Chapter 2

5.8K 106 5
                                    

Chapter 2

Lyra's

Exams week na namin at kailangan ng mag-aral ng mabuti. Hindi pwedeng umasa sa stock knowledge dahil wala din namang naka-stock. But studying damn sucks sometimes, especially when you're very competitive. I need to focus for I need to be the top and not Theo. Mahirap kalaban sa academics si Theo. Matalino talaga ang bakla. Kahit hindi mag-aral ay may isasagot. Hindi ko talaga alam kung saan nakuha ng talino yun.

Tumigil muna ako sa pagre-review at bumaba para kumain. Nakita ko naman na nakaupo na ang buong pamilya ko. Ang mga kapatid kong sina Kuya Lyndon at Enzo na laging wala ay narito ngayon at kasabay naming kumain.

"Good to see the both of you, dear brothers! What brings you here? I missed you both!" Sabay yakap at halik ko sa dalawa. "Lalo na ikaw, baby bunso ko!"

"Geez, ate. Cut it out. I'm not a baby anymore. I'm a grown up. Can you just sit and let's eat?" wika naman ni Enzo.

"Lorenzo Danver! Ate mo yan. Have a little bit of respect," paalala ni Mommy. "Okay then, let's just eat. I cooked all your favorite foods."

"Siya nga pala, Lyra, anak, kamusta ang basketball game ng boyfriend mo?" tanong ni Daddy.

"They won. I told you that he's great," pagmamalaki ko. Proud girlfriend kasi.

"Ang sabihin mo, tsamba lang yun," singit ni Enzo.

"Shut up, Lorenzo Danver. He's really great and charming," pagtatanggol ko. I really don't know why Enzo's acting strange when Bryce's the topic. May siblings issue. Protective lang si Enzo sa maganda niyang ate.

"What about Theo, anak? He's your classmate. How's he? Diba kayo ang magkasunod sa ranking? Do you want to be on top of just the second best? Malaki ka na anak. You can decide for yourself," biglang singit naman ni Mommy.

The Veranos and Valderramas are business partners. But, both of our family don't know na ganyan kami magbangayan ni bakla. Ang alam ata nila ay friends kami nun. I can't even imagine that coming.

"He's still on top. And yeah, the hell I care." Mahina lang ang pagkakasabi ko sa mga huling salita.

"Theo's family are good friend of ours. At alam kong siya ang kakumpitensya mo sa ranking but it's a friendly competition. We're still proud of you no matter what." Napangiti ako sa tinuran ni Mommy.

Dumating ang araw ng exams namin at talagang lahat ay naghanda. Pagkarating ko ng room ay napansin kong karamihan sa kaklase ko ay nag-aaral talaga. Kokonti lang yung mga nagtsitsismisan.

"Lyra! Kinakabahan ako sa exams! Sana madali lang," sabi ni Mayel with matching pray sign talaga.

"Don't worry. We'll pass. Tutulungan tayo ni Lord. Nag-aral naman tayo kaya tiwala lang na papasa tayo."

"Nako. Aasa talaga ako sa sinasabi mo." Saktong pasok naman ni Theo na umo-aura pa.

"Well sister, good luck sa exams. Galingan mo para naman matalo mo ang kagandahan ko ngayon. You can't beat me nga pala. Okay. Gorabels na ang peg ko. Babuusshh!" Dumaan lang sa harap ko then yun lang. Ambait talaga ng impaktitang baklang yan. But then again, I calmed myself. Di ako magpapaapekto sa kanya.

Nang makailang minuto ay dumating na din ang aming proctor at ibinigay ang test papers. Tingnan mo nga naman. 10 pesos? 10 pages? Grabe. 10 pages tapos walang maisusulat. Ang sakit lang sa bangs. Nalagasan pa ng 10 pesos.

Matapos ang exams ay narinig kong nagtilian ang ilang kaklase namin sa may labas ng pinto. I looked outside and unexpectedly see the guy infront of me smiling from ear to ear.

"Si Bryce!" tili ng mga kaklase ko. Pinuntahan kasi ako ni Bryce sa room para ihatid sa bahay. Pakisuklay o pakilagyan nga ng ipit ang buhok ko. Baka matapakan sa haba ng hair.

"Hi girlfriend, tara na? Dalhin ko na iyang bag mo." At kinuha na niya ang bag ko na lalong ikinakilig ng mga nakakakita. My faced obviously turned red because of his sweetness. I really can't bear the thought of having him as my boyfriend.

Nakarinig naman ako ng ilang bulungan tungkol sa aming dalawa na siyang ikinangiti ko.

"Ay ang swerte talaga ni Lyra. Ang sweet naman ni Bryce."

"Bagay sila 'no? Maganda tapos gwapo."

"They're perfect for each other. Kainggit."

__________________

Edited version of this chapter. Vote, share and comment!

This is dedicated to you! Thanks for supporting!

- Sairel

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon