Chapter 13

4.4K 79 2
  • Dedicated kay Marielle Espina
                                    

Chapter 13

Lyra's

Kinaumagahan ay hindi ako pumasok sa klase. Nagpabigay na lamang ako ng excuse letter sa mga instructor ko. Hanggang ngayon kasi ay nanghihina pa rin ako.

"Anak, can we come in?" tanong ni Mommy mula sa may pinto.

"Yes, Mom." Saka naman pumasok si Mommy kasama si Daddy at si Lorenzo. Si Kuya naman, nangibang-bansa na ulit.

"Anak, kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Daddy.

"Don't worry, Dad. I'm fine. I just can't come to school right now," I said then sighed.

Umupo si Mommy sa kama ko at hinawakan ang balikat ko. "You can tell us your reason. We're all ears to listen."

"Oo, anak. Makikinig kami. Tungkol ba saan ang problema mo?"

"It's about me and Bryce. Mom, Dad, break na po kami," sabi ko saka ako umiyak.

"Sinasabi ko na nga ba. That's why I hate that guy. Sinaktan ka lang niya. Gusto mo bang iganti kita, ate?" galit na sabi ng kapatid ko.

"Enough, Enzo. You won't do anything to him."

"But Dad... Look at her. She's hurt because of that bastard! I'm gonna kick his balls!" aniya.

"Shut up, son."

Agad namang umupo si Lorenzo sa couch sa kwarto ko na bumubulong pa. Napangiti naman ako. Kahit ano pang asaran at away namin, mahal pa rin talaga ako ng kapatid ko.

Binigyan naman ako ng magulang ko ng payo at pangaral. Pagkatapos ay parehas silang yumakap sa akin. Napapalitan ng saya at peacefulness ang lungkot na kahapon ko pa nararamdaman. Salamat sa pamilya ko at pati na rin sa mga kaibigan ko.

Speaking of kaibigan, naalala ko pa yung pagtulong sa akin kahapon nina Mayel at Theo. I must thank them for being there for me. For defending and taking care of me. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko kahapon ay hindi ko na sila nagawang pasalamatan. Maybe today, I can show them my appreciation.

Then my phone instantly vibrated. I look at it to see Bryce calling. Hindi ko alam kung papatayin ko na lang ang tawag o kung sasagutin ko ba. Pero laking luwag sa dibdib ko nang tumigil na sa pag-vibrate.

"Lyra! Kamusta ka na?" Biglang sulpot naman ni Mayel sa pinto. Maaga akong magkaka-heart attack sa ginawa niya.

"Mygoodness, Mayel! You're shocking me! You could just knock on my door and ask if you can come in. Buti wala akong sakit sa puso."

"Sorry naman. Pero ayos ka na ba?" Tumango ako. "Wag ka ng magmukmok dyan ha. May dala ako ditong chocolates," aniya at sinarado ang pinto. Inilapag naman niya ang ilang branded na chocolates sa kama ko.

"May plano ka bang patabain ako o bigyan ako ng sandamakmak na pimples, Mayel?" Tumawa naman si Mayel.

"Hindi ah! Ganito daw kasi talaga kapag broken-hearted. Pinapadalhan daw dapat ng maraming sweets." Sumimangot ako.

"Sige, Mayel. Ipaalala mo pa sakin," sabi ko na lalong nagpatawa sa kanya.

"Smile. Wag ka kasing emo dyan. Lalaki lang yun. Makakahanap ka pa ng iba."

Sakto namang pasok ni Theo na may dala-dalang pagkain. Hindi talaga sila marunong kumatok.

"Tulad ni Theo! He's available!" Nanlaki ang mata ko sabay gulong naman ni Mayel sa kama kakatawa. Over-acting talaga 'to palagi.

"What did I miss? Anong ako, Mayel? Available for what?" tanong ni Theo na nakakunot ang noo.

Kinurot ko sa tagiliran si Mayel para tumigil. "Ah. Wala, Theo. Ang lakas lang kasi ng trip ng isang ito. Wag mo ng pansinin." Nagkibit-balikat naman si Theo. "Ano namang iyang dala mo?"

