Chapter 4
Lyra's
The other week, nakatanggap ako ng tawag mula kay Bryce. Agad naman akong napatili. He asked me on a date! Well, it's not our first time mag-date pero syempre, buong araw kasi ngayon. He cancelled all his appointments even his basketball practice para lang makasama ako.
Mabilis akong nag-ayos ng sarili ko saka ako tumingin sa salamin at napangiti. I'm wearing a tank top with matching jacket tsaka maong shorts. After that, I hurriedly went down the stairs. Nakita ko naman sina Kuya Lyndon tsaka si Lorenzo na nanunuod ng NBA.
"Hi dearest kuya! Good morning dearest bunso!" Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi. Napasimangot naman si Lorenzo at agad pinunasan ang kanyang pisngi.
"Aba't ang ganda ng gising ng aking dearest sister. Anong meron? Tsaka, bakit bihis na bihis ka ngayon?" tanong ni kuya.
"May date sila ng mokong na yun. Tss. I hate that guy," sabat ni Lorenzo.
"Lorenzo! He has a name. He's not mokong. And why do you hate him so much?" Hindi ko talaga alam kung bakit laging bad shot si Bryce sa bunso kong kapatid.
Nakarinig naman kami ng katok mula sa pinto at nasisiguro kong si Bryce iyon. Inayos ko muna ang sarili ko at saka pinagbuksan ng pinto si Bryce.
"Hi, girlfriend. Good morning, Kuya Lyndon at Enzo," bati ni Bryce sa amin sabay halik na din sa pisngi ko.
"Magandang umaga din, Pre. Ingatan mo iyang kapatid ko ha. Kundi magtago ka na." Napatawa na lang kami ni Bryce sa sinabi ni kuya. Lumabas na kami at sumakay ng kotse niya.
"Bryce, what are your plans for today? Where do you want to go?" I asked him.
"How about we go to a drive-thru muna para makabili ng pagkain natin? Then we'll go to Nuvali. Doon muna tayo mag stay hanggang tanghali. How about that?" suggest ng aking boyfriend.
"Sure. That's a good idea. Panigurado masaya ito. Let's just enjoy the day." Tapos ngumiti ako sa kanya. Yung pinakamatamis kong ngiti. Napangiti din si Bryce sa akin. Nakakakilig talaga. I hope walang panira ng date namin.
Nagdrive lang si Bryce papunta sa Nuvali in Laguna. Kumain kami ng binili namin sa Mcdo tapos nag soundtrip din kami sa sasakyan niya. Then we've reached the place. Ang ganda pala dito. Parang you can feel the beauty of everything dito. Tsaka yung mismong lugar, mukhang pang mayaman.
So, we've decided na magpakain ng fish. Masaya pala ito. Sobrang lalaki ng isda. Akala mo naman mga gutom na gutom kung makapag sunggaban. Tapos nagbike kami. Tig-isa kami ng bike. Inuunahan ko nga minsan si Bryce. Magaling kaya akong magbike.
Pero sa gitna ng ngiti naming dalawa ay biglang sumulpot ang isang impaktitang bakla.
"Hi sis! Oh, kasama mo pala si baby Bryce!" bati ni Theo at agad niyakap si Bryce.
"How dare you! Huwag mong yakapin ang boyfriend ko. Sa lahat ba naman ng lugar Theo! Bakit dito pa? Tadhana bang magkita tayo lagi? Walang kwentang tadhana naman yan." Inalis naman niya ang yakap niya kay Bryce. Buti naman kasi kung hindi, binangga ko na itong bike ko sa kanya.
"Ofcourse hindi ikaw 'no. Destiny kami ni Bryce, not you. And FYI. Kadiring tadhana talaga. Oh, Bryce. Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni bakla kay Bryce.
"We're having our date, Theo, so leave us alone, will you?" banta ko sa kanya. Hinila ko naman si Bryce palayo kay Theo.
Nang makalayo kami ay tumigil si Bryce at iniharap ako sa kanya. "Wag mo nang pansinin si Theo, okay? Ituloy na lang natin ang date natin. Basta, isipin natin na hindi natin nakita si Theo." I nodded. Walang makakasirang bakla sa date namin ni Bryce.
Tinapos na namin ang aming pagbibisikleta at nag-food trip na lang kami. Ang dami kasing kainan dito. Nang makahapon ay dumiretso naman kami ng Enchanted Kingdom. We rode so many rides and it was fun. And being with Bryce added up the excitement and happiness I'm experiencing as of this moment.
Hindi namin namalayan na gumagabi na pala. Niyaya naman ako ni Bryce sa may ferris wheel at sumakay na kami. Habang nararating mo ang tuktok ng ferris wheel ay paganda ng paganda ang makikita mong view.
"Bryce! Tingnan mo! Ang ganda," sabi ko.
"Mas maganda ka." Wait. Did I just hear him say that?
Napatingin ako sa kanya and to my surprise, he's looking at me with sparks in his eyes and a sweet smile on his lips.
"Hey. You're blushing. You're so cute. Ang ganda at ang cute talaga ng girlfriend ko." Then kasabay ng fireworks ay ang halik na puno ng happiness, excitement at love.
_____________________________________
Edited and revised chapter. Vote, share and comment.
- Sairel
BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
Narrativa generaleNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...