Chapter 8

3.8K 70 1
                                    

Chapter 8

Lyra's

"Bakit ang lapit niyo sa isa't-isa? Anong meron sa inyong dalawa ni Trixie?"

Napansin kong naging malikot ang kanyang mga mata at naging butil-butil ang pawis niya na kinailangan pa niyang punasan ng panyo.

 "Answer me, Bryce. Kailangan kong malaman ang ugnayan niyong dalawa."

He sighed. "Alright. I'll tell you the reason. I've known Trixie for a very long time. Magkababata kami. We've been very close since the day she left. Ngayong bumalik na siya, sinusulit namin ang mga oras na nasayang. I'm sorry, Lyra, kung naiisip mong nawawalan na ako ng oras sayo. Naging matalik ko kasi talagang kaibigan si Trixie kaya ganoon na lamang kalapit ang loob ko sa kanya," paliwanag ni Bryce.

"It's hard for me to ask this but... do both of you have any feelings for each other way back then? I mean, wala bang naging something sa inyong dalawa aside from being friends?" Napatungo ako sa tanong ko.

Hindi ko ata kayang marinig ang isasagot niya. Paano kung meron nga? What if they still do have feelings for each other? Mas matagal silang magkasama kaysa sa aming dalawa. Paano kung...

Naputol ang isipin kong iyon nang iangat ni Bryce ang mukha ko gamit ang mga palad niya. He smiled at me. Yung ngiting sinasabing wag akong mabahala.

"I know you're confused and worried. Magkaroon man o wala ng relasyon dati, it doesn't matter. I'm sorry kung hindi ko na nagagampanan ang pagiging boyfriend ko sayo. I promise you, babawi ako," sabi niya at hinalikan ako sa noo.

I nodded. Maniniwala ako sa kanya. I still have some thoughts pero maniniwala ako sa kanya. Anong magagawa ko, I'm inlove with this man in front of me. 

Pagkatapos naming mag-usap ay inihatid na niya ako sa bahay. We still had the time to talk about things and about us on our way home. Namiss ko talaga yung pagkukulitan namin.

"So, I have to say goodbye for now, girlfriend. Namiss kita, alam mo ba iyon. I'm sorry for the things that hurt you and your feelings," sabi ni Bryce sa akin.

Nakakalambot ng puso ang gantong lalaki. Kahit siguro gaano pa kalaki ang kasalanan nito sakin ay mababawasan panigurado yung galit ko dito.

"I'm sorry din, boyfriend if I'm too inquisitive and curious. I just want to know everything and all the happenings around you." Niyakap ko siya at ganoon din ang ginawa niya.

"Maraming salamat sa pang-unawa mo sa akin. Basta, trust me. Really, Lyra, you just need to trust me. I love you, Lyra Dominique Valderrama."

"And I love you more, Bryce Angelo Guerrero. Bye. Ingat." At hinalikan niya ako sa pisngi.

Pumasok ako sa bahay namin at naabutan kong may ilang tawanan mula sa dining room. Lumapit ako to see that Theo's parents are here. Talagang narito sa bahay namin sina Tito Alex at Tita Thalia.

Hinanap ng paningin ko si Theo pero walang Theo sa paligid. Hindi ata nila isinama. Ano naman kayang ginagawa nina Tito at Tita dito sa amin? Alam kong close ang pamilya namin sa pamilya ni Theo pero hindi naman ganitong nagpupunta pa talaga sa bahay.

Nagkibit-balikat na lang ako. Pagod ako kaya aakyat na ako para magpahinga. Napagod ako kakaisip kay Bryce at Trixie.

"Oh, anak! Andito ka na pala! Bumisita ang Tito Alex at Tita Thalia mo. Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni mommy.

Tumango ako. "Opo. Kumain na po ako. I'll just go upstairs. Magpapahinga na po ako."

Paakyat na sana ako nang pigilan ako ni mommy. What is it this time? Nilingon ko sina mommy.

"Teka lang muna. Your Tito Alex and Tita Thalia are here for you. They have some things to talk about with you," sabi ni mommy na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Ano po iyon, Tito, Tita? Mayroon po talaga kayong gustong sabihin sa akin?" Tumango at ngumiti silang dalawa sa akin. Ngiti? More like ngisi.

"Yes, Iha, we want to talk to you. But, let's talk outside. Hon, ako na lang ang kakausap kay Lyra," sabi ni Tito Alex kay Tita Thalia.

"Sure, hon. Mare, tara sa kusina niyo. Let's prepare some foods," yaya naman ni Tita kay mommy. Nacurious tuloy ako. Seryoso ba ang pag-uusapan namin?

Nagpunta kaming dalawa ni Tito Alex sa may veranda. Medyo napapansin ko ring seryoso ang itsura ni Tito. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Iha, there's something we want you to do," panimula ni Tito sa conversation namin.

"What is it, Tito? Ano po ba iyon? Is it that confidential na kailangan pa sa labas tayo mag-usap, Tito?"

I'm already bothered on the seriousness and formality. Napaisip ako. Wala naman akong atraso kahit kanino kaya walang dapat ikabahala.

Pero naisip ko rin, paano kaya kung big boss pala si Tito Alex tapos gusto niya pala akong gawin secret agent? Pwede ring utusan niya akong gawin lalaki? That's a big no for me! Paano naman kung gagawin pala niya akong maid ng mga hot na lalaki? O baka naman talent scout si Tito at gawin niya akong rising star? 

Pinukpok ko ang sarili ko, not literally pukpok. Ano ba kasing pumapasok sa isip ko? Sa sobra ko na atang pagod ay lumalawak na ang imagination ko.

"Iha, Lyra, I have a big favor to ask from you.. "

___________________________________

Edited and revised chapter.

As far as you can read, may ilang chapters akong naka-POV ng ibang characters aside from the lead characters. I edited them and made them point of views of the main characters para hindi masyadong magulo.

As much as possible also, gagawin kong POV nina Theo at Lyra lang yung next chapters. This is just an explanation para sa mga nagtataka at mga bago pa lang na nagbabasa ng kwento.

And kung gusto niyo ng dedication sa ibang chapters, just comment and I'll surely entertain every comment of yours.

Thank you for supporting. Vote, comment and share!

- Sairel

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon