Chapter 26
Lyra's
"OMG! Two o'clock mga bes! Ang yummy niya!" tili ni Mayel at hinampas pa si Theo. "And look, he's looking somewhere. Baka naghahanap siya ng forever! Ako na yata 'yon!" Hampas na naman niya kaya naningkit ang mata nung isa.
"What the fuck? Gusto mong masampal, Mayel? Stop smacking my arms, will you?" inis na wika naman ni Theo na hinihimas ang brasong hinampas ni Mayel.
"Kasi naman ang gwapo, ang tangkad, ang sexy at mukhang matalino at mayaman! Grabe na ito! Forever na talaga!" Theo rolled his eyes.
"Kapag kinikilig ka, kinikilig ka na lang. Huwag ka ng mandamay ng iba! Pati braso ko napagdiskitahan mo! Tsaka walang forever!" inis na sambit ni Theo kaya napatawa ako ng mahina. Anong nakain ng isang 'to at napakabitter naman ata?
"Nasaan ba yung sinasabi mo? Bakit hindi ko makita? Two o'clock? Sa akin bang direksyon? Sa iyo o kay Theo?" tanong ko para sakyan ang kalandian ni Mayel.
"Pati ba naman ikaw, Lyra?" Nagpipigil akong matawa kasi nakita kong mas naningkit ang mata ni Theo nang tumingin siya sa akin. Tinaasan naman siya ni Mayel ng kilay.
"Ano naman kung maghanap din ng hottie itong kaibigan natin? Single tayo pare-pareho, kung naiinggit ka, join us na lang!" sabi ni Mayel tapos binalingan ako. "Nasa tapat mo, Lyra. Yung naka-navy blue na polo shirt with white khaki pants."
Tiningnan ko yung sinabi ni Mayel and she's right. Lahat ng papuri ni Mayel ay saktong-saktong depinisyon ng lalaki. Pero agad ding nangunot ang noo ko. Pamilyar ang lalaki.
"Seriously? Detalyado talaga? Tsaka bakit ba tayo nandito? Para maghanap ng lalaki? This is a cafe. Not a dating place or what. We're here to relax, not to find some random guy na sa paningin niyo ay hot na," kumento ni Theo.
Nasa isang cafe nga kami para mag relax galing sa isang linggong finals. Ito lang talagang si Mayel ang kaisip na mag "guy-hunting". Siguro dahil ilang buwan na din siyang single kaya siya nagkakaganyan. Pero masaya naman maging single. Walang problema sa pera at walang sakit sa ulo.
"Hay! Bakit ba ang killjoy mo? Di ba ikaw naman ang nagturo nito sa amin? Ikaw pa naman ang nangunguna sa paghahanap ng lalaki dati," sabi ni Mayel kaya napatingin din ako kay Theo. Tama si Mayel, ang weird ni Theo ngayon. "Ano bang nangyayari sayo? May sakit ka ba? May sapi ka ba?"
"May sapi agad? Wala namang problema sa akin. Paranoid ka lang, Mayel. Maybe, I'm just not in the mood for that," sagot ni Theo saka humalumbaba at nilaro ang kanyang pagkain.
Napatingin kaming dalawa ni Theo nang biglang tumayo si Mayel. "Bahala ka nga, Theo. Basta magtitingin kami ni Lyra ng papables na makikita namin. Huwag mo na lang kaming pansinin. MYOB ka na lang," sabi ni Mayel saka umirap.
"MYOB?" nagtatakang tanong ko. Saan ba nahuhugot ni Mayel ang utak niya?
"MYOB. It's "Mind Your Own Business". Hay nako. Hindi ba kayo nanuod ng movie ng boyfriend ko? Pee Mak! Ang cute kaya niya dun sa movie!" Nagsalubong ang kilay ko. May hindi ba sinasabi sa akin si Mayel?
"Mayel, wala ka namang boyfriend. Ilusyunada ka bes?" Napatawa ako nang umirap na naman si Mayel sa pambabasag ni Theo sa kanya.
"Ang sama mo talaga sa akin! Kay Lyra ka lang mabait! Tumayo ka na dyan, Lyra. Let's go find some hot men out there." Tumingin lang ako kay Mayel kaya hinila na niya ako patayo.
Tumayo din si Theo. "Saan niyo ba balak pumunta?" Inirapan lang ni Mayel si Theo kaya napatingin naman siya sa akin. Nagkibit-balikat naman ako. "Maupo na nga kayo. Wala naman pala kayong pupuntahan."
![](https://img.wattpad.com/cover/4989111-288-k715841.jpg)
BINABASA MO ANG
OPERATION: Change HIM to a MAN
Fiction généraleNagsimula sa pagiging magkaaway, naging magkaibigan at ngayon ay magkasintahan. Pangkaraniwang love story pero ang naiiba-bakla ang bida! Paano nga ba naging magkaibigan si Theo at Lyra? At paano din sila nauwi sa isang romantikong pagsasama? Bakit...