Chapter 23
Lyra's
"Lyra... Kailangan kita ngayon... Please, puntahan mo ko." Pagkarinig ko ng hikbi sa kabilang linya ay agad kong tinungo kung nasaan man siya.
Nang makarating ako ay agad ko siyang dinaluhan. "What happened? Is it about your family? Love?" Umiiyak pa rin siya. "Mygod! Just tell me!"
Hinaplos ko naman ang kanyang buhok saka pinatahan. "Si Tyrone.." sabi niya at nagpatuloy sa pag-iyak.
"Anong ginawa niya? Sinaktan ka ba niya? Makakatikim talaga sa akin ang isang 'yon!" galit na wika ko. "Ano ba kasing nangyari, Mayel?"
Ikinuwento niya sa akin ang bawat detalye. Umiinit ang ulo ko habang pinapakinggan si Mayel na nagkukwento at umiiyak. Ako man ay nasasaktan para sa kaibigan ko. Makita ko lang talaga ang lalaking yun ay sasampalin ko ng kaliwa't kanan.
Napatingin naman kaming dalawa ni Mayel sa pagbukas ng pinto at iniluwa noon ang lalaking ilang araw ko ng iniiwasan. "Mayel," saad niya pero ang mata niya ay g nasa akin at nakipagtitigan. Binawi ko rin agad ang tingin ko dahil nakakaramdam ako ng pagkailang. "Lyra." Bahagya akong na-tense sa pagbanggit niya ng pangalan ko.
"Theo... Si Tyrone... Hiwalay na kami," balita ni Mayel sa kanya. Nilapitan ni Theo si Mayel saka inalo.
"Don't cry over that guy, Mayel. Siya ang bumitiw at siya ang mawawalan. Move on and love yourself first. That would really help you move forward."
Nang tingnan ko si Theo ay sa akin pa rin siya nakatingin. Hindi ba ako tatantanan ng lalaking ito? Kulang na lang matunaw ako sa titig na ibinibigay niya sa akin. Pagkaraan ng ilang minuto ay nahimasmasan na si Mayel.
"Teka nga pala, maghahanda ako ng pagkain natin. Dito lang kayong dalawa ha," paalam naman ni Mayel.
"Samahan na kita, Mayel," sabi ko ngunit pinigilan niya ako. Hindi pwedeng maiwan kaming dalawa ni Theo dito. Hindi pwede.
"Stay here, Lyra. Bisita ko kayo ni Theo. Maupo lang kayo dyan," utos ni Mayel sa akin saka lumabas ng kwarto.
Parang may dumaang anghel sa loob ng kwarto ni Mayel dahil sa katahimikan namin. It was like a library for it's quietness. Nakayuko naman ang ulo ko kaya hindi ko makita kung anong ginagawa niya. Hindi ko talaga kayang maiwan kaming dalawa dito lalo pa't may naaalala ko. I sighed of that thought.
Tumikhim naman si Theo kaya nagtaas ako ng tingin sa kanya. Nagkatitigan na naman kaming dalawa. I know I should look away but there's this magnet in his eyes that I can't get enough off.
Tinapangan ko ang mukha ko at tinaasan siya ng kilay. "Problema mo?"
He raised an eyebrow too. "You." Kumunot ang aking noo. "You are my problem."
"Anong ginawa ko?" I innocently asked.
Tinitigan niya ako. "Yung nangyari sa kwarto noong nakaraan. Noong oras na tinuturuan mo ako para sa nalalapit ko noong quiz bee. Natatandaan mo pa ba iyon?"
Bahagya akong natigilan nang ungkatin ni Theo ang nangyari dati pero nanatili pa rin akong patay-malisya. "Hm? Anong meron doon? Meron ba? Wala naman ah." Nakita kong dumilim ang mukha niya sa naging sagot ko sa kanya.
"Tinatanong mo ako kung anong meron? Puta naman! Ano sa tingin mo?" Tumalim ang titig niya sa akin. Kung nakakamatay lang ang titig niya, panigurado, pinaglalamayan na ako ng pamilya ko. "And why did you do that? What the hell are thinking? Tingnan mo ang nangyari, we accidentally kissed! For Pete's sake!"
Ngumisi ako. "Bakit ba napakabig-deal sayo ng pangyayaring iyon? I was just teasing you. Alam mo, ang over-acting mo. You're so mad with that petty thing. We just kissed, Theo, as if naman wala ka pa--- wait a minute..."
"Kung ano man ang nasa isip mo, alisin mo na. Hindi mo magugustuhan ang susunod kong gagawin," banta niya pero hindi ako nagpatinag. I grinned.
"I am your first kiss, am I right, Theo? Was that your first? Did I devirginize your lips?" Hindi ko rin alam kung anong lumalabas sa bibig ko.
And the next thing I knew, Theo is on top of me and my back is resting on the sheets of Mayel's bed. "Told you not to mess with me." I gasped. I can nearly smell his mentholated breath. Napakalapit ng mukha niya sa akin. Halos isang galaw na lang ng mukha niya ay mahahalikan na niya ako.
Then I gulped at that thought. "Ano ba, Theo. Umalis ka nga. I was just teasing you. Don't get too serious with that." Itinutulak ko siya paalis sa akin pero mas malaki siya kaya para lang akong nagtutulak ng pader.
"I am teasing you too. Right now. And I kind of loving it," bulong niya sa tainga ko na sobrang naghatid sa akin ng bolta-boltaheng kiliti. "T-theo.." I froze. Pati na rin si Theo ay nanigas sa kinatatayuan niya. Did I just moan? It should be a protest but it turned out to be a moan.
Humarap si Theo sa akin. Malapit pa rin ang mukha namin sa isa't-isa. Napatingin na naman ako sa kanyang labi at di sinasadyang napakagat ng labi. Nakita ko namang gumalaw ang kanyang adam's apple. Naramdaman ko ring lumalapit ang mukha niya sa akin. Ito na ba yung part two ng kissing scene namin?
"Theo? Lyra?" Agad kaming naghiwalay ni Theo at naupo ng maayos sa kama pagkatapos marinig ang boses ni Mayel. Nag-angat ako ng tingin kay Mayel na nakangiti. "Nakapaghanda na ako ng pagkain. Bumaba na tayo at bawal ditong magkainan--este kumain. Lalo na sa kama," aniya sabay ngisi sa akin.
Bumaba na kaming tatlo at ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Hindi ko nga alam kung may nakita ba si Mayel o wala. Kung meron man, kahit kaibigan ko pa siya, ay mahihiya ako. "Mayel.." tawag ko.
"Hm?" Nakarating kami ng kusina nina Mayel at may nakahanda na ngang meryenda. "Maupo na kayo dyan at kukunin ko lang yung tinimpla kong juice," paalam ni Mayel at iniwan kami.
Wala pa rin ni isang nagsasalita sa amin at kahit ang pagsulyap ay hindi namin magawa. Narinig ko ang pagtikhim ni Theo kaya napatingin ako sa kanya. "I'll just go to the comfort room," sabi niya at agad na tumayo at umalis.
Nang bumalik si Mayel ay nagtaka siya. "Nasaan si, Theo? Bakit naiwan ka dito? Wag mong sabihing di mo siya pinayagang halikan ka kaya umalis na lang?" My eyes widened. So she saw us on that position and on that act. "O baka naman nabitin?"
"Mayel!" saway ko sa kanya. "Did you really saw us a while ago?"
"The truth is, I really saw you two on the act. Pero hindi naman natuloy diba? I barged in that's why the kiss didn't happen," she said then grinned. "Or it happened while I was getting the juice?"
"Shut up, Marielle Ondrea! Hindi nangyari at hindi na ulit mangyayari. He's just in the comfort room," I said then sighed.
"Oh, anong meron sa malalim mong paghinga? Do you have a problem?" tanong niya at tumango ako. "About what? Bryce? Theo?"
"It's not really a problem. Si Theo kasi.." Kumumpas siya ng kamay na nagsasabing magtuloy ako. "Okay. Gumawa ako ng operation noong nakaraan when we had our tutorial session before the quiz bee..." Then I told her the story. "... and then we accidentally kissed."
"Then? Anong big deal doon? Halos lahat naman ginagawa na yun. What's the point of having a problem with that?"
"Yun nga, Mayel. Yung nakita mo kanina, binabawian ako ni Theo. Because I am Theo's first kiss."
Napataas ang kilay niya sa sinabi ko. "You're what?"
"Fortunately, I am Theo's first kiss. I am the queen gay's first kiss."
______________________________________
Edited chapter of the story. Good to be back after how many months.
Thank you for the reads, votes and comments guys!
- Sairel
BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
General FictionNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...