Pinakita niya sa akin ang dala niya at agad naman akong sumigla nang makitang ice cream ang bitbit niya and for the awesomeness record, cookies and cream pa ang flavor, paborito ko pa!

"I brought you your favorite flavor of ice cream. Nagpaakyat na rin ako ng spoons para dito." Saka naman niya ibinaba sa mesa ang pagkain.

"How'd you know my favorite flavor of ice cream?" I asked.

He just smiled and shrugged. "Instinct."

"Instinct ka dyan! Tinano—-" Nakita ko namang agad siniko ni Theo si Mayel.

"Aray ha, Theo!" Sabay himas sa siniko ni Theo. "Teka nga lang. May kukunin lang ako sa baba tsaka... para magkaroon naman kayo ng moment." Pinanlakihan naman siya ng mata ni Theo.

Bumaba na si Mayel at naiwan kaming dalawa ni Theo. I heard Theo cleared his throat. "So, how are you feeling?"

Nilingon ko siya at ngumiti. "Feeling well. Salamat nga pala sa pag-aalaga sa akin kahapon. Maaasahan ka talaga, sis."

"No problem, Lyra. When a friend is in need, I'm just always here to help." Tinapik naman niya ako sa balikat.

Bigla namang nag-vibrate ulit ang phone ko. Parehas kaming napatingin sa screen at nakitang tumatawag ulit si Bryce.

"Bryce's been calling you? Are you answering his calls?" Umiling ako sa kanya.

"Bakit hindi mo sinasagot?"

"Nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya sa akin. Pero..." Huminga ako ng malalim.

"Pero ano, Lyra?"

"Pero may part sa akin na kailangan ko siyang makausap. Para linawin lahat. Hindi ko pa nalalaman ang totoong dahilan niya. Nakumpirma pa lang natin na totoo ang sinasabi ni Trixie pero yung dahilan, hindi ko pa alam." Yumuko ako.

"Do you really want to know? Paano kung mas masaktan ka sa malalaman mo? Are you willing to risk your feelings just to know his reasons?" I lift my head up.

"I think so, Theo. I think so."

Hinawakan niya ako sa braso. "No. You should be sure of your answer."

Huminga ako ng malalim. "Okay, then. My answer's yes. I'm going to talk to him. If it's really the only way to ease the pain, I'm willing to do that," sabi ko pero hinawakan ko siya sa kamay. "But can you go with me? Hindi ko kaya ang mag-isa. Kailangan ko ng makakasama."

Napailing na lang si Theo at napabuntong-hininga. "Alright. I'll go with you."

Nang araw ding ito ay nagpasya akong sagutin ang tawag ni Bryce. Sinabi kong magkita kami para maipaliwanag niya ang lahat. Agad naman siyang pumayag sa kagustuhan ko.

Nakarating kami ni Theo sa pinag-usapang lugar namin ni Bryce. Madali naman naming nakita ni Theo na mag-isang nakaupo at naghihintay sa amin. Minabuti ko na ring hindi na isama si Mayel sa lakad naming ito dahil alam kong high-blood pa siya sa isang 'to.

"Lyra... Theo? Why are you here?" tanong ni Bryce na salubong ang kilay.

"He's with me. Wala namang problema doon, hindi ba?" I said.

"But, I thought you're going to talk to me." I nodded.

"I am. But I'm not sure if I can handle talking to you alone. That's why I brought him here."

Walang nagawa si Bryce kundi ang pumayag na dapat nandito si Theo. "Anyway, do you want to eat something? I can order for you," Bryce said ignoring the presence of Theo.

"No. I don't want anything. I just want to know your true story. Now, explain."

Naramdaman kong hinawakan ni Theo ang kamay ko sa ilalim ng table at marahang pinisil. Na-feel niya sigurong ang harsh ko kay Bryce. Well, I have to be one. I need to be one.

______________________________________________

Edited chapter of the story. Thanks.

Still vote, comment and spread my story.

- Sairel

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon