Chapter 17

3.8K 75 4
  • Dedicated kay Johnym Cadorna Catapia
                                    

Chapter 17

Lyra's

Nakarating kami sa venue ng Senior Ball namin. It's like a fairytale-like ball mixed with a masquerade-type.

Napatingin ako sa may pintuan at nakita kong marami ng tao ang nasa loob. Ano kaya ang magiging reaksyon ng ilan kapag nakita nila ang ayos ngayon ni Theo? Napangisi ako sa isiping iyon.

Lumapit kami sa table sa labas para pumirma at mabigyan ng mask. Mukhang nagulat naman si Ma'am Jonah at Sir Sicario nang makita si Theo. Pinalapit din nila ang ilang instructors namin.

"Mr. Verano?" nagtatakang tanong ni Sir Sicario.

Hinarap naman ni Theo si Sir. "Yes, Sir?"

"Ikaw ba talaga yan, Mr. Verano?" paninigurado ni Ma'am Jonah. "Ms. Valderrama, si Theo ba itong kasama mo?"

Tumango at ngumiti ako sa kanila. "Opo. Si Theo po itong kasama ko. The guy version of Theo."

"Ang gwapo mo palang bata, Mr. Verano. Bakit ngayon ka lang naging ganito? Dapat ay magpakalalaki ka na talaga," sabi naman ni Ma'am Ariesa.

Tipid na ngiti naman ang sagot ni Theo. "Hay nako, eto ang mask ninyo. Gagamitin niyo ito para sa main event mamayang midnight. Enjoy the night," sabi ni Ma'am Cher at ibinigay na ang mask.

Nagpasalamat naman kami sa kanila at nagtungo na papasok ng pinto. Huminga ako ng malalim dahil medyo kabado ako sa pagpasok namin. Baka magmukhang grand entrance kapag kami ay pumasok. Halos lahat kasi ay nasa loob na. Iilan na lang ang nandito sa labas.

"Hey, are you nervous?" pansin sa akin ni Theo. Nahalata na rin siguro niya na medyo kinakabahan ako. Tumawa siya ng marahan. "Don't be. Nakakawala ng ganda kapag kinakabahan. You're the most gorgeous lady in this event, sunshine."

Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Sunshine mo mukha mo," I said then stuck my tongue out.

"Panira ka ng moment. Halika na nga," aniya sabay lahad ng bisig niya. Dahan-dahan naman akong umabrisete sa kanya at tumuloy na sa pagpasok.

"Ms. Lyra Dominique Valderrama together with his date, Mr. Theo Alexis Verano," rinig kong pakilala sa amin ng emcee. Kada papasok kasi ay binabanggit ang pangalan. Mas lalo tuloy nakakaconscious.

Pagkarinig pa lamang ng pangalan namin ay agad nagtinginan ang mga tao at pinanuod ang aming pagpasok kahit hanggang sa makaupo kami sa table ng ilang kaibigan namin. Shock and amusement was written all over their faces. I don't know whether those were for me or for  Theo or maybe because of both of us.

"Is that really Theo? The president of the SSC? Grabe! He's hot!"

"Hindi na ba siya bakla? Grabeng transformation naman yan!"

"Ohgosh, girls! Theo is freaking handsome! Ang swerte naman ni Lyra at date niya si Theo."

"Girls and gays! Gawa tayong Theo fansclub!" Napangiti naman ako nang marinig ang ilang komentong naririnig ko mula sa madla.

"Bagay sila! They looked like a couple!"

"Pero bakit sila ang magkasama? Tsaka si Bryce, ibang babae na ang kasama. Break na ba sila?"

"Oo nga. May third party ba or fall out of love lang? Sayang naman kung ganoon."

"Ano ka ba. Mas masaya nga silang tingnan!"

Biglang nawala ang ngiti ko sa ilang narinig ko. Hindi nga pala nila alam na wala na kami ni Bryce. Pero ang mas nakakalungkot doon, kung kami pa sana ni Bryce, kami na panigurado ang magkapartner. Kaso hindi, wala na. May iba na siyang kapareha.

Napatingin naman ako kay Theo nang hinawakan niya ang kamay ko. "Huwag mo na lang pansinin ang mga naririnig mong negatibo. Smile, Lyra. We're here to be happy and to have fun."

Ngumiti siya sa akin na sinuklian ko naman ng ngiti. "Thanks, Theo."

"All for you, sunshine."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sunshine na naman?"

"What's the problem with that? Hayaan mo na lang. Na kahit sa gabing ito ay ituring mo akong partner mong lalaki at ikaw naman ay prinsesa ko." I sighed on what he said.

"Alright. Let's try doing that."

The program proper of the event already started where everyone participated. Sumayaw naman ang mga piling estudyante para sa cotillion at bahagyang nagulat kami nang kasali pala si Mayel at Tyrone sa cotillion. Nang matapos naman ang mga cotillioners ay nagbihis na muli sila. Natapos na din naman ang program pagkaraan ng ilan pang pakulo nila. Dumako na din kami sa ikalawang bahagi ng event namin—- Ang walang sawang banda at sayawan.

"Lyra! Finally nagkita rin tayo dito!" Sulpot naman nina Mayel na parehas ng nakabihis ulit.

"Uy! Nakita ko kayong sumayaw! Hindi mo sinabi sa akin. Kasali pala kayong dalawa sa cotillioners," sabi ko kay Mayel at ngumiti naman ako kay Tyrone.

"Teka nga." Sinipat ni Mayel si Theo. "Si Theo ba 'to, Lyra? Theo, ikaw na ba yan? Anyare sayo? Bakit ang gandang lalaki mo naman ata?"

Hinampas ko ng mahina si Mayel. "Sira! Si Theo talaga ito. Mata at ilong pa lang ni Theo, alam mo na dapat na siya yan."

Nagkibit-balikat si Mayel. "Lyra, hindi ko nga alam yung features ni Theo pero ikaw alam na alam mo." Biglang nanliit ang mata niya. "Tapatin mo nga ako, pinagmamasdan mo ba si Theo?"

Napaubo naman si Theo na agad ko namang binigyan ng tubig. "Uy, concern talaga," sita ni Mayel.

"Ewan ko sayo, Mayel. Baliw ka talaga. Kung ano-ano naiisip at napapansin mo."

Nagsimula namang tumugtog ang banda ng isang kilalang kanta at lahat ng tao ay nagpunta sa dancefloor para magwala--este magsayaw pala.

"Guys! Tara sumayaw sa dancefloor!" yaya ni Mayel.

Pumunta kami sa gitna para makisaya at makisayaw.

"Sunshine, let me dance with you," bulong sa akin ni Theo.

Marahan lang ang naging galaw ko para mapagmasdan ko ang pagsayaw ni Theo at namangha ako dahil magaling siyang sumayaw. Yung halos ang paggiling niya ay parang nakikita kong nagfe-flex ang muscles niya kahit natatakpan pa naman ng tuxedo niya.

"You're a good dancer, you know," bulong ko sa tainga ni Theo dahil hindi kami agad magkarinigan.

"Ofcourse, I should be. Kailangan ko atang magpasikat sa partner ko. This is all for you," aniya at kumindat.

Agad nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya. Humalakhak naman siya kaya tiningnan ko siya at tinanong. "Why are you laughing?"

"I'm just glad. Because I made you blush." Lalo pa akong namula sa sinabi niya. "Ohgod. You're as red as the tomato. I'm really honored," sabi ni Theo at ngumisi.

Sumunod namang tumugtog sa banda ay isang slow love song. Nakahinga din naman ako ng maluwag dahil naisalba niya ako sa pamumula ng mukha ko. Anyway, napamasid ako sa paligid at yung ibang nagsasayaw kanina ay naupo na sa kani-kanilang lamesa. Tiningnan ko naman ang ilan pang nasa dancefloor. Puro sila nagsasayaw ng magkalapit na. Karamihan sa kanila ay puro na couple.

Since wala akong boyfriend ay mabuting umupo na lang din ako muna. Pero bago ako makabalik ng table namin ay may pumigil na sa aking kamay. Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng kamay na pumigil sa akin at napakunot ang aking noo.

"Bryce?"

________________________________________

Edited Chapter of the story. Thanks.

Vote, comment and share my story. Support it guys!


- Sairel

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon