Chapter 18

3.6K 70 11
  • Dedicated kay Deselle Jandoc
                                    

Chapter 18

Lyra's

"Bryce?"

"Lyra, we need to talk." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Bryce.

"Ano bang dapat nating pag-usapan, Bryce?" tanong ko nang nakataas pa ang isang kilay.

Then he sighed. "It's about us, Lyra. I asked you for a second chance and you said you'll think about it. Do you have an answer now?"  

"Bryce.. Not now, please. I'm still lacking of time to think. Why don't we just go back on our seats and enjoy the rest of the night?" sabi ko na medyo awkward dahil pinagtitinginan na kami ng tao.

"We can't, Lyra. I'm sorry if you're having a hard time but I badly needed your answer right at this moment. It's now or never for me."

Gustuhin man ng puso kong bumalik kami sa dati, hindi naman sumasang-ayon ang utak ko. Alam kong hindi niya naging kasalanan ang lahat sa aming break-up pero parang natatakot na akong bigyan siya ng pangalawang pagkakataon.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga. "I can't, Bryce. I can't give you your second chance. I'm sorry." Tinalikuran ko na siya at naglakad pero hinabol pa rin niya ako at pinigilan.

"No, Lyra. Alam kong mahal mo pa ako. Natatakot ka lang. Let go of your fear and give me the chance that I wanted." Umiling ako at pilit tinatanggal ang mahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ko.

"Let me go, Bryce," I firmly said at nakita ko namang papalapit si Trixie sa amin. "You have Trixie, Bryce. She loves you. Let go of me and be happy with her," sabi ko at yumuko na lamang.

"What's happening here?" ani ni Trixie nang makalapit sa amin. Napatingin siya sa kamay ni Bryce na nakahawak sa kamay ko at saka ako tinaasan ng isang kilay. "Bryce, let go of her hand."

"Dude, pakibitawan ang kamay ng partner ko. Tumatagal na ang pagkakahawak mo at hindi ko na ito nagugustuhan." Nilingon ko ang maawtoridad na boses mula sa likuran ko.

"Theo.." bulong ko saka agad tinanggal ang kamay ko kay Bryce.

Mukhang nainis si Bryce sa pagsingit ni Theo. "Ano bang pakialam mo? Sino ka ba?" Nanliit ang mata ko. Hindi ba niya nakilala si Theo?

 Napahalakhak si Theo na lalong ikinainis ni Bryce. "Ofcourse I care, because she's my date."

"Ohmygod! Theo is that you?" tanong ni Trixie na nagpaawang ng bibig ni Bryce. Tumaas naman ang gilid ng labi ni Theo. 

"The one and only." 

"Ohgosh! You turned into a handsome prince! I can't believe this! Ang hot mo!" Napasimangot ako sa kumento ni Trixie. Really, Trixie? Si Theo naman ngayon?

Nilapitan ko agad si Theo at kumapit sa braso siya. Not him, Trixie. Tama nang nasira niya kami ni Bryce. Wag lang kaming dalawa ni Theo. Wag lang yung pagkakaibigan namin ni Theo.

"Now that you've known my identity, my date and I will leave you. And please, stop bugging my date," sabi ni Theo kina Bryce pero bago namin sila lampasan ay narinig kong bumulong si Theo kay Bryce. "Dude, you don't want to ruin her night, right? Just a piece of advice. Don't come any closer to her. I am her date, not you." Saka namin sila iniwan sa gitna ng dancefloor.

"Thank you, Theo. Thank you," pasalamat ko sa kanya nang makaupo kami sa table. Bumalik naman ulit sa dati ang mga tao, kanya-kanya na ulit ng mundo.

"You're welcome, sunshine. It's my job to make you happy, not to make you cry. So cheer up! Nakakapangit ang pagiging malungkot. Ayoko namang pumangit ang partner ko. Ikaw nga ang pinakamaganda ngayon dito."

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon