Chapter 21
Lyra's
"On the first page of our story
The future seemed so bright
Then this thing turned out so evil
I don't know why I'm still surprised."
Nagsimula na akong kumanta at lahat ng mga kaklase namin ay naghiyawan at nagpalakpakan. Pero wala sa kanila ang paningin ko, kundi nasa lalaking kaharap ko ngayon. Matiim ko siyang tinitingnan habang kumakanta. At sa wakas ay lumingon siya sa gawi ko. Sandali akong napangisi dahil natigilan siya.
"Even angels have their wicked schemes
And you take that to new extremes
But you'll always be my hero
Even though you've lost your mind."
Ngumiti ako kay Theo at kumindat saka humarap sa mga kaklase namin. Halos sila naman ay puro pang-aasar at kantyaw ang ginawa sa amin. Natatawa din ako sa itsura ni Theo. Halos pagtulakan na ng mga kaklase namin.
Nagulat ako dahil agad tumayo si Theo at kinuha ang isa pang mic. "Seryoso? Kakanta siya?" bulong ko.
Lumapit sa aking tabi si Theo at ngumiti. Kulang na lang kumawala ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Sino ba talaga sa amin ang nang-aakit? Ako ba o siya?
"Just gonna stand there and watch me burn
But that's all right because I like the way it hurts
Just gonna stand there and hear me cry
But that's all right because I love the way you lie.." sabay naming pagkanta ni Theo habang nakatingin sa isa't-isa.
"I love the way you lie.." kanta ko sabay bawi ng tingin kay Theo.
"Oh, I love the way you lie," dugtong naman ni Theo saka nagpalakpakan ang aming mga kaklase.
Matapos ang kanta ay sumunod naman ang isa pa sa aming kaklase. Naupo naman ako sa tabi at kumain na lamang. Hindi ko alam kung bakit ako ang nahiya sa ginawa namin. Ako yung nagplano nito pero ako ang unang tumiklop.
Sinilip ko si Theo na katapat ng upuan ko at agad ko ring binawi ang tingin ko nang nilingon niya rin ako. Ang bilis na namula ang mukha ko dahil sa pagkahiya. Nakita niya kayang tinitingnan ko siya? I hope not.
"Tara na guys umuwi! Gabi na at baka pagalitan tayo ng guardians natin. Ingat sa pag-uwi ang lahat," sabi ni Jhing na aming kaklase pagkatapos ng kwentuhan at kantahan namin.
Nagsimula ng mag-uwian ang aming mga kaklase at iilan na lang kaming natira. Nag-aayos ako ng aking sarili nang lumapit si Theo.
"Hey."
Tiningnan ko siya. "Hi. Bakit?"
"Patapos ka na ba?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Oo, patapos na. Bakit?"
"Ihahatid na kita. Gabi na rin, baka mapano ka pa." Napataas ang isa kong kilay. "I mean, susunduin ka ba?"
"Nope. Hindi ako susunduin. Magbabyahe lang ako. But it's okay. I can manage," sabi ko.
"No it's not okay. It's dangerous in the streets right now. Hindi kaya ng konsensya ko kapag napahamak ka. Kaya halika na. I'll take you home. And I really insist."
Bumuntong-hininga ako. "Alright. Fine. You'll drive or someone's gonna pick you up?" Ipinakita niya sa akin ang kanyang susi. "You have a license already?"

BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
General FictionNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...