Chapter 6
Lyra's
"Ano ba, Mayel? What is it? What did you see?" Hindi siya nagsalita. "Alam mo, kailangan kong makita yung nakita mo. Ano ba yun?"
"Lyra, tara na. Mag-iba na lang tayo ng daan. Doon tayo dumaan sa isang hagdanan, hindi maganda ang vibes dito sa corridor na ito," pag-iiba niya ng topic saka ako hinila ngunit hindi ako nagpatinag.
"Teka, bakit ba ayaw mo dito? Mas malapit naman ito sa gate. Dito na tayo dumaan, Mayel." Halatang namumutla na si Mayel sa kaba. "Marielle Cueto, alam kong nagdadahilan ka lang. Sumagot ka. You know I don't like excuses, Mayel." Tapos nagsasalubong na talaga ang kilay ko. Tinatantsa ko kung magsasabi na siya ng totoo.
"Lyra naman, it's for your own good. Wag na tayo dito dumaan," pilit pa din niya. Para sa akin? Tsk. Lalo lang akong na-curious.
Hindi ko na hinintay na awatin pa niya ako. I turned my back para malaman ang sinasabi ni Mayel na napakasuspicious. Ako man ay nanlalaki ang mata. Bryce with Trixie? And busy chatting and laughing together as if they own the world? Oo na. Over-reacting talaga. Pero malay ko sa kung anong relasyon meron silang dalawa.
"Lyra, tara na. I told you a while ago kaso hindi ka nakinig. Wag mo ng pansinin. Magkaklase sila kaya sila ganyan umasta," sabi ni Mayel.
"No, Mayel. Why don't we approach them? Then I'll ask them. Wala namang masama dun. They're my friends."
"Teka lang, sigurado ka ba? Wala naman silang ginagawang masama, Lyra. Tara na lang umalis."
Yun na nga. Wala naman silang ginagawa kaya ayos lang i-approach namin sila. Pupuntahan lang namin sila at sasabay sa pag-uwi. What's wrong with that?
"Mayel, it doesn't matter. I can't see na may masamang mangyayari diba? Wag mo na akong pigilan. I just wanted to know more about their closeness."
"Pero Lyra..." Ito talagang si Mayel kung makapag alala naman parang may gagawin akong masama.
"Hoy sister! Saan ang punta niyo? Pasama naman!" Biglang sulpot ni Theo. Parang siyang kabute na laging sumusulpot. Minsan iniisip ko baka pinaglihi siya ni Tita Thalia sa mushroom.
"Hay! Bakla! Buti nandito ka! May pakinabang ka naman pala. Tulungan mo akong hilahin si Lyra palabas sa direksyong ito."
"Hep! Hep! Nasaan naman ang gay-friends mo? At himala naman sumasama ka sa amin." Syempre nga naman. End of the world na ba at kami ay magkasama ngayon?
"Umeskapu na ang mga lola niyo with their jowa. Ako naman, kahit ako ang pinakapretty, walang nangangahas na patulan ang beauty ko. Huhu for me." Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa kay Theo. Ang epic lang ng ekspresyon ng mukha niya. "So tara gumala na! Nang ako'y makarami ng papalets!"
"Teka.. Paano si Br--" Hindi ko na naituloy ang tanong ko kasi naman hinila na talaga ako ng dalawang ito.
Nakarating kami sa isang mall at nagsimula ng mamasyal. Tinotoo nitong si Theo ang guy-hunting na sinasabi niya at dinadamay pa kami. Hiyang-hiya ako sa dalawa. Kung dati, magsabunutan kami, ngayon naman, parang walang nangyayaring gulo sa pagitan namin nina Theo.
"12:30! 12:30! Nakikita niyo na ba ang nakikita ko? Ang yummy niya! Sinong aarangkada ngayon sa atin? Ako ba?" All infairnes, Theo has a taste. Gwapo nga ang tinutukoy niya.
"Let me. I can handle him. Sisiw lang yan." Nag-volunteer pa talaga si Mayel. Ang lakas ng loob. Palibhasa wala pang boyfriend.
"Oh sure sis. Good luck!" sabi ni Theo tapos naglakad na palapit si Mayel dun sa guy.
Nilalandi, I mean, kinakausap na niya yung lalaki at biruin mo nga naman, naglalakad na silang dalawa palapit sa amin at nakakawit pa sa braso nung lalaki ang kamay ni Mayel. Iba na talaga ang alindog ng kaibigan kong ito.
"Girl and gay, meet Tyrone, and Tyrone, this is Lyra and this is Theo, my friends," pakilala ni Mayel kay Tyrone sa amin.
Nakipagkamay naman kami ni Theo kay Tyrone. Akalain mo yun, ang gwapo ng nabingwit ng kaibigan ko.
"Lyra, tsaka Theo, maiwan ko muna kayo. Tyrone's asking me for a date and I can't say no to him," bulong sa amin ni Mayel sabay kindat. Landi!
Tuluyan ng umalis si Mayel kasama Tyrone at naiwan kaming dalawa ni Theo.
"Hey sis! Pwede bang maging kaibigan ko na kayo talaga? I mean, yung I can be with both of you. Masaya kasi kayong kasama." Nagulat ako sa tanong ni Theo. May nakain ba si Theo at nagkakaganyan siya?
I sighed. He seems to be nice, sometimes. "Sure. Friends?" Then offered my hands which he immediately accepted.
Namasyal kami ulit ni Theo, actually, kung hindi lang ito kumikilos ng bakla, iisipin ng mga tao na magboyfriend kami. Hindi naman kasi siya yung baklang mahilig magdamit-babae, lalaki pa rin siyang magdamit yun nga lang, malambot yung galaw niya.
"Sis, tara dun sa Max Rider!" Pumunta na kami dun sa Max Rider, hindi pa ako nakakasakay sa ganto. Ngayon pala talaga at dahil pa yan kay Theo.
"Miss, dalawa po sa Max Rider." Nagbayad na siya. Masarap palang kasama ang baklang ito. Nakakalibre.
Pumasok na kami sa loob. Upuan lang siya na parang sasakyan tapos may LCD. Nagsisimula na yung Max Rider tapos gumagalaw pa ang sinasakyan namin. Pinili naming magkatabi sa upuan para maihulog ko si Theo kapag nagulat ako. Kidding!
Halos matawa lang ako sa reaksyon ni Theo. Bakla kung bakla talaga. Hindi naman intense yung ride pero kung makatili ay dinaig pa ang sumakay sa roller coaster.
"Aaah! Hala! Hala! Ang lakas ng galaw ng sinasakyan natin sis! Baka tumalsik tayo!" sigaw ni Theo sa akin then automatic na parang sobrang lakas na nga ng paggalaw ng sinasakyan namin. Nasa gubat kasi kami kunwari dun sa LCD.
Napayakap bigla sa akin si bakla at kahit madilim sa loob, alam at kita ko na ilang pulgada na lang ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Natigilan kami pareho sa sitwasyon namin.
Natapos ang ride namin na iyon pero hindi kami nagkikibuan ni Theo. Awkward naman kasi lalo na at lalaki pa din siya kahit na bakla na yan.
"Ahm.. Sis. Sorry kanina. Hindi ko sinasadya." Ngumiti ako sa kanya.
"Okay lang, Theo."
"So, ano na, okay na okay na tayo sis ha. Apir!" Tsaka kami nag-apir. Nawala na din ang awkwardness sa pagitan naming dalawa at in-enjoy na lang ang atmosphere.
____________________________________
Edited version of the chapter! Vote, comment and share!
- Sairel
BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
General FictionNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...