Chapter 15
Lyra's
"Okay, class, please be reminded on our upcoming Senior Ball. Please do prepare for that event. That's for now, class is dismissed."
"Lyra, may susuotin ka na ba para sa Senior Ball natin?" ani Mayel na papalapit sa akin.
"Ha? Wala pa," sagot ko kay Mayel.
Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan ang bagay na iyon. Bukas na nga pala kaso wala pa akong maisip na isusuot para dun.
"Bakit naman wala pa? Bukas na ang event na yun tapos wala ka pa? Kailan mo pa balak maghanap ng isusuot mo?" aniya na nakapameywang pa.
"Mayel, I have a lot of gowns in my closet. Sa tingin ko ay doon na lang ako kukuha," sabi ko.
"Are you kidding? Used gowns na ang susuotin mo?" Umiling-iling siya. "That's a big no. You're going to wear a new one."
"Why? What's the big deal? Tsaka wala na tayong oras. Bukas na ang Senior Ball."
"We still have time. Konti na nga lang. And I exactly know who can help us. Let's go." Wala na rin akong nagawa dahil hinila na niya ako palabas ng university.
Nakarating kami sa isang mall pagkaraan ng ilang minuto. Palibhasa lakwatsera ang babaeng ito kaya alam talaga niya kung saan pupunta.
"Okay, saan tayo ngayon niyan? Sino ba yung sinasabi mong tutulong sa atin? Nasaan na siya?" irita kong tanong.
"Chill ka lang. Makikita mo rin siya. Tara na." Nauna na siyang maglakad kaya sumunod na lamang ako.
Tumigil naman siya sa isang boutique. "Nathalia V's Palace," binasa ko ang pangalan ng boutique.
"Pasok na tayo. She's probably waiting for us. I'm sure she can help you with your gown," sabi ni Mayel at kumindat pa.
Pumasok na kami sa loob at nakakamangha talaga ang gowns at dresses dito. Detalyado ang pagkakadesign. I bet the designer's well-known internationally.
"Finally, you're both here! Nakapili na ako ng gown for you." Nanlaki ang mata ko nang si Tita Thalia, mom ni Theo ang sumalubong sa amin.
"Tita? What are you doing here?" Ngumiti siya sa akin at tinuro ang kaninang binasa kong pangalan ng boutique.
Kulang na lang sapakin ko ang sarili ko nang ma-realize ko yung name. Nathalia nga pala ang full name ni Tita Thalia. Tanga ko lang.
"Anyway, Lyra, I've chosen your gown. Bagay na bagay sayo yung napili ko. Pwede mo na siyang isukat," ani Tita Thalia.
Tumango ako saka pumasok sa fitting room. Nang maisukat ko ang gown na pinili ni Tita Thalia ay tumingin ako sa salamin. Literal na napanganga ako. Tama ang sinabi niya. Bumagay yung gown sa katawan ko, sa akin din mismo.
Lumabas na ako ng fitting room at humarap na kina Mayel. Malaki ang ngiti ni Tita sa akin samantalang si Mayel naman ay nakangisi at tumango pa.
"So, how do I look?" tanong ko.
"You look gorgeous on your gown, iha. I told you, bagay talaga sayo ang gown na napili ko." I smiled at her.
"Thank you, Tita. Last minute na kasi talaga ito. Buti na lang at may nakuha pa akong gown."
"You're awesome talaga, Tita! Kung di lang ako naibili na ng gown ni mommy ay dito na talaga ako didiretso." Natawa naman si Tita sa sinabi ni Mayel.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
Fiction généraleNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...