Chapter 9

4K 83 7
                                    

Chapter 9

Theo's

"Come back here, son!" sigaw ni dad.

Kasi naman, he always making me pangaral. Lagi niyang ini-insist na magpakalalaki daw ako na kesyo ako daw ang pag-asa ng company namin. Utot nila. I can't be a guy because I'm a girl.

"Barbie! Halika na dito. Aayusan na ulit kita!" Hinila ako ng baby sister ko.

Si Therese Allison "Reese" Verano. 7 years old pa lang yan pero wag kayo, madaldal yan. Kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan. Mapabakla o lalaki man ako, tanggap na tanggap niyan ang beauty ko. Tulad ngayon, ginagawa niya akong human-sized barbie niya.

"Oh, tapos ka na bang i-makeover ako, sister? Do I look pretty na ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes, kuya. You look gorgeous!" Yan ang gusto ko sa kapatid ko. She's so honest talaga.

"Siya, I'll be going na. May pupuntahan pa ako. Pupuntahan ko si Kuya Mika mo. Bye Reese. Thanks for the make-over. Bigyan kitang pasalubong mamaya. I promise." Tapos hinalikan ko ang pisngi ng sis ko then flylaloo na ang peg ko.

Nakarating ako sa tagpuan namin ng mga bakla kong kaibigan. Syempre, ako ang nagyaya, sa sosyal na lugar ko sila dapat isama. Rich kid kasi ako.

"Hi mga bakla! Sorry to keep you waiting ha. Pinaganda pa ako ng sister dear ko kahit I know na maganda na ako," bati ko kina Mika na bakla at nakipagbeso na.

"It's okay lang. Nga pala, I have a problem. You should help me ha." Yugyog niya sa akin.

"Mygoodness! Oo na. I'll help you na. Just don't bug me nga. You're ruining my hairstyle." Tawanan sa table namin.

"Arte mo sis ha. Feeling girl ka talaga." I raised an eyebrow. Babae ako today!

"Oh siya, let's order na nga. My treat guys," sabi ko. Tuwang tuwa sila kasi syempre libre.

Then nag-order na kami nang may narinig akong boses ng kakilala ko. Tumayo ako then yayakapin ko agad siya pagkalapit ko sana sa kanila. I'm sure si Lyra ang kasama nito.

At ayun nga. Sino pa ba? Edi si Bryce my honey lang naman. Yun lang naman ang niyayakap ko. Si Bryce pa lang ang nakikita ko kasi nakatalikod si Lyra. Nagulat pa nga ata si Bryce nang makitang papalapit ako sa kanya.

"Hi Honey Bryce!" Agad yakap ko sa kanya. Tapos may biglang tumikhim sa amin.

"Ahem." Nilingon ko si Lyra- Ay teka. Hindi si Lyra ang kasama niya! "Bryce, what's that freak doing here?" Walanghiya! Freak?! As in? Aba't ang babaeng ito!

Lumingon ako kay Bryce at alam kong pinapawisan siya. Hindi ko alam kung mainit lang dito o may itinatago siya.

"T-theo, this is Trixie, m--"

"Girlfriend. Bryce's Girlfriend lang naman. I know that Theo freak already," biglang sabi nung Trixie na palaka. Agad din akong nagulat. Girlfriend? How about Lyra?

"No. Theo, mali ang nasa isip mo. Let's talk. Maiwan muna kita, Trixie. I'll be back." Hinila na ako ni Bryce sa labas.

"Ouch! What's your problem. Baka nakakalimutan mo, may guy side pa din ako at keri ko pa din makipagsuntukan sayo!" hamon ko kay Bryce.

"Please, Theo. I know, may possibility na sabihin mo kay Lyra ang nangyayari ngayon but please, don't. I'm begging you. Ayokong iwan ako ni Lyra," pagmamakaawa ni Bryce and I can see na nagsasabi siya ng totoo but why, bakit may Trixie?

"But who's Trixie? Who is she to you? Totoong girlfriend mo siya? And why are you with her ngayon?" tanong ko. Feeling ko tuloy ako yung girlfriend at kung makapagtanong ako ay wagas.

I heard him cleared his throat. "She is not really my girlfriend. Yes, dati. She's my ex actually pero naghahabol pa din siya. Kasi wala kaming formal break up because she flew away to Canada. Then bumalik siya dito at hanggang ngayon ay nakikipagbalikan siya sa akin." I heard him sigh. Kawawa naman si Papa Bryce.

"Knows ba ni bruhang Trixie na yan na girlfriend mo si Lyra?"

"Ang alam lang niya ay may girlfriend na ako pero knowing Trixie, kita mo naman kanina na game siya sa sapakan kaya hindi ko sinasabi na si Lyra ang girlfriend ko."

"Sabagay. Pero malalaman at malalaman ni Lyra ito. At isa pa. Why are you with her now?"

"Problema ko yan. Kasi she is my fiancee." What?!

"Teka. Hindi ma-absorb ng mind ko. OMG! Pano na si Lyra? Makikipagbreak ka na?" Poor Lyra.

"No. I can't give her up. Alam kong naipit lang ang family ko dahil ng family ni Trixie. At si Lyra ang mahal ko. Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal na ito. Pero for now, I have to be with Trixie kasi ginigipit niya ang family ko. Dinadamay nila ang business namin. And besides, I have to be with her kasi may condition ako sa kanya. She'll cut off the wedding at lalayo na if I'll be with her the rest of her stay here. Kaya please, Theo. Keep this as a secret. Lahat ng ito. That's all you can do to save the relationship."

"Oh sige. I'll do that. Pero wag kang makampante. You know everything has an end at ang lahat ng sikreto at nabubunyag. Just remember that."

Pambihirang love story meron ang dalawang ito. Pang teleserye! Well, anong magagawa ko, I just have to keep quiet na lang.

Naawa din naman ako kay Lyra. I hope she can survive this and as for Trixie na palaka, ma-karma sana siya sa ginagawa niya at ng family niya.

____________________________________

Edited version of the chapter. Vote, comment and share!

- Sairel

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon