Chapter 10
Lyra's
"Okay, class. Time's up! Pass your papers," utos ni Sir Sicario.
Saka lang ako nabalik sa realidad nang dahil sa utos ni Sir Sicario. Agad kong tiningnan ang aking test paper. Kung anong itsura ng binigay ni Sir ay ganoon pa rin nang ipapasa ko na. Wala ni isang bilog o sulat. Meaning, wala akong naisagot.
"Lyra! Pagaya naman sa number 2—-" Nanlaki ang mata ni Mayel pagkakita sa papel ko. "Wala kang sagot? As in wala ka talagang ni isang sagot?" bulong niya sa akin. I nodded. "Oh eto, gumaya ka sa akin. Marami akong naisagot." Ipinakita niya sa akin ang papel niya pero agad tumikhim si Sir.
Umiling ako kay Mayel. "It's okay. Hayaan mo na. Quiz lang ito, makakabawi pa ako." I smiled for assurance.
Nagkibit-balikat na lang si Mayel at isinabay ang papel ko sa pagpasa ng kanya. Lumapit naman agad siya sa akin habang nag-aayos kami parehas ng gamit.
"Ano bang nangyayari sa iyo, Lyra? Madali naman ang quiz natin pero bakit wala kang sagot sa papel mo? Teka... Hindi ka ba nag-aral?"
Nagpatay-malisya ako sa sinabi niya kaya hinampas niya ako sa may braso. Malakas yun ah!
"What?!" Sabay himas sa hinampas niya. "Masakit yun! Over-reacting ka na!"
"Sorry naman. Pero hindi ka talaga nag-aral? Grabe, Lyra! May problema ka ba? Sabihin mo sa akin at baka matulungan kita."
"Wala akong problema. Hindi lang ako nakapag-aral kagabi kaya wala akong naisagot kanina. Now, happy?" sarcatic kong paliwanag sa kanya ngunit hindi pa rin siya naging kumbinsido.
"I know you too well, Lyra. Alam kong mag-aaral ka talaga kahit quiz lang yun. Tsaka tingnan mo nga 'yang nasa may mata mo!" Turo niya sa ibaba ng mata ko. "I could see your eyebags. Kayang-kaya ng kiluhin sa laki. What was the reason you kept yourself awake all night?"
Sumulyap ako sa gawi ni Theo na kausap ang iilang kaklase namin. At laking taranta ko din naman nang mapatingin din sa akin si Theo. Shit. Nahuli ba niya akong nakatingin sa kanya?
Muli kong tiningnan si Theo at nakita kong nakamasid din siya sa akin ngunit agad din niyang binawi. Worry and pity was written in his eyes. Para saan naman yun?
"Lyra? What now? Sasabihin mo ba? At sino bang tinitingnan mo?" Napatingin din si Mayel kay Theo. "Si Theo?"
Tumango ako na lalo niyang ikinataka. Bago pa man siya makapagsalita at magtanong ay sinimulan ko na ang dahilan ng pagiging magulo ng isip ko ngayon.
—-Flashbacks—-
"Iha, there's something we want you to do."
"What is it, Tito? Ano po ba iyon? Is it that confidential na kailangan pa sa labas tayo mag-usap, Tito?"
I'm already bothered on the seriousness and formality. Napaisip ako. Wala naman akong atraso kahit kanino kaya walang dapat ikabahala.
"Iha, Lyra, I have a big favor to ask from you.. "
Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano kayang pabor iyon at mukhang napakaimportante para kina Tito Alex?
"What is it, Tito? Tell me."
Tumikhim muna siya. "But before I tell you, let's sit here first." Umupo naman kami sa wooden chair na nasa veranda.
"Tito, can you continue?" Tumango at ngumiti siya sa akin.
"Lyra, think that we're doing a business proposal here. Yes. Literally, this is a favor either a proposal that I'll be asking you. Now, let's be formal with each other. Tutal, confidential at seryosong bagay naman talaga ito," sabi ni Tito na medyo ikinabagot ko.
This serious thing really bores me a lot. Ayoko talaga ng seryosong usapan kasi nakakabagot makinig. Lalo pa at hindi direct to the point ang usapan.
"Alright. Fine. Continue with your serious thing. But please Tito, will you just go direct to the point? Ayoko ng paliguy-ligoy pa kung talagang mahalaga ang pag-uusapan." Alam kong naramdaman din niya ang pagkainis ko.
"That's really what we're looking for." Kumunot ang noo ko. " Your attitude, Lyra Valderrama. We like your attitude that's why we chose you."
"Chose what, Mr. Verano?"
Then he showed me a picture. I looked at it to see Theo on the picture. So anong kinalaman niya dito?
"Lyra Valderrama, this is my son. He is Theo Alexis Verano."
"Yes. I very much know him already. You don't need to introduce him." Kinuha ko ang picture. Anong gagawin ko dito? Pang-scrap book? "Wait lang po, Mr. Verano. What do you want me to do with this thing?"
Makahulugan siyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Make him a man."
—-
Nanlalaki ang mata ni Mayel at napapa-'O' pa ang kanyang bibig sa narinig niya. Hindi ko talaga alam kung over-reacting ang babaeng ito o ano.
"Freaking hilarious, Lyra! Hindi ko alam kung tatawa ako o maiiyak sa sinabi mo sa akin! I don't know what to react right now! Hindi ko alam na pang-teleserye ang nangyayari sa buhay mo ngayon."
"I know. At ayoko ng ganito. Hindi ko kailanman ginusto ang magkaroon ng ganitong sitwasyon. And I'm really mad at myself for agreeing with this kind of shit. Gulo ang abot ko nito," sabi ko sabay buntong-hininga.
"Ayaw mo ba ng ganito? Makakaganti ka na sa lahat ng ginawa ni Theo, makakatulong ka pa kina Tito Alex."
"Ssshh. Tone down your voice! Bumulong ka lang. Naka-speaker ba yang bibig mo at ang lakas ng boses mo? Did you hear me a while ago? I just said it was confidential yet your voice wants to tell everybody the story!" Nag-peace sign naman si Mayel. I rolled my eyes on her.
"Sorry na. Kasi naman, ayaw mo ba ng sinuggest ko kanina?"
"What? I'll have a revenge? No way. I will not do that. Mayel, Theo is our friend now. Dati, oo, noong magulo pa kaming dalawa, baka gustuhin ko talagang gawin iyan pero ngayon, simula pa nga lang nagi-guilty na ako, ano pa kaya kung ginagawa ko na talaga?"
"Sabagay. You have a point. Nakakaawa din naman si Theo. Pero wala na. Pumayag ka na sa kagustuhan ni Tito. Wala ka ng lusot. Paano ka ba napapayag?" takang tanong niya.
"He had some terms. About sa business namin tsaka about sa allowance ko. They'll be doubling my allowance."
"Wow! Palit tayo! Ako na ang gagawa! Grabe naman! Malaki na nga yung allowance mo tapos dadagdagan pa? Rich kid!"
"That's why I can't say no, too. Nakaka-engganyo kaya. Tsaka, in the end, gusto ko rin namang magkaroon ng pamilya si Theo. If he's gay 'til the end, mahirap magkaroon ng posibilidad na magkapamilya siya. That's why I'm also doing this for him," paliwanag ko. "But, I don't know what to do nor where to start."
"We should tell Tyrone about this, maybe he could help." Agad ko siyang pinigilan.
"Wait! Are you crazy? Confidential nga di ba? Bawal ko nga dapat sabihin sayo kaso kailangan talagang may mahingan ako ng tulong and since you are my best bud, I'd chose to tell you everything. Kaya ikaw, shut up ka na lang muna. No one's gonna ever know about our plan—- our operation."
_______________________________________
Another edited and revised version of my story.
So please vote, comment and spread the story!
- Sairel
BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
Aktuelle LiteraturNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...