Chapter 29
Theo's
"Accident? Naaksidente pala ako kaya ako nagkaroon ng amnesia?" Lyra asked her parents.
"Wait. Alam mong may amnesia ka?" I suddenly asked her kasi kahit mga magulang niya ay nagulat dahil alam nitong nagkaroon siya ng amnesia.
Lyra nodded. "Yeah. I kinda know that I have an amnesia. Panay kasi ang sakit ng ulo ko kahit wala akong sakit. Nagkakaroon din ako ng mga panaginip pero blurry images. I tried searching the effects and symptoms on the internet at sumakto siya sa descriptions ng taong nakakaexperience ng amnesia but I don't want to ask kasi assumption ko lang naman iyon," paliwanag ni Lyra.
"Tangina! Matalino ka nga talaga! Ikaw mismo ang nakadiscover ng amnesia mo!" I exclaimed but my mother 'ssh-ed' me.
"We're sorry, anak if we had to hide it from you. Ayaw ka kasi namin biglain sa mga pangyayari. Isa pa ay iniingatan ka namin. Hindi namin kakayanin kung may mangyayari na naman sayong masama," Tito said and looked at my mom and dad.
"Just tell me, Daddy. Paano ako naaksidente? Kailan at may kasama ba ako noon sa aksidente?" she asked her dad.
Nilapitan ni mom si Lyra saka nito hinawakan ang kamay niya. Naks. Nanay lang ni Lyra ang peg? Char. Saka naman ni mom tiningnan sina Tita Lianne at Tito Domz.
"Iha, ikaw lang mag-isa ang naaksidente noon. Kami ang unang nakaalam noon na naaksidente ka. Hindi kasi kayo magkasundo ng mga magulang mo that time. Marami kayong pinagtatalunan and we were there to comfort you. Kami ang naging takbuhan at tagapayo mo," paliwanag ni mom. Ganoon pala talaga ka-close yung family namin sa family nila.
"You were a hard-headed, spoiled-brat and a rebellious kind of daughter before. Lahat na ata ng katigasan ng ulo ay napunta sayo," Tito Domz commented then smirk. "But that was before, anak. Noon kasi, mahilig mo kaming suwayin ng Mommy mo. You were engaged in smoking, drinking alcohol, partying, drag racing and you even used drugs."
"Those were the reasons. May naalala ako from the past na nasaktan ninyo ako because of those. I left the house dahil sobrang nasaktan ako," Lyra told us.
"I'm sorry, anak. We're just protecting you. Alam namin na nagrerebelde ka noon dahil hindi ka namin napapagtuunan ng atensyon. You reasoned out that you're the middle child that's why you didn't have so much attention. Pero sa totoo lang, anak..." napaiyak na muli si Tita Lianne habang nagkukwento. "We have so much attention and love for you. Nag-iisa kang anak na babae. We're all eyes on you."
"Sorry, Mommy, Daddy. Sorry kung naging masama akong anak sa inyo," Lyra said. Her parents went to her and hugged her.
"It's alright, anak. It's all in the past. And you should thank Bryce for helping you. Siya ang naging kasama mo after the accident. And the time you lost your memories."
Napatingin ako kay Bryce. Hindi ko alam pero naiinis pa din ako sa kanya. Mainit na ata ang dugo ko sa kanya.
"Lyra, when you lost your memories, that's the time Trixie left the country. Kaya wala siyang alam not until I told her your story. Ang hindi lang totoo ay yung sinabi ko noon na ginigipit nila ako," kwento ni Bryce.
Kumunot ang noo ni Lyra. Pati na rin ako. Ibig sabihin lahat ng sinabi niya sa akin ay hindi pala totoo? Napakakupal talaga! Hinayaan ko pa man din siya noong una na ayusin ang relasyon nila Lyra tapos may paganito pala siyang nalalaman?
Our parents excused themselves. Ang natira na lang na matibay na nasa kwarto ay ako, si Bryce na kupal, si Trixie na epalogs, syempre si Lyra kasi di naman iyan makakaalis ng kama, at ako.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
Ficção GeralNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...