Chapter 16
Lyra's
"Ladies and gentlemen, let me present to you my masterpiece! Ms. Lyra Valderrama!" rinig kong sigaw nung baklang nag-ayos sa akin mula sa baba.
Parang prinsesang bumaba ako sa hagdan namin. Lahat naman ng tao sa bahay namin ay nakatutok sa aking pagbaba. Makikita sa kanilang mga reaksyon na maganda ang naging ayos ko ngayong gabi.
"Grabe, Lyra! Ang ganda mo!" puri sa akin ni Mayel na nakabihis at nakaayos na rin ngayon.
"Ang ganda at ang sexy mo nga, bakla! Naging kamukha mo ang Kuya Lyndon mo at nitong si Enzo!" sabi nung isang baklang nag-ayos din sa akin.
"Gaga! Malamang magkakamukha sila kasi magkakapatid yan! Pero dear, stunning ka talaga! I'm sure magiging center of attention ka!" sabi naman nung isa.
"Anak, ang ganda mo. Manang-mana ka talaga sa akin," ani Mommy na hinahaplos ang buhok ko.
"Hindi ba sa akin nagmana?" sabi naman ni Daddy at tumawa. "Anyway, ang ganda naman ng prinsesa namin. Prinsesa talaga ang dating."
Nginitian ko sila isa-isa at nagpasalamat sa mga papuri nila. Nagpaalam na din naman sa amin si Mayel dahil nasa labas na pala si Tyrone para sunduin siya.
"Ganda, susunduin ka rin ba ng date mo?" tanong nung isang bakla.
"Oo nga, anak. Susunduin ka ba niya? Kung hindi naman, nakahanda lang ang sasakyan natin. Ako na mismo ang maghahatid sayo," ani Daddy.
Umiling ako at ngumiti ng pilit. "Hindi ko po alam. Maghihintay na lang po ako ng text ni Tita Thalia."
Mukha namang nagtaka siya sa sinabi ko. "Ang Tita Thalia mo? Bakit? Anong kinalaman niya dito?"
Tumingin ako kay Mommy at tumango naman siya. Siya na ang bahalang magsabi dahil siya pa lang ang napagsasabihan ko ng tungkol sa date ko.
"Honey, si Theo kasi ang date niya."
"What? Did I hear that right? Si Theo ang partner mo for your Senior Ball? Wala ka na bang mapili at si Theo talaga ang ginawa mong kapareha?" hindi makapaniwalang tanong ni Lorenzo.
"I have a choice, okay? I just don't like them to be my partner because we're not close. And Tita Thalia suggested that Theo can be my partner. Tsaka wag ka ngang over-acting dyan, hindi ko pa nga alam kung pumayag si Theo," paliwanag ko.
"Kung ganoon nga, ibig sabihin ay hindi pa tayo sigurado kung may date ka o wala. Depende pa ang lahat sa anak ni Alex at Thalia. Enzo, maghanap ka sa closet mo ng tuxedo. You're going to escort your sister on their ball."
Kumunot ang noo naming lahat. "Ha? Why me?"
"Alangan namang ako? Come on, son. Go find a tuxedo," utos ni Daddy na agad ko namag pinigilan.
"Daddy, I can go alone. I don't need a date for myself."
"Don't worry, guys." Napatingin kami kay Mommy na hawak ang phone niya. "Everything's all set. Our princess already has her date. Thalia texted me."
"Anong sabi ni Tita Thalia?" tanong ko.
Ngumiti si Mommy. "Theo's on his way."
Lahat kami ay nakahinga ng maluwag. Akala ko talaga ay hindi papayag si Theo dahil meron pa nga kaming hindi pagkakaunawaan. Pero mas kinakabahan ako sa suot ni Theo. Paano kung nakagown din siya? Tapos baka talunin pa niya ako sa kapal ng make-up niya sa mukha.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
General FictionNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...