Chapter 7

4K 71 5
                                    

Chapter 7

Lyra's

Lumipas ang araw na lagi kaming magkasama ni Theo. Halos lahat ng makakakita sa amin sa university ay nagtataka at nagbubulung-bulungan. Biruin mo nga naman, daig pa ang aso't pusa kung kami ay mag-away dati ni Theo tapos makikita nila kaming dalawa na magkasama? Di ba ang weird lang?

Si Mayel naman, bihira naming makasama dahil busy kay Tyrone. At tuwang-tuwa din siya noong malaman naming nasa iisang university pala silang dalawa ni Tyrone. Destiny daw yun, sabi niya.

Ilang araw na rin kaming hindi nakakapag-usap ni Bryce. Hindi ko alam kung umiiwas siya sa akin o talagang may ginagawa siya. Kung umiiwas naman siya, anong dahilan niya?

"Anong nangyayari sa mundo ngayon at magkasama kayong dalawa? End of the world na ba?" tanong sa amin ng isa naming kaklase.

Ngumiti ako sa kanya. "Nag-iba lang ang ihip ng hangin."

"Uh-huh. We're sisters na! As in closest ever!" sabi naman ni Theo na nagpatawa sa akin.

Nagtatawanan pa rin kami Theo hanggang sa makarating kami sa canteen. Biglang nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kong palabas ng canteen si Bryce kasama si Trixie na nagtatawanan. Ito ba ang busy? Baka busy sa pakikipagclose kay Trixie. 

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Ano ba talagang meron at ang close nilang dalawa? Kahit ang ilang tao rito sa canteen ay napapatingin sa kanila at nagtataka. Iniisip siguro nila kung bakit nga naman sila ang magkasama at hindi kaming dalawa. Tsaka, hindi pa sila matagal na magkakilala pero ganito na sila kalapit sa isa't-isa.

"Bakla, mauna ka na sa pag-order. I-order mo na din ako. Mag banyo lang ako. Ito yung bayad ko. Sige, mauna na muna ako. Babalik ako."

"Okay, sis. Bumalik ka agad." Lumabas na ako at sinundan ang direksyon nina Bryce.

Buti na lang at naabutan ko sila. Nasa corridor sila sa may tapat ng kanilang room. Katabi niya si Trixie at nilalaro-laro naman ni Trixie ang kamay ni Bryce. Sila ba ang magboyfriend o kami ni Bryce?

Kung noong una ay pinalampas ko ang paglapit-lapit ni Trixie kay Bryce, ngayon ay hindi na. Ang akala ko sa ipinapakita ni Trixie ay gusto lang niyang makipagkilala kay Bryce pero sa inaakto niya ngayon, mukhang mali ang akala ko.

Susubukan kong tawagan si Bryce ngayon mismo at aalamin kung magsisinungaling siya sa akin o hindi.

"Hello?" Si Bryce.

"Hi, boyfriend!" bati ko sa kanya. Pinilit kong pasayahin ang boses ko kahit ang totoo ay galit na ako. "Nasaan ka ngayon? Pwede ba tayong magkita?"

"H-ha? N-nasa practice ako ngayon sa gym. P-puspusan ang practice kaya b-bawal magpaistorbo si coach. Pero sa dismissal na lang tayo magkita. S-sige. Bye."

"Sige. I lov—-" Ibinaba na niya yung phone niya.

Practice?! Ang layo naman ng corridor at canteen sa practice sa gym! Bawal magpaistorbo? At dinamay pa ang coach niya sa kalokohan niya! Nagngingitngit na talaga ako sa galit pero hindi ko muna sila susugurin. Kailangan kong magtimpi.

Bumalik ako ng canteen. Padabog akong umupo na ikinagulat ni Theo. Nagtataka ang mukha niya dahil sa ekspresyon ng mukha ko ngayon.

"Sis, parang ang tagal mo naman ata? Eto ang food mo tsaka yung sukli mo." Inabot sa akin ang pera ko at pagkain. Sabay subo ko na din. "Tsaka jusko! Bigla-bigla ka na lang dyang nagdadabog. Nagulat ako sayo! Pak na pak ang pagkakahintakutan ko. Halos madeds ako. Uh. I need air, water, land, oil, energy!"

"Wala yun bakla. May nakita lang akong di kaaya-aya sa paningin. Mga basura kung ba ga," sabi ko kay Theo.

"Nako, pag ganyang bagay ay dapat dinidispatya, sis! Bawal i-recycle ang mga basurang sinasabi mo! Apir tayo!"

Pagkatapos ng klase namin ay inayos ko na ang mga gamit ko. Kailangan ko pang hintayin si Bryce at nang magkausap ng masinsinan.

"Lyra! Sorry kung di kita nakakasama ngayong araw ha, si Tyrone kasi." Lumapit sa akin si Mayel.

"It's alright. I understand. Naiintindihan kong may lovelife ka na." Ngisi ko sa kanya. "Oh siya, andyan na si Tyrone sa may pinto. Wag mo ng pag-intayin. Tsaka bigyan mo lagi ng helmet! Baka mauntog!" asar ko sabay tawa kay Mayel na papalabas na kasama si Tyrone.

"Sis! Sasabay ka ba sa pag-uwi?" tanong ni Theo.

"Hindi muna, bakla. I have something to fix. Sige mauna ka na. Ingat. Bye." Nagbeso na kami ni Theo saka siya umalis.

Matapos kong mag-ayos ay tinext ko na lang si Bryce na magkita na lang kami. Ibinigay ko na lang sa kanya kung saan at anong oras. Dun ko na lang siya iintayin.

Dumating ako sa lugar na paghihintayan ko at sakto namang uupo pa lang ako ay siyang dating naman ni Bryce. Pinagmasdan ko ang features ng aking boyfriend.

Isa talaga sa nagustuhan ko kay Bryce ay ang malalim niyang mga mata. Pati na rin ang dimples niyang kapag ngumiti ay kitang-kita. Ito rin ba ang nagustuhan ni Trixie sa kanya kaya ganoon na lamang ang paglapit niya kay Bryce? Nalungkot ako sa isipin iyon.

"Girlfriend, hello. Sorry kung nauna ka na." Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya umupo. "Bakit mo nga pala naisipang magkita tayo rito?" nagtatakang tanong ni Bryce.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Bryce, tell me, are you really busy? Ano talaga ang pinagkakaabalahan mo?"

"Madami. Practice tapos pag-aaral tsaka s—"

"Practice? Pag-aaral? Bryce, wala tayong exams ngayon kaya wag mong sabihing maraming kailangang gawin sa pag-aaral. Practice? Oo. Naniniwala akong may mga practice kayo pero sa mga oras na sinasabi mong meron, bakit nasa klase namin ang karamihan sa teammates mo? Ikaw lang ba ang nagpapractice sa ganoong oras?" Umiwas siya ng tingin sa akin. "You've been so cold to me lately. Tapos hindi pa tayo nag-uusap at nagkikita. Dinaig pa natin ang nasa long distance relationship. Ano bang problema, Bryce?"

"Nothing, Lyra. It's just that... I have other appointments. I have other things to do."

"Bryce, bakit hindi mo sabihin sa akin ang mga iyon? I have the right to know. I'm your girlfriend." Bigla ko namang naalala si Trixie. "You've met Trixie, right?" Agad niya akong tiningnan.

"Lyra, a-ano.. Oo. Kilala ko siya. Paano mo siya nakilala?"

"We've met her a few weeks ago sa mall then exchange of numbers at alam ko din na kaklase mo siya. Actually, before siya pumasok sa classroom niyo noong first day niya, nakita niya kami. Nag-usap at sinabi niya na sa klase niyo siya."

"May nasabi ba siya sayo?" tanong ni Bryce na nagpakunot ng noo ko.

"Ano bang sinasabi mo? May dapat ba siyang sabihin sa akin?"

"Ha? Ah. Wala."

I cleared my throat. "At nakita ko kayo sa may corridor kanina. She's playing with your freaking hands at hindi mo man lang siya sinasaway. Kitang-kita din namin ni Mayel, ilang linggo na ang nagdaan, kung gaano kayo kalapit ni Trixie sa isa't-isa. Ako ang girlfriend pero kung umasta siya, parang siya yung girlfriend." Kita kong pinagpapawisan na si Bryce kahit ang lakas ng aircon sa lugar. "Bakit ang lapit niyo sa isa't-isa? Anong meron sa inyong dalawa ni Trixie?"

____________________________________

Edited version of the chapter! Thank you for supporting the story.

Vote, comment and share!

- Sairel

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon