Chapter 22

3.5K 84 17
                                    

Chapter 22

Lyra's

Lumipas ang ilang araw at hindi pa rin ako tinantanan ni Theo. Mabuti na lang na puro pasimple at patago ang pang-aasar na ginagawa niya sakin lalo pa't tungkol sa topic na soulmates. Minsan nga ay di na ako nakapagtimpi at talagang nasapak ko na ng matindi.

Tulad ngayon. "Aray! Ano ba! Bakit ba kailangan mo kong sapakin? Pwede namang halik na lang?" Sinapak ko ulit. "Aray!"

"Oh ano, gusto mo pa? Nakakarami ka na ng pang-aasar ha! Ang landi mo pa!" singhal ko sa kanya habang nakaupo sa couch sa kwarto niya.

"Nasaan ang malandi doon? Honest lang ako sa mga sinasabi ko." Akmang iisahan ko pa ulit siya ngunit agad niyang pinigilan. "Oh ayan ka na naman. Sige na. Hindi na po."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Can you tell me how many times you said that to me? It's a hundred times, Theo, and you're just saying it again and again. Para kang sirang plaka."

"Over-acting mo naman, Lyra. Hundred times talaga yun? Mga singkwenta lang naman siguro yun."

"At nabilang mo pa talaga? Oo na nga lang. Basta, tigilan mo na ako sa kalandian mo ha at mag-aral na tayo. Aral muna bago landi, okay?" sabi ko at tumango naman siya.

Nagpatuloy kami sa pag-aaral dahil nalalapit na ang quiz bee na kinabibilangan ni Theo. Siya yung quizzer pero nag-aaral din ako. Lahat ng nalalaman ko ay kailangan kong ituro sa kanya. Pero heto siya at magulo pa sa ewan.

"Ano? Na-gets mo ba yung process kung paano ito i-solve? Yung proseso mo kasi, medyo complicated. Yung sa akin naman, kahit titigan lang, makukuha na yung final answer. So, this is another way of solving this problem. Pag-aralan mo," sabi ko saka ibinigay ang papel ko na agad naman niyang inaral.

Pinagmasdan ko ang features sa mukha niya. Sa lapit ng mukha niya sa akin ay kitang-kita ko ang kinis ng mukha niya. Mamula-mula pa yung pisngi niya. And I must say, mas gusto ko ang mukha niya kapag seryoso siya. Tsaka yung lips, parang ang lambot at ang sarap halik---

"What at you staring at?" tanong niyang nakakunot pa ang noo. At halos bawiin ko naman ang tingin ko sa kanya dahil nakita niya palang pinagmamasdan ko siya.

"H-ha? A-ano. Nothing. Nothing, Theo," tanggi ko na pailing-iling pa.

Then he grinned. "Wala talaga? Pero parang may narinig akong malambot at masarap? What was that? Parehas ba tayo ng naiisip, sunshine?"

Agad namula ang mukha ko. "WALA! Just shut up, Theo!" Halos lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat yata sa mukha ko.

Tinawanan niya lang ako at talagang literal na gumulong pa siya sa carpet habang tumatawa. Di naman sobrang nakakatawa yun pero siya, wagas na yung tawa.

"Lyra, don't worry. I won't kiss you. Hindi ko nga alam kung marunong kang humalik. I don't know if you're a good kisser or what. So chill, I won't do that," sabi niya at patuloy pa rin siya sa pagtawa.

Kumulo ang dugo ko. Sinasabi ba niyang hindi ako marunong humalik? Na bad kisser ako? Nagkaboyfriend na ako, siya nga wala pang nagiging ka-relasyon. Sumeryoso ang mukha ko saka tiningnan siya ng masama.

"What? Sasapakin mo na naman ako? Magkakapasa na ako sayo. Tingnan mo nga itong beautiful skin ko, pinapapangit mo," sabi niya.

Hindi pa rin ako nagpatinag. I just can't accept the fact that he insulted me. Then may light bulb na biglang sumulpot sa utak ko. I think it's the time to continue my operation. Since nainis ako sa kanya, gaganti na ako. Bad kisser pala ha. Now, it's payback time, sunshine!

Pinalitan ko ng ngisi ang kanina ko pang nakasimangot na ekspresyon. "Why would I do that? Ayokong nasasaktan ka, sunshine. At isa pa, may point ka naman sa sinabi mo kanina."

Agad naman siyang bumaling sa akin at nagtaka. "Did I hear you right? You called me sunshine." Pagkasabi niya nun ay hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Ofcourse. Because you really are my sunshine." Bigla niyang inalis ang kamay niya.

"A-alam mo, mag-aral na lang ulit t-tayo. Ang w-weird mo naman b-bigla," nauutal pa niyang sabi saka tumungo para magbasa ulit pero bago pa siya makabalik ay hinawakan ko na ang magkabila niyang pisngi.

"Itigil muna natin ang pag-aaral. May mas maganda tayong pwedeng gawin kesa sa mag-aral," I seductively said then smiled mischievously.

"G-gaya ng ano? L-lyra, y-you're acting really strange right now and it creeps me out," sabi niya habang lumalayo ng bahagya dahil unti-unti naman akong lumalapit. "D-dyan ka na lang! Don't come near me," aniya nang lumapat ang likod niya sa bubog na lamesa.

Ngumusi ulit ako at kinindatan siya. "Why? Are you affected by my presence?" Ginaya ko yung tanong niya sa akin dati.

"What the? Line ko yan, bakit mo ginagaya?" sita niya saka nanliit ang mata. "Wait, are you seducing me?"

Lumapit pa ako sa kanya at saka hinawakan ang broad chest niya. Then he groaned. "What do you think, Theo? Naaakit ka na ba sa akin?" I asked then bit my lower lip.

"Putangina! Ano sa tingin mo? Lalaki pa rin ako at nadadala ako! Kaya tumigil ka na. Fuck! Fuck talaga!" habol-hiningang sambit ni Theo.

Pero hindi pa rin ako nagpapigil. I leaned closer to his face. Sa tingin ko ay ilang inches na lang ay maglalapat na ang labi namin. Natatawa na rin ako sa reaksyon niya. Wala naman akong balak halikan o gumawa ng kahit ano, inaasar at ginagantihan ko lang siya gamit ang teasing powers ko.

"Shit! I'm out of here," aniya na tatayo na sana ngunit biglang napaisod ang lamesang tinutukudan niya kanina.

At dahil malapit ako kay Theo ay nadala ako sa pagkahiga niya. Kasabay noon ang paglanding ng labi ko sa labi niya. Holy berries!

______________________________________

Edited version of this chapter. Still editing the next chapters.

Support, vote and comment! Thanks.

- Sairel

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon