Chapter 3

5K 89 7
                                    

Chapter 3

Lyra's

Pumasok na ang instructor namin upang ibigay ang resulta ng naganap na exam. Hindi naman ako kinakabahan kung babagsak ba ako dahil alam kong nag-aral ako. Sa magiging highest score ako kabado dahil baka si Theo ang makakuha nito at hindi ako. Isa-isa ng tinawag ang pangalan namin, but not in particular order, at saka ibinigay ang test paper namin.

"Valderrama, Lyra Dominique..." Tumayo ako at kinuha ang papel ko.

Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad lumapit sa akin si Theo at inagaw ang papel ko. Humalakhak siya ng malakas kaya nagtinginan ang aming mga kaklase pati na rin ang instructor namin sa kanya. And based on his reaction, I lose and he won the spot again. 

"Girl, look at my grades. See? Told yah! You can't beat the queen bee here. I'm so great talaga." Kahit naiinis ako sa pang-aasar ni Theo ay tiningnan ko pa rin ang papel niya.

My eyes totally widened when I saw his scores. Puro perfect! Saan ba humuhugot ng sagot at talino ang baklang ito? I hate him for being so bright.

But then I remembered, I failed again. Hindi ko na naman siya natalo. He's still on top and I'm still the second best. Kainis. Balang araw, matatalo ko din ang baklang yon.

"Lyra! Ang talino mo talaga! Ang galing mo! Hanga na ako sayo. Grabe. No wonder 'Ms. Perfect' ang tawag ng iba sayo dito. Maganda na, matalino pa!" sabi ng kaibigan kong si Mayel.

"But Theo's still on top. Hindi ko siya nagawang mataasan." Mayel tapped my back.

"Hayaan mo na. That's not really a big deal. The important thing is, we passed the exams. Kaya kailangan nating magsaya! Tapos na ang exams kaya tara gumala."

"Sure. Tayo lang bang dalawa? Is that a date? Lesbian ka na ba?"

"Lesbian agad? Di ba pwedeng girl bonding lang? Basta, tara mag mall. Kating-kati na ang paa kong mag shopping din. Let's go!" Tapos hinila niya ako paalis ng school. Basta galaan talaga, laging naeexcite yang si Mayel.

Nakarating kami sa mall. At talagang excited si Mayel sa pamamasyal namin. Nakakainip daw kasing school at bahay lang ang pinupuntahan niya. Kaya nga kinaladkad niya talaga not literally na kaladkad, papunta dito.

"Lyra! Saan tayo unang pupunta? Ay tara dun sa heels section! I love the stillettos there. Come on!" Hinila niya ako papunta dun. Seriously, hobby ba ni Mayel ang mamwersa ngayon? At laging ako ang napagdidiskitahan niya?

"Ikaw talaga Mayel! Tinanong mo ako kanina tapos ikaw din pala ang sasagot? Adik ka talaga 'no? Sana hindi mo na ako tinanong, di ba? Ang weird mo!" Sabay hampas ko sa kanya.

"Hoy ha. Masakit yang hampas mo. Baliw ka talaga. So ano, tapos na tayong magtingin, tsaka nakabili na din ako. Lipat na tayo ng store." Napailing na lang ako sa kanya. Shopping addict talaga itong si Mayel. 

"Mayel, pagod na ako. Halos ikaw lang naman ang nakikinabang. Kumain muna tayo. Baka pag di mo ako pinakain ay itong mga pinamili mo ang kainin ko." Binantaan ko na. "Tsaka, libre mo. Pinagod mo kasi ako sa palipat-lipat natin ng tindahan. Grabe ka talaga mag-shopping. Kung binibili mo na lang itong mall."

"Hindi kaya ng budget ni dad ang buong mall na 'to. Next time na lang pag nakaipon ako. Oh siya, sige na nga. Ako na manlilibre. Ako na ang taya." Pumunta na kami sa isang fastfood chain para kumain.

Pagkatapos naming kumain ay pupunta sana kami sa PS3 stations sa Storyland para maglaro nang may mabunggo ako. Minsan talaga lalampa-lampa ako. Ang lawak ng daan magkakabanggaan pa kami. 

Tinulungan namin yung babaeng nabunggo ko na pulutin yung nagkalat na pinamili namin at pinamili nung babae.

"I'm sorry, miss. Sorry talaga. Di kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko. I'm very sorry," paumanhin ko. Nakakahiya kasi.

"It's okay. My fault also. I'm sorry din," sabi nung babae.

Napatingin ako sa babae at agad namangha. Ang ganda niya kasi. Mestisa, matangos ang ilong at ang bibilog ng mga labi. 

"Naku. Sorry din talaga." Napatingin yung mestisang babae sa akin at medyo napakunot ang noo pero agad din namang binawi. Baka nagandahan sa akin? Charot.

"Oh, by the way, I'm Trixie. Trixie Sandoval." Saka lahad ng kamay niya.

"I'm Lyra. Lyra Valderrama. Sorry pa din." Nakipag shake hands ako kay Trixie .

"Ako naman si Marielle. Marielle Cueto. Bestfriend niya ako," pakilala naman ni Mayel kay Trixie.

"Sige. I'll go ahead. Someone's waiting for me. Bye. Nice meeting both of you." Tsaka umalis si Trixie.

Habol naman ang tingin namin kay Trixie. Nagtataka naman ako kasi parang nakita ko na siya. Hindi ko lang alam kung saan. "Ang ganda nung Trixie 'no? Tsaka mayaman yung dating niya. Sa pananamit pa lang niya pati sa kilos, halatang rich kid yun. Mukha ding mabait," puri ni Mayel kay Trixie.

"Mayel, pero ba't parang iba yung feeling ko sa kanya? I know she looks kind and rich. Pero iba kasi yung aura niya sa akin pagkatapos niya akong makita. Hay ewan. Malay natin wala lang yun."

"Malay nga natin. Kakakilala pa lang naman natin sa kanya. So, tara na. Laro na tayo!" Pumasok na kami ng Storyland.

Hanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin kung anong meron kay Trixie. Para kasing nakilala ko na siya dati pa. Yung parang matagal ko na siyang na-meet pero hindi ko lang talaga ganung naaalala.

_______________________________________

Edited Chapter. Vote, share and comment!

Dedicated to my cousin!

- Sairel

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon