain matapos ang pag-uusap namin. Dinala niya ako sa isang parte ng park kung saan may mga pambatang pagkain. Napatawa ako nang bumili siya ng hotdog sandwich at sorbetes.
"What?" nagtataka niyang tanong sa akin sabay bigay sa akin ng hotdog sandwich. Lalo akong napatawa nang sa kanya pala ang sorbetes na bili niya.
"Dirty ice cream? Para kang bata." Tinaasan niya ako ng isang kilay.
"What's wrong with that? Bata lang ba ang pwedeng kumain ng sorbetes?" Bahagya akong tumigil sa pagtawa at kinurot ang ilong niya. "Oh gosh! Not my nose! Bagong pagawa 'yan!"
Nanlaki ang mata ko. "Seryoso ka?" Then it's his turn to laugh.
"Sira. Joke lang. Walang dapat ipagawa sa akin. Itong utak ko at itong mukhang ito," sabi niya na proud pang itinuro ang mukha niya. "Plus this hot body. Well... I'm the definition of a perfect man." Ako naman ang nagtaas ng kilay. "Ano? Huwag mong sabihing hindi ka naniniwala?"
"Maniniwala na sana ako, kaso mahangin ka rin. Kaya wag na lang," mapang-asar kong sabi saka ngumiti ng nakakaloko.
"Ah, ganyan na tayo ngayon ha. Huwag kang magpapahuli sa akin. Makikita mo. Hinding-hindi kita papakawalan pa," aniya at saka ako tumakbo palayo sa kanya. Buti na lang at naubos ko na ang pagkain ko.
Naghabulan lang kami at nagtawanan sa park. Wala na kaming pakealam sa ibang tao na nandoon. Para kaming may sariling mundo habang nag-aasaran at naghahabulan.
Nagtatago ako sa may puno nang may biglang pumulupot na mga bisig sa aking baywang mula sa likod ko. "Huli ka!" Nagulat ako nang makilala ang boses niya. "I told you to not get caught because I'll never let you go," bulong niya sa bandang tainga ko na naghatid ng ilang libong boltahe ng kuryente sa katawan ko.
Agad akong lumingon sa kanya kahit na may iba akong naramdaman sa sinabi niya. Napatingin din siya sa akin at siguro ay nagulat din siya sa kanyang sinabi. Lumalim ang pagkatitig niya sa aking mata at nahuli ko siyang nilipat ang tingin sa aking labi.
Pero agad din kaming nagbalik sa huwisyo at lumayo sa isa't-isa. Binalot kami ng matinding katahimikan. Ingay ng mga nasa paligid lang ang naririnig dahil ni isa sa amin ay walang magsalita. Narinig ko na lang ilang sandali na tumikhim si Theo kaya tumingin ako sa kanya.
"I-i'm sorry. It's not my intention t---"
"No, it's okay. Wala lang yun. Nadala lang tayo sa kasiyahan natin," sabi ko at agad napatingin sa akin si Theo. "I...I don't mind what happened a while ago. Actually, it's nice being with you. We're just having fun and being happy," sabi ko at saka nginitian siya.
Inabot na kami ng gabi kaya nag-aya nang umuwi si Theo. Dala naman pala ni Theo ang sasakyan niya at nag byahe lang ako kanina, inalok na din niya akong ihahatid sa amin na hindi ko naman tinanggihan.
Habang nasa byahe ay binuksan ni Theo ang stereo ng sasakyan niya. Napangisi ako nang marinig ko ang nakasalang niyang kanta.
"Tang'na! Girlfriend? Oh gosh, I can't believe this!" amazed kong sabi na sinundan ng malalakas na tawa.
"Ano naman? Ang ganda kaya!" Natatawa rin niyang sambit na sinasabayan pa ng sayaw ang kanta.
"Hey, hey! You, you! I don't like your girlfriend!" pagkanta ko na sumasayaw na rin sa tugtog.
"No way, no way! I think you need a new one!"
Tawa kami nang tawa ni Theo habang sumasabay sa bawat lyrics ng kanta at hindi namin namalayan na may sumalubong sa aming isang malaking truck.
"T-theo!"
Agad naiiwas ni Theo ang sasakyan namin mula sa truck ngunit nakita kong babangga naman kami sa isang puno. At ang sumunod na pangyayari ay naging madilim na para sa akin.
____________________________________
Edited and revised chapter guys! And the rest of the chapters will still be on revision.
But still, support the story by voting, reading and promoting. Do follow the author if the feedbacks of this story are positive.
- Sairel

BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
General FictionNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...