Chapter 12
Lyra's
Halos lahat kami ay napasinghap nang sabihin ni Trixie na boyfriend at fiance niya ang boyfriend ko.
Maraming tumatakbo sa utak ko sa mga nagdaang linggo pero inalis ko sa isipan ko ang posibilidad na magkaroon ng relasyon ang dalawa. Masyado akong nabulag sa pagtitiwala ko kay Bryce.
"Are you kidding? Boyfriend mo si Bryce? Just what the eff are you saying?" Mayel said angrily and crosses her arms.
Nagsalubong ang kilay ni Trixie. "Are you alright, Mayel? Bakit galit na galit ka ata?"
"Mayel, please stop. Ako na ang magsasabi sa kanya," sabi ni Bryce.
"Ng alin? Bryce, ano ang sasabihin mo sa akin?"
Hindi na ako makagalaw at makapagsalita pa. Narito lang ako, parang batong nakaupo at nakikinig sa kanila.
"Theo, iuwi mo na si Lyra. Ako na ang bahala dito. Hindi ko hahayaang tuluyan siyang masaktan," utos ni Mayel ngunit umiling ako.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko! Lyra, ang tigas ng ulo mo! Tara na. Umalis na tayo dito," sabi ni Theo at hinila na ang pulsuhan ko.
Pero hindi ako nagpatinag. Eventhough it hurts so much, I still wanted to hear his reason. Ang rason kung bakit dalawa kaming karelasyon niya.
Kung tutuusin, ako ang talo dito. Parehas nga kaming girlfriend pero si Trixie, girlfriend na, fiancee pa. Ang sakit lang isiping pinagsabay niya kami.
"I'm sorry, Lyra. I can explain. Maniwala ka sana sa akin." Hahawakan sana ni Bryce ang kamay ko ngunit agad kong iniiwas.
Unti-unting tumulo ang luha ko. "Bryce, why did you do this to me?"
"Lyra..."
"Tell me, totoo ba ang sinasabi ni Trixie? Totoo bang girlfriend at fiancee mo na siya?" Nag-iwas siya ng tingin.
"Lyra, umalis na tayo."
"No, Theo. Ayoko. Hindi pa ako tapos kausapin si Bryce," sabi ko habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko.
"Ano ba, Lyra! Gusto mo talagang saktan ang sarili mo?" Napapikit ako sa sigaw ni Mayel.
"What is really happening right now? Bakit umiiyak si Lyra at bakit galit na galit ka, Mayel?"
"Tanga ka ba? Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang nangyayari?" asik ni Mayel.
"That's enough, Mayel. Hindi ba't sinabi ko na kaninang ako ang magpapaliwanag sa kanya? Please, let me tell her the truth," pakiusap ni Bryce pero inirapan lamang siya ni Mayel.
"Tapos ano? Anong susunod? Grabe ka, Bryce." Mayel sighed. "You almost begged at me na wag ako ang magsasabi kay Trixie. Para hindi siya masaktan? Pero itong kaibigan ko, hinahayaan mong masaktan? You're a freaking jerk."
"No.. Mali.. Hindi sa ganoon.."
"Hindi sa ganoon? Sinasamantala mo ang kahinaan ng kaibigan ko. Alam mo kasing mahal na mahal ka ni Lyra."
Lalong lang akong umiyak. Nandito naman si Theo sa tabi ko at inaalo ako. Tama si Mayel. Kahit saang anggulo, mali pa rin si Bryce.
"What?! Lyra loves Bryce? Nagkakalokohan na ba tayo dito?" histerikal na tanong ni Trixie.
"Not only that, honey. Everybody knows that Bryce is Lyra's boyfriend and not yours." Mayel smirked upon seeing shocked all over Trixie's face.
"Girlfriend? Bryce, si Lyra ang tinutukoy mong girlfriend?"
Nagulat ako sa sinabi ni Trixie. She knew Bryce has a girlfriend? Napatayo si Mayel sa kinauupuan niya.
"What the? You knew all along that Bryce has a girlfriend yet you insisted to be his girl? Ang taas ng level ng kalandian mo, girl!" aniya.
"I told you, she's a bitch!" sabat naman ni Theo.
"Shut up! All of you," galit na sabi ni Bryce then humarap kay Trixie. "I'll explain to you later."
"At may gana pa kayong maglandian after? Aba'y sumosobra na kayo. Tigilan mo na si Lyra. Tara na, Lyra at Theo. Wag mong iyakan ang lalaking hindi kayang makuntento sa isa kaya humanap pa ng iba."
Hindi ko na kailangan pang maglitanya ng mahaba. Lahat ay sinabi na ni Mayel. And I really thanked her because she's always been there for me and defending me.
Tumayo na kaming dalawa ni Theo at inakay niya ako paalis ng lugar. Pero bago kami tuluyang makalabas ay hinarap ko si Bryce.
"I'm sorry, Lyra. I'm very, very sorry," sabi ni Bryce at saka nagyuko ng ulo.
"You're not worth crying for, Bryce. And I don't deserve you either." Sinulyapan ko si Trixie na todo ang tulala kasabay pa ang pag-iyak. "Be with Trixie because she's already a total mess. Just like our relationship, it's already a mess. Goodbye, Bryce and goodbye to our relationship," I said then left.
_________________________
Theo's
"Mang Kiko, sa apartment po namin tayo pupunta," sabi ni Mayel sa driver nila.
"Ha? Bakit sa apartment niyo? Bakit hindi na lang natin iuwi si Lyra mismo sa kanila?"
"Are you insane? Hahayaan mong umuwi siya sa kanila at makita ng pamilya niya ang itsura niya ngayon? Tingnan mo nga. Para siyang basang sisiw!"
"Ang harsh mo naman. Pero sabagay, may point ka. Pero bakit doon pa?" sabi ko habang patuloy pa rin ang paghaplos ko sa buhok niya.
Hindi ako marunong mag-alo o magpatahan ng umiiyak pero sana sa paraang ito, ang paghaplos sa buhok at balikat niya, ay magawa kong pagaanin ang loob niya.
Humilig naman siya sa akin at mas sumiksik pa. Siguro ay na-feel na rin niyang secured na siya sa akin. Niyakap ko na siya at ikinumot ko sa kanya ang suot ko kaninang jacket. Naramdaman ko naman na bumibigat na ang paghinga niya. Nang silipin ko naman ay tulog na kaya napangiti ako.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang mga pangyayari kanina. Yung mukha ni Lyra na gulung-gulo at luhaan. Yung sakit at lungkot na nakita ko sa mga mata niya. Somehow, gusto ko ring sisihin ang sarili ko dahil hindi ko agad sinabi kay Lyra ang tungkol kay Trixie at Bryce. Pero hanggang dito na lang talaga ang kaya kong gawin at sana talaga, gumaan na ang pakiramdam niya.
"Hanep! Kung makayakap ka naman sa kaibigan ko! Dinaig mo pa ang boyfriend sa yakap mo ah! Sabihin mo nga. Bakla ka pa rin ba?"
Agad ko siyang binatukan. "Aray naman! Makabatok lang? Close tayo? Parang nagbibiro lang naman ako."
"Ayusin mo kasi iyang biro mo nang di ka nababatukan!" Pinanlakihan ko siya ng mata kaya natawa naman siya sa akin. "Manahimik ka nga dyan at baka magising ang isang 'to."
"Sorry na. Sorry na." Umayos siya ng upo. "Pero grabe ka naman maging concern kay Lyra. Ang sweet lang. Pero infairness, may chemistry kayo. Kayo na lang kaya?"
Aambahan ko na sana siya ng batok ulit pero isinangga na agad ang kamay niya at saka tumawa ng mahina. "Isa ka na lang talaga. Manahimik ka na dyan."
Tumigil na rin sa pagtawa at pang-aasar si Mayel at nakatulog na rin. Pasalamat naman ako at nabawasan ang maingay sa byahe.
Pinagmasdan ko naman si Lyra na parang anghel kung matulog. Bakas pa rin sa pisngi niya ang ilang luha na agad ko din namang pinunasan.
Sinayang ni Bryce ang pagkakataong makasama si Lyra. Nagkamali siya nang humanap siya ng iba at ipagpalit si Lyra. Lyra has almost all the qualities a man ever dream of. She's a one of a kind girl. A one in a million kind of girl.
______________________________________________
This is the edited chapter. Yung next chapters ay nirerevise ko pa.
But don't worry, I'll be editing them ASAP. Just still vote, comment and spread!
- Sairel
BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
General FictionNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